Iguel Adios
***
(1 year and 4 months later)
"Oh tangina mo, Adios! Kaklase pa rin kitang hayop ka!" sigaw ni Kian nang makita ako sa dulo ng hallway.
Napangiwi ako habang nakatingin sa kaniyang kumakaway.
1st year college na kami ngayon at parehas kami ng kinuhang kurso ni Abudabo at nagsakto rin na naging magkaklase ulit kami.
Pvta. Sawang-sawa na 'ko sa pagmumukha nila.
"Ohh!" biglang sigaw ng isang babae sa kaliwang bahagi ko.
"Iguel! Dito ka rin sa building na 'to?" pagbaling ko ay nakita ko si Dianne na masayang nakangiti sa'kin.
Oh, please lang, huwag ko sana siyang maging kaklase.
"Oo. Ikaw din ba?" tanong ko.
Masaya siyang tumango at pinakita ang schedule niya. May dalawang subject kaming magkaklase at mabuti naman.
Ngumisi ako at binalik sa kaniya ang kapirasong papel.
"Criminology din ang kinuha mo?" kunot kong tanong nang makapasok kaming tatlo sa first subject naming lahat.
Si Kian, sa tatlong subject ko siya kaklase samantalang isang subject lang sila ni Dianna magkaklase.
"Yup. Gusto kong ako ang aaresto sa'yo balang araw," pamimilosopo niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Gagv 'to. Hindi pa rin nagbabago kahit college na.
Tsk.
"Balita ko, mandatory sa babaeng criminology ang magpagupit ng panlalaki. Edi, magpapagupit ka, Dianne?" Nakangising ani ni Kian dahilan sa mabilis na panlalaki ng mata ni Dianne.
"Legit ba?" gulat niyang tanong. "Gagu ka!"
Malakas na humalakhak si Kian sa reaksyon ni Dianne. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Gagu ka kasi, 'di mo ba talaga alam 'yun?" natatawa pa rin na wika ni Kian. Napatawa na rin ako dahil sa itsura ni Dianne na mukhang natatae na.
"Pwede ba 'kong magback-out? Pangarap ko maging pulis pero 'di ko pinangarap na magpagupit ng maganda kong buhok," reklamo niya at mukhang iiyak na.
Parehas kaming tumawa ni Kian dahil sa litanya niya. Tanga-tanga, ampvta.
"Huwa niyo 'ko tawanan. Lilipat na lang ako kay Jia," nakasimangot niyang aniya.
Tumigil na ako sa pagtawa dahil wala na naman nakakatawa. Pero si Kian, hindi pa rin tumitigil.
---
(1 month later)
"Nasa'n na kayo? Nandito na kami!" sigaw ko para marinig nila ang boses ko sa kabilang linya.
Kasalukuyan kaming nasa mall at kasalukuyan rin na may artistang nagma-mall show kaya maingay ang buong paligid.
[Naku, 'di ako sasama! May tatapusin pa 'kong report na deadline bukas. Next na lang me, ingat!] sagot ni Sofia at mabilis akong pinatayan.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa screen ng cellphone ko at napailing. Halos lahat sa kanila ay busy ngayon.
Si Adam, Kian, Jenny, Hale, Klea, Nena, Yuan, Sean, Henry, Dino, Zenon at ako pa lang ang nandidito. Napabuntong hininga ako saka hinarap ang mga kasama ko ngayon.
"Hindi raw makakapunta si Sof, may tatapusin pa raw siyang reporting ngayon," pag-aanunsiyo ko at lahat sila ay tumango-tango lang.
"Oh, nagchat sa'kin si Vicca, susunod na lang daw siya kasi tinatapos niya pa ang project niya," pag-aanunsiyo rin ni Jenny.
YOU ARE READING
Section Z (Senior High School) | ✓
Humor[Book 2] (Completed) They may face differrent challenges but they will still find their way to each other. (Photo used is not mine. Credits to the rightful owner.)