Chapter 47

87 8 1
                                    

Nagpatest nga si Jasmine at Joshua kung magkapamilya ba talaga sila at umuwi na nang bahay si Jasmine nang di niya namalayan na nagtitipon pala ang mga kasama ni Mr Chang para sa malaking plano nila ni Griffin.

"Sinisigurado kung wala na siyang lusot ngayon! " tawa ng nakapulang lalaki na nasa harap ni Mr Chang

Ang grupo ay binubuo ng limang mga misteryosong lalaki at habang papasok si Jasmine sa loob may narinig siyang nagtatawanan sa isang silid na parang nakatago.

"Ahh! (hinto ni Jasmine na paakyat sana) Saan nanggagaling ang ingay na tawanan?" tingin niya sa bahay ngunit wala namang ibang tao maliban nalang sa mga katulong

"Maam? Hinahanap niyo si Sir? " lapit nang katulong

"Nakauwi na ba siya?"

"Ay opo. May mga bisita siya sa loob ng kwarto. Important meeting po kaya bawal sila ma disturbo. "

"Ahh, I see! (isip niya at humakbang) Nasa secret room siya ng kwarto niya.  Baka may pinaplano na naman sila. " agad niyang pinuntahan ang kwarto ng lalaki
"Walang tao. (mabagal na lakad niya) Nasa secret room nga! (tingin niya sa mga malaking book shelves) Paano ako makakapasok na di nila nalalaman? (isip niya habang tinitignan ang loob ng kwarto) Baka may iba pang passage way. (punta niya sa banyo) Ahh! (napatingin sa isang malagintong statue) Ang ganda naman nito! (gulat niya) Totoo kaya ito? (hawak niya sa kamay at biglang)

"Meow! Meow! " sinusundan pala siya ng pusa

"Ah! (napatingin sa pusa at kinarga) Oo nga pala, hindi ka pa kumakain. Mamaya ha hintayin mo ako sa labas."

"Meow? "

"May ginagawa pa ako. Bawal ka dito."

Parang narinig ng kasamahan ni Mr Chang ang ingay sa labas ng secret room.

"May pusa ba kayo dito? " tanong ng kasamahan

"Pusa? Ay oo may inalagaan ang girlfriend ko. Hindi naman makakapasok sa kwarto ko yan. "

"Mukhang nasa labas lang ng silid na ito. Sabi mo ikaw lang ang makakapasok sa kwarto mo?"

"Sinisigurado ko! (tayo niya) titingnan ko lang. " at binuksan niya ang pintuang book shelf
(Shhhh) (at tinignan ang kwarto) Wala namang tao. "

"Meow! Meow!" tuno ng pusa na nasa banyo

"Ahh! (gulat na reaksyon ni Mr Chang sa narinig na nagmula sa banyo) Impossible, paano makakapasok ang pusa dito? " mabagal na hakbang niya sa banyo

"Pssst! (takip ni Jasmine sa bibig ng pusa) Papunta na siya dito. " mahinang sabi niya sa pusa

"Meow! " pumiglas ng pusa at umakyat sa statue

"No! " mahinang sigaw ng dalaga

"Jasmine? (diretsang tungo ni Mr Chang sa banyo) Jasmine, are you there? " bukas niya ng pinto
"Ahh! (nagulantang siya sa kanyang nakita) Wala namang tao dito sa banyo. (napahawak sa mga tainga at hinila hila) Pero may naririnig talaga ako kanina! " isip niya at bumalik sa secret room

Umakyat pala ang pusa sa may ulo ng statue at aksidenteng napindot ang button na siyang isang secret way patungo sa secret room.

"Muntikan na tayo doon ha! Hooh! (malalim na hinga ni Jasmine) Psst wag ka nang maingay nasa loob na tayo. "

"Meow? "

"Oo, kailangan ko ang katahimikan mo. Kaya pssst! " mabagal na hakbang niya palapit sa limang lalaki

"Bukas, kukunin natin si Griffin sa hospital."

Nakahanap ng malaking bagay si Jasmine at doon tumago habang nakikinig sa pinag uusapan nila.

Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon