Chapter 17

251 13 6
                                    

Accidentally say I do - Chapter 17

Sinubukang gumawa ng paraan ni Jasmine para bayaran ang utang niya kay Griffin. Hindi naman alam ni Artemis ang plano ng pinsan para kay Jasmine.

"Lux? May extra ka ba diyan? " tawag ni Jasmine sa phone

"Ehh! Magkano ba ang utang mo? "

"Sa basa ko sa bill, mahigit 80 thousand eh! Tinawagan ko si mama sabi niya kusa daw dinala ni hambog na Griffin yung itay ko sa mamahaling hospital, ehh pwede naman sa public. "

"Ganoon ba? Si - sige tutulungan kita. Teka lang ha usap nalang tayo sa bahay. "

"Oh sige. Salamat ah! "

"Jasmine? Jasmine? " tawag ni Lindy habang nag seserve sa mga customers

"Pasensya! May tinawagan lang. " malungkot na tuno ni Jasmine

"Okay ka lang? May problema ba? "

"Eh! Kailangan ko kasi ng pera . Importante lang. " gawa niya ng coffee

"Bakit? Kulang ba ang pampa check up ng itay mo? Ano bang result? "

"Hay! Paano ko ba sasabihin sa iyo to. " hinga niya ng malalim

"Hmm! Wait (may kinuha siya sa bag) Ito extra ko ito. Gamitin mo nalang. " bigay niya sa pera

"Ahh! ( binilang ang papel ) Three thousand? "

"Bakit? Malaki ba kailangan mo? Ehh! Yan lang yung extra ko sa ngayon. " napakamot sa ulo

"Hindi ' hindi! ( ngiti ni Jasmine) Malaking tulong na ito. Sigurado kang ipapahiram mo sa akin to? "

"Oo naman. Sino pa ba ang magtutulungan eh di tayo lang. " ngiti ni Lindy

"Hay! Salamat . Salamat! " yakap niya sa katrabaho

"Miss? Two cups of cappuccino! " order ng kakarating lang na customer

"Ahh!  Sige . " palapit ni Lindy sa customer

Habang busy si Lindy ay nag bibilang na si Jasmine sa kanyang perang pambayad.

"One - two - three - four - five - six - ( may kinuha pang isang wallet ) Fifteen thousand. Three thousand bigay ni Lindy eighteen thousand. Hmm! ( napaisip dahil kulang na kulang pa ito ) Yung alkansiya ko - hay naman."

Pagkatapos ng trabaho niya sa coffee shop ay dumaan na muna siya sa ATM machine.

" Umabot ka sana nang 20k . " pasok niya sa ATM card
"Naku! (pindot niya) nineteen thousand, seven hundred lang! Kulang ng three hundred, (kuha niya sa bag) Ay! ( ngiti niya) may coins pa ako... Hmm mga three hundred ata to. " kuha niya sa pera
" Eighteen thousand plus twenty thousand - thirty eight thousand hay! ( napatingin sa ATM machine) Hmm. Paano ka ba mabubuksan? (tingin niya sa paligid) Wala namang ma syadong tao. ( napaupo sa gilid habang tinititigan kung paano mabubuksan ang ATM machine) Jasmine? Ano ba itong naiisip mo. Masama yan - masama ang magnakaw. Masama! "

"Miss? ( may isang babaeng napatanong) Tapos kana ba o pipila ka palang? "

"Masama! (malakas na sagot niya ) Ah! So sorry po. Tapos na po. (ngiti niya) medyo nahilo kasi ako kaya napaupo ako dito sa gilid." pilit niyang ngiti

"Okay ka lang? " tapik ng babae sa kanyang balikat

"Wow! ( habang nakipag usap ang babae sa kanya ay nakabukas ang bag ng babae at kitang kita ang wallet nito) Wallet! ( salita ng kanyang isip) Jasmine kung makukuha mo yan. Wala kanang problema sa pera. " salita niya sa sarili

"Miss? Naririnig mo ba ako? "

"Ah! Oo. ( ngiti nito) Yung bag mo bukas. "

"Bukas? ( napatingin) Oo nga noh? Salamat ha. Di ko kasi namalayan mabuti naman sinabihan mo ako, marami pa namang magnanakaw ngayon. "

Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon