Chapter 9

335 21 5
                                    

Accidentally say I do - Chapter 9

Gumawa nga ng coffee si Jasmine at hinaluan niya ito ng pepper at suka. Habang ginagawa niya ito ay panay ang kanyang tawa kaya di mapigilan ni Lindy ang tanungin siya.

"Jas - Jasmine? Anong nangyayari sa iyo? "

"Wala! (tawa niya) Masaya lang ako! "

"May tumatawag pala! Ina mo daw. "

"Si inay tumawag? " dali niyang kuha sa telephone
"Hello nay? "

"Jasmine? Kumustang unang araw mo sa trabaho ?"

"Okay lang po nay. Kayo diyan sa probinsya?"

"Ay! Nakakaraos naman nak. Malamig ba diyan sa office? Wag kang magpapagod ha? "

"Malamig sa office? ( napatulala nalang si Jasmine di niya kasi sinabi ang totoo na nasa Coffee Shop lang ito) Oo- oo naman nay! Si itay po wala naba siyang hika? " lungkot na tuno nito

"Naku Jasmine! ( lungkot na tuno) Yung itay mo kagabi! "

"Ha! Ano po ang nangyari sa itay? "

"Guma grabe yata ang ubo niya. Tsaka kanina parang - parang may dugo sa panyong ginagamit niya. Eh tinanong ko naman sabi niya wala lang daw, nasugatan daw siya. Pero - parang may tinatago ang itay mo. "

"Naku! (tulo ng luha niya) Nay, samahan niyo na ang itay sa doctor. Patingnan na natin siya. Magpapadala po ako ng pera. "

"Nak? Baka wala ka nang magamit diyan. Ang layo mo pa naman sa amin. Malayo pa ang sahod mo. "

"Nay, may -- ( pigil niya sa kanyang luha) May pera pa naman ako. Wag kayong mag aalala ha. Sige po, tawag nalang po ako mamaya."

"Sige nak, ingat ka! "

"Ingat din po kayo! (baba niya sa phone)"
"Hay! " napatingin nalang siya sa wallet

"Two Americano Coffee and one Cappuccino please! " order nang bagong dating

"Sa-sandali lang! " lapit niya sa loob

"Jasmine! Ako na! " ngiti ni Lindy

"Si sige. Salamat Lindy! "

Mayamaya ay tumawag naman si Artemis.

"Miss? Wala pa ba ang coffee ko? "

"Ha? Oo nga pala! Sorry sir! " daling kuha ni Jasmine
"Heto na po. Pasensya na tagalan. "

"Thank you! " abot ni Artemis at inom niya
"Hmm! " lasam niya sa coffee

"Ahh! (titig niya sa bibig ni Artemis na napalunok sa kape) Okay lang po ba? " takang tanong niya

"Yeah, why? " nagtatakang tanong naman ni Artemis

"So? Artemis, I should go. " tayo ni Haruka

"Ahh! I just drive you home. " tayo naman ni Artemis na kuha sa bag ng dalaga

"Miss? Thank you! " ngiti ni Haruka kay Jasmine at umalis

"Ahh! Huh? (napatingin nalang si Jasmine sa baso) Hindi, hindi tumalab sa kanya? Ang tindi naman ng panglasa! " isip na sabi niya

"Jasmine? " tawag ni Lindy

"Lindy bakit? " lapit niya sa babae

"Magsara na tayo? Tignan mo ang oras oh? "

"Close na ba? (tingin ni Jasmine sa oras) Oo nga noh! Sige, palitan ko lang ang sign! " lakad niya sa pinto

"Jasmine? Mag kape mo na tayo bago umuwi!"

Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon