Vicca Diaz
***
[Sa'n ka?] napangiti ako dahil mukhang kakagising niya lang at tinawagan agad ako. Para akong bulateng inasinan dahil sa pagpupumiglas ko sa kama.
Hindi ko pa namalayan na nasa gilid na pala ako kaya ang ending ay nahulog ako at napuruhan ang noo kong nauntog sa side table.
"Pvta," pagmumura ko habang sapo-sapo ang noo na mukhang nasugatan pa.
[Hey, what happened?] tanong niya sa kabilang linya.
Napasimangot ako at sinipa ang side table pero dahil doon ay napuruhan din ang daliri sa paa ko.
"Tangina mo talaga, satanas!" iyamot kong tili habang nagtatalon. Naitapon ko pa ang cellphone ko dahil masakit talaga.
Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag na papunta sa kwarto ko. Hindi nga ako nagkamali dahil bumukas ang pinto ng kwarto.
"Ano bang nangyayare sa'yo at sigaw ka ng sigaw?" doon ay tumambad si mama na nakasuot pa ng yellow na apron at may dalang sandok.
"Nahulog ako sa kama at saka ang sakit ng paa ko, huhu!" sumbong ko.
Napailing na lang si Mama at sinabihan akong mag-ayos na ng gamit at sumunod sa baba. Walanakong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya. Pero bago yun ay nagtext muna ako kay Lance na kailangan kong magready papasok sa school.
At alam niyo kung anong reply?
LanceVhevheKo<3
-Okay.Okay? Wala man lang take care o iloveyou???
May tuldok pa. Parang walang kasweet sweet sa naging reply niya. 'Di man lang dinagdagan ng ilan pang letter y para feel kong naglalambing siya! Hmp. Nakakainis, parang 'di siya patay na patay sa kagandahan ko ah?
"Ayusin mo nga 'yang mukha mo, Vicca. Bakit ba lukot na lukot 'yan?" sita sa'kin Papa dahil hanggang ngayon ay nakabusangot ang mukha ko.
Mukha ba akong papel para malukot? 'Yan sana ang gusto kong isagot kaso baka ibato niya sa'kin ang screw driver na hawak-hawak niya.
"Alis na po ako!" pagpapaalam ko at tamad na naglakad papunta sa paradahan ng jeepney.
Pagkarating ko ay may biglang umagaw sa bag ko. Susuntukim ko na sana kaya lang nakakapanghinayang dahil ang gwapo ng mukha niya.
"What happened to your forehead?" kunot noo niyang tanong. Nakapila kami sa sakayan dahil marami kaming nakasabay na estudyante.
"Nauntog ako sa side table," nakasimangot kong pagsusumbong.
Napa-tsk siya. Akala ko ay hahalikan niya ang noo ko pero hindi niya ginawa dahil tumingin lang siya sa unahan. Hindi ba niya ako lalambingin o kahit man lang magpakita siya ng habag dahil sa natamo kong sugat dahil sa pagpapakilig niya??
Hay, minsan iseseminar ko siya sa Sweetzerland para maging sweet siya. Kahit nung una pa lang naman ay hindi na siya sweet. Minsan naman aksidente lang na nagiging sweet. Psh!
"Akyat na Vicca," bahagya akong napalundag dahil naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa likod ng tainga ko.
Padaskol akong umakyat at sinadya kong makipagsiksikan sa ibang estudyante para lang huwag makatabi ang lalaking dahilan kung bakit nagwawala ang dibdib ko ngayon.
"Sit here," tinapik niya ang kaunting espasyo sa tabi niya. Ngumuso lang ako at pairap na inalis ang tingin sa kaniya.
Sa buong byahe ay bumalik lang ang pag-iisip ko sa nakaraan. Kung saan doon ko nakilala ang dalawang lalaking lumito sa utak at puso ko.
YOU ARE READING
Section Z (Senior High School) | ✓
Humor[Book 2] (Completed) They may face differrent challenges but they will still find their way to each other. (Photo used is not mine. Credits to the rightful owner.)