Chapter 18

249 16 4
                                    

Accidentally say I do - Chapter 18

Agad na nagtungo sina Jasmine at Lux para mag withdraw ulit ng pera. Gumagawa naman ng paraan si Griffin para di makatulong si Lux kay Jasmine sa paghahanap ng pang bayad sa utang.

"Sige Lux. Dito nalang ako ." hintay ni Jasmine sa gilid

"Oh sige . Sandali lang ha ." lakad niya papasok

"Sige. ( ngiti niya sa kaibigang lumakad) Hay! Salamat naman at may mabuti akong kaibigan. " tingin niya sa paligid "Napakasama talaga ng ugali ni Griffin. Siguro , ganyan talaga ang mga mayaman. Di maiisahan. Akala ko nakaganti na ako sa ginawa kung pagpapahiya sa kanya sa Fashion Event. Kung alam ko lang na ganito ang igagante niya eh di sana di nalang ako gumanti. Hay! Naabala pa tuloy si Lux. "

"Jasmine? " tawag ni Lux palapit

"Okay na ba? " ngiti ni Jasmine

"Eh! Ano kasi.. ." malungkot nitong tono

"May problema ba? Hindi ka ba nakapag withdraw? "

"Di ko nga alam kung bakit. Di ko magamit ang card ko. " tingin ni Lux nito

"Ano? Bakit? ( napaluha nalang siya) Salbahis na Griffin na yan! "

"Eh baka nagkaproblema lang ang machine. Sandali , susubukan ko ulit! "

"Sige. ( tingin niya sa papalayong kaibigan) "

"Jasmine? ( balik ni Lux) Ayaw talaga eh! "

"Naku paano na iyan? Ano bang nangyari? "

"Di ko alam. May laman pa naman to kanina. Hmm - may isa pa akong card, personal card ko yon. "

"Talaga? (tuwang tanong niya) "

"Oo pero nasa bahay. (tingin niya sa relo ) makakaabot ba tayo?"

"Carry yan! Tara sa bahay! " agad nilang uwi

(Universe Company)

"Where have you been? Ang tagal mo !" pasok ni Griffin sa sasakyan

"Sorry sir! Ang aga mo atang uuwi?"

"Who told you na uuwi ako?"

"Po? Saan pala tayo? "

"Kay Jasmine, I diritso mo sa bahay niya Clifford. "

"Ahh! Okay sir. Akala ko biro lang yun kagabi. " paandar ni Clifford sa sasakyan

"Bilisan mo! Baka matakasan pa ako nun!"

"Yes sir! "

(Bahay)

"Jasmine? Bilisan natin. "

"Oo nga ito na Lux. " tungo nila sa bahay

" Hay! Yung susi? "

"Wala ba sa iyo?"

"Wala. Yung bag mo. "

"Sige titignan ko. Ito oh Lux! " abot niya sa susi

"Sana di pa dadating si Sir! ( bukas ni Lux sa pinto ) Ahh -- ( bigla siyang natulala sa pagbukas ng pinto ) ."

"Lux? Pasok na , nagmamadali tayo . ( takang sabi ni Jasmine) Lux? Ako na nga mauna. (pasok niya sa loob) Ahhh ----- ( gulat na reaksyon niya) Pa -- paano ka nakapasok? "

"It's just simple. I'm Griffin Lagrande. Madali lang sa akin lahat. " tayo ni Griffin at naglalakad sa loob

"Sir. Ang - aga mo ata. Di ba kayo busy? " hiyang tanong ni Lux

"Oh? Hi Lux! ( bati ni Griffin ) Actually, ako dapat ang tatanung sa iyo niyan. Ang aga mo ata umuwi? Hi! . " titig niya kay Jasmine "Kanina pa ako nandito saan ba kayo galing? " titig niya sa dalawang babae na di makatingin sa kanya "Ay! Oo nga pala. Naghanap kayo ng pera noh?" ngiti niya

Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon