•Kaguluhan 8•

503 35 9
                                    

Yuan Torres

***

"Tangina naman, ang sabi ko burger hindi tinapay na may konting patty!" angil ni Dino na halos manlumo sa nakitang patty sa binili naming ***** Burger.

"Tanga ka kasi," pang-aasar ko.

Hindi niya ako pinansin at sa halip ay labag sa loob na kumagat sa nabiling burger. Para siyang bata na halos umiyak na dahil na-scam sa paboritong pagkain. Malas lang niya dahil sa ***** Burger siya bumili. Mabuti na lang talaga at hindi ako patay gutom.

"Ano? Tapos ka na bang magdrama Dino? Mag-aalas siyete na kailangan ko ng umuwi," inis na komento ni Vincent.

"Sandali lang, ilang kagat pa 'to,"

"Sa daan mo na lang ubusin 'yan," pagsabat ni Zenon na naiinip na rin habang naka-upo sa gilid ng kalsada.

"Teka lang, dito ko na uubusin para maitapon ko sa basurahan," giit pa ni Dino sabay turo sa basurahang nasa tabihan ko.

Napabuntong hininga ang mga kasama ko at inip na hinintay ang pag-ubos ni Dino sa kaniyang pinakamamahal na ****** burger.

Makalipas ang ilang minuto ay umalis na kami para mag-abang ng jeep pauwi sa kaniya-kaniya naming bahay.

Pagkarating ko sa amin ay agad akong pumunta sa kwarto at nagbihis ng isang itim na short at puting sando pagkatapos ay lumabas at pumuntang kusina. Doon ay naabutan ko si Mama na nagpiprito ng galunggong.

"Wala bang gulay, Ma? Para naman may sabaw." tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso bago ako uminom.

"Meron, kakaluto ko nga lang eh. Teka, bakit ginabi ka ng uwi ngayon?"

Napakamot ako sa batok at binalik ang pitsel sa loob ng ref.

"Eh, nagkayayaang magbasketball eh tapos nagmerienda pa kami doon sa kabilang barangay." sagot ko at lumapit sa kaniya.

"Nasaan pala sina Papa?"

"Naku, ewan ko ba sa damuhong iyon. Nagfefeeling binata eh may tatlo ng anak!" asik ni Mama at mukhang may drinking session ulit ata sina Papa at Ninong.

Makapunta kaya? Tss, baka mabato ako ng kawali ni Mama. Tutulog na lang muna ako.

"Sa kwarto lang ako, Ma. Gisingin mo ako kapag kakain na."

"Oh sige, sige."

---

"Yuan my loves!" sigaw ni Klea mula sa kabilang dulo ng hallway. Kumakaway siya at ngiting-ngiti pa sa akin. Napangiwi ako at napatingin sa mga babaeng nakatambay sa hallway dahil bigla silang tumigil sa pagkekwentuhan at tumingin sa akin.

"Hi girls!" tumaas ang kilay ko para bumati sa kanila.

Napatawa na lang ako ng palihim nang magkurutan sila at nagmadaling pumasok sa loob ng room nila. Tsk. Tsk. Iba talaga ang alindog ko sa kanila. Samantalang kina Jenny parang sukang-suka pa sila.

Mukha ba akong inidoro? Ampucha!

"Yuan, pagaya kami sa assignment sa 21st Century," bungad ni Klea. Pagkapasok ko pa lang sa classroom. Ni hindi ko pa nararating ang upuan ko.

Bahagyang nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"May assignment ba?!"

"Tangina, wala ka ring gawa?" panghuhula niya kaya napakamot ako sa likod ng tainga ko.

"Si Hale ba wala?" tanong ko.

Umiling si Klea. Pagkatapos ay umalis na siya sa harapan ko. Pagkaalis na pagkaalis niya ay mabilis akong lumapit kay Sofia. Nakaupo siya at nagsusulat sa notebook.

"Assignment ba 'yan sa 21st?" tanong ko.

"Oo, kaya huwag kang manggulo kung gusto mong makagaya mamaya." aniya habang hindi tumitingin sa akin. Nagmadali akong lumipat sa bandang likuran niya para i-massage sana ang balikat niya pero bigla na lang akong nakatanggap ng pagkabatok mula sa likuran ko.

Dahan-dahan akong lumingon sa salarin habang sapo-sapo ang pinakamamahal kong batok. At walang iba kundi si Vicca na may gana pang mamewang sa harapan ko.

"Bakit ka nambatok?!" asik ko.

"Ako ang nagbabantay kay Sofia kung sakali mang may mangulo sa kaniya." taas noo niyang aniya habang nakapamewang.

"Ganun ba?" napatango-tango ako.   "Sige, bantayan mo ng maayos baka may umabala. Bantay well," tinapik ko ang balikat niya at mabilis na lumapit kina Josrael at Paul na nasa sulok ng classroom.

Pagkalipas ng sampung minuto ay natapos na rin ni Sofia ang assignment, kaya ang naging ending ay nag-agawan kami sa notebook niya. Pati sina Eyan ay naki-agaw din na nanahimik lang kanina.

Nakailang kurot, tulak at sapak ang natanggap ko habang nakikipag-agawan. Nakalmot pa ako sa pisnge, pvta.

"Teka, kami muna bago kayo!" suhestyon ni Dianne na mahigpit ang hawak sa notebook.

"Ano kayo? Chicks?" pang-aasar ni Josrael na ikinainis ng mga babae.

"Tanga. Kailan pa kami naging sisiw?"

"Ngayon lang," natatawang sagot ni Josrael.

"Hoy! Tigilan niyo na nga 'yan! Baka mapunit ang notebook ko, ipapakain ko ng buo sa inyo 'yan!" sigaw ni Sofia at lahat kami ay natahimik. Doon ay dahan-dahan kong hinila ang notebook mula sa pagkakahawak nina Dianne.

Then, BOOM! Nakuha ko ang notebook!

---

"Uuwi ka na agad?" untag ko kay Jenny nang kuhanin niya ang bag at dire-diretsong pumunta sa pintuan.

Napataas siya ng ulo at tumingin sa akin. Tamad na tamad sa buhay, ang pvta.

"Oo,"

"Elise, si Jenny tatakas daw!" sigaw ko at agad na nanlaki ang mata ni Jenny. Napatingin ang lahat sa amin at pati si Elise na kakakuha pa lang ng walis tambo.

Naglakad siya palapit sa pwesto namin at binigay kay Jenny ang hawak na walis. Sumimangot si Jenny habang nagkakamot ng ulo pabalik sa loob.

"Uuwi na kami, p're!" hiyaw ni Josrael at Paul mula sa kabilang pintuan. Masuwerte sila dahil hindi sila cleaners ngayon. Tsk, nakakatamad naman magpunas ng bintana.

Pagkalipas lang ng ilang minutong pagpupunas ay may biglang kumalabit sa likod ko. Tumigil ako at hinarap siya.

"Ihatid mo nga muna si Eyan, Yuan. Nahihilo daw eh," ani ni Sofia at inabot ang bag ni Eyan sa akin na tinanggap ko naman agad.

Yes! Makakauwi na rin!

"Gusto mo bang buhatin kita?" pag-aalok ko dahil mukhang walang balak tumayo ang babaeng 'to.

"Tanga, kaya ko pa naman." mataray niyang sabi. Itutulak ko siya mamaya sa hagdan, sana 'di ko makalimutan.

"Edi tumayo ka na, uuwi na tayo!" suhestyon ko dahil nakuha pang imasahe ang sintido.

"Teka, nahihilo pa kasi ako," aniya. Napailing ako at hinawakan ang magkabilang braso niya.

Tapos, tangina. Kakatayo pa lang ni Eyan pero bigla rin agad siyang nabuwal sa kinatatayuan. 

"Eyan!" tili nina Vicca.

Mabuti na lang talaga at nasalo siya kaagad. Kung hindi, edi hindi ko siya nasalo.

***

(End of Kaguluhan 8)

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now