Chris Pines
***
Nagkakagulo ang lahat dahil sa pagkapanalo nina Josrael sa laban nila ngayon. Hindi mahirap hulaan ang naging laban nila dahil sa umpisa pa lang ay tinambakan na nila ang kalaban.
Magagaling ang naging teammates nina Yuan kaya medyo naging lamang ang grupo nila. Sa pagkakaalam ko, kami ang sunod na maglalaban.
"Mukhang 50/50 ang laban natin mamaya," natatawa kong sabi kay Adam. Umismir siya at ngumiwi. Alam kong naiintindihan niya ang sinabi ko.
"Hindi nagpapatalo si Josrael sa basketball. Ni hindi pa ata natatalo 'yan eh," sumingit sa gitna namin si Sean.
"Mukha bang hindi namin alam?" angil ko. Parang tanga, malamang alam namin dahil lagi kaming naglalaro. Magsasalita na nga lang, wala pang kwenta.
"Pftt, goodluck sa'tin mamaya," sabi pa niya at nagfighting. (Alam niyo naman siguro kung pa'no yun, haha.)
Napailing ako nang umalis na si gago. Bukas magaganap ang laban dahil paaado alas-singko na ng hapon. Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa gate.
Pagkarating sa bahay, mabilis kong nakita si Mama na mag-isang nag-iinom. Ito na ang pangatlong beses ngayong linggo na naabutan ko siyang ganito.
Dinidibdib niya pa rin ang pagtataksil sa'min ni Papa hanggang ngayon.
"Ma, ano na naman ba 'to? 'Diba sabi ko huwag ka ng iinom?" Sermon ko sa kaniya. Hindi niya 'ko pinansin at inisahang lagok ang alak na nasa baso.
Napailing ako at kinuha ang bote na halos kalahati na ang nabawas. Pilit niyang inagaw pero hindi ko siya pinagbigyan.
"Hayaan mo na kasi ako, anak. Last na 'to, promise!" sabi niya sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa.
Umingos ako sa kaniya dahil ganun din ang sinabi niya noong isang araw na naglasing siya.
"Ma, kailan ka ba magmomove on?" nilapag ko sa baba ang bote at mabuti na lang na 'di niya na sinubukang kunin pa.
Humikbi siya hanggang sa maging iyak na. Sumandal siya sa dibdib ko at doon umiyak ng umiyak. Wala akong ginawa kundi ang haplusin ang buhok niya. Kailan ba niya makakalimutan si Papa?
"Minahal ko siya ng buo. Naging mabuti akong asawa sa kaniya. Naging isang mabuti akong ina sa anak niya. Ano bang kulang sa'kin? Bakit ba niya nagawang ipagpalit ako sa iba?" sabi niya sa gitna ng pag-iyak. Ramdam ko rin ang panginginig ng katawan niya.
"Ma, tanggapin na lang natin na kahit ikaw ang nauna ay hindi siya sa iyo hanggang sa huli. Kalimutan na natin siya, ako na lang ang pagtuonan mo ng pansin." sabi ko habang patuloy na hinahagod ang likod niya.
"Saka kung gusto mo, hanapan kita ng magiging jowa. Gusto mo ba ng blind date, Ma?" dugtong ko.
Hinampas niya ako sa braso at kumalas sa pagkakayakap ko.
"Ang ilalaan kong oras sa blind date na 'yan ay ilalaan ko na lang sa anak ko," Anas niya. Nakangiti na siya ngayon habang pinupunasan ang luha.
Tumawa ako. "Magblind date ka na, Ma. 'Di naman ako magtatampo. Mas gusto ko yun kesa sa lagi kang mag-inom,"
Kinurot niya ako sa tagiliran dahilan para mapaigtad ako sa kinauupuan.
"Ma, naman!" reklamo ko.
"Ayuko. Ayuko ng mag-asawa," nakasimangot niyang aniya.
"I-set up kaya kita sa Papa ni Zenon?" pagbibiro ko. Sa pagkakataong ito ay binatukan niya na ako.
"Hindi ka na nakakatuwa, Chris ha!" angil niya.
YOU ARE READING
Section Z (Senior High School) | ✓
Humor[Book 2] (Completed) They may face differrent challenges but they will still find their way to each other. (Photo used is not mine. Credits to the rightful owner.)