Chapter 14

292 16 4
                                    

Accidentally say I do - Chapter 14

Nainis si Artemis sa reaksyon ni Jasmine sa kanya. Ni hindi nga kumagat ang dalaga sa halik nito at tuluyang umalis .

"Sir Artemis? (katok ng taxi driver) Okay lang po kayo. "

"I'm okay! (inis na tuno nito) Umuwi kana! "paandar niya sa taxi

"Yung sasakyan niyo? "

"Sa iyo na yan! " alis ni Artemis

"Ahh! ( napatingin nalang ang taxi driver sa sasakyan ni Artemis) Sa akin na ito? (hawak niya) Akin ka na? " tawang lundag niya

Mayamaya ay nakauwi na ng bahay si Artemis.

"Sir? ( napatingin ang guard) Ikaw ba yan? "

"Why? ( labas niya sa taxi) "

"Na - nasaan yung sasakyan niyo? Bakit naging taxi? Na carjack ba kayo? "

"Can you just - stop asking! Mainit ulo ko! " pasok niya sa loob
"Hay! (malalim na hinga niya na umupo sa sofa) "

"Sir? Nagugutom ba kayo? " tanong ng katulong
"Sir? "

Hindi pinansin ni Artemis at umakyat papunta sa kwarto.

"Sir Artemis? " napatawag nalang ang katulong
"Anong nangyayari sa kanya? "

(Beep! Beep! ) busina ng sasakyan

"Sir Griffin! Magandang gabi po! "

"Bakit ang tagal? Ano bang pinag gagawa niyo! " galit na sabi niya na pumasok

"Sir Artemis? Nagugutum ba kayo? " sunod ng katulong
"Sir? "

"Ang ingay! (sigaw niya) Ano ba? "

"Hindi ba kayo nagugutom? "

"No! Wala akong gana! " lakad niya paakyat

"Anong nangyayari? Nag away ba sila? " napayuko nalang ang katulong

"Anong nangyayari? ( tanong ni Lucy  sa katulong ) Nakauwi na ba sila? "

"Opo nasa taas po. "

"Pakitawag kay Griffin at sa pamangkin ko pakisabi nandito ako, maghanda ka nang dinner. " upo niya sa sofa at nagbabasa ng magazine

Pinuntahan ng katulong ang dalawang binata.

"Knock! Knock! Sir? Si Madam Lucy nasa baba po. Maghahapunan daw siya dito. Sir, Artemis? "

" Si Tita narito? (bukas niya sa pinto) Oh sige sabihin mo bababa ako mamaya. Magbibihis lang ako. "

"Sige po! " at pinuntahan naman niya si Griffin
"Sir Griffin? Nandito mommy mo. Sir?"

"Pakisabi sa kanya busog ako. " sagot niya sa loob

"Pero sir? Uuwi na siya mamaya. Gusto niya lang magkasama kayong maghapunan."

"Sige! Susunod ako! "

Nasa kwarto si Griffin at tinawagan si Clifford.

"Clifford? Sa susunod gawin mo ng maayus ang trabaho mo! "

"Sir, sorry po. Hindi ko po alam na may kapangalan pala siya! "

"Nakita mo naman siguro siya kanina diba? "

"Yes sir! Ang ganda niya!"

"I'm not asking kung anong tingin mo sa kanya.  Find her! "

"Ahh, paano kung nahanap ko. Anong gagawin ko? "

"Hindi mo pa nga nahanap! (galit nito) Ask me if you already found her!" baba niya sa phone

Sa kabilang kwarto naman si Artemis ay nag iisip sa mga pangyayari.

(Flashback)

{"Just the same! The same feeling nung sinalo kita sa party. The unexplainable feeling !" }

"Habang papalapit ako sa iyo, tinititigan ko ang mamula mula mung labi. Ang ganda at ang lambot (alala ni Artemis sa nangyari sa kanila ni Jasmine) Jasmine! (higa niya sa kama) "

Maya maya ay bumaba sila para saluhan ng hapunan si Lucy.

"Kumusta kayo? " kain ni Lucy na tinitignan ang dalawa

"I'm fine tita. " ngiti ni Artemis

"How about you Griffin? "

"Okay lang mom. " napangiti nalang din si Griffin

"Narinig ko ang balita na nakipag meeting sa inyo ang mga anak ni Mr. Brian. So what happened? "

"Nakipag partner kami sa kanila. (sagot ni Griffin na sumubo) "

"Well, malakas pa naman ang Company nila but - I heard some news . May interasadong bumili sa company nila pagkatapos mabalita na may sakit ang owner nito. "

"Really? Sino tita ?" inom ni Artemis ng tubig

"The SoftTech Company. "

"SoftTech? (napaisip naman si Griffin) I already heard it. "

"Yeah, may nababalitaan din ako na sila ang pinaka strategic company !" sagot ni Artemis

"At dahil nakipag sosyo na naman sila Mr Brian ulit, baka magkakaproblema tayo niyan?"

"Hmm. If ever magka ganun . I'm sure wala namang tatalo sa atin tita. "

"Oh? (ngiti niya) Of course Artemis. Alam kung magagawan niyo yan ng paraan."
"By the way, may nahanap na ba kayong bride?"

Tila nagsititigan nalang ang magpinsan.

"Don't worry mom! Nahanap ko na siya."  sagot ni Griffin

"Woah! Talaga? " ngiti ni Lucy
"How about you Artemis? "

" Everything is under control tita. Sa katunayan nga po may hinatid akong babae kanina and I think she's the perfect bride for me! "

"Really? ( tuwa ni Lucy) Wow! Can't wait to finally see those lucky ladies. So? Kailan ba namin sila makikilala ?"

"Soon mom! "

Parang di naman napapalagay si Jasmine sa kanyang higaan.

"Si Griffin! Si Artemis! ( isip niya habang humihiga) Hay! I'm sure naiinis na sila sa mga sandali na ito kung naiisip nila ako. Ipapahanap kaya nila ako? Tapos ipapatay? ( napapikit) Naku! Wag naman po sana! Panginoon! Hindi ko naman sinadya ang galitin sila. Ano kasi - binalik ko lang sa kanila ang pang bubully na ginawa nila sa akin. Tsaka di naman tama na tratuhin lang nila ako ng tama kung maganda ako. "

(Ring! Ring!)

"Nay? Ipapadala ko na po ang pera bukas. Opo. Sige po ingat kayo palagi. Mahal ko din po kayo. Paalam! " baba ni Jasmine sa phone at humiga pabalik
"Hay! Jasmine Lachez naman! " hinga niya ng malalim

(Jasmine's Flashback)

{ "Just the same! The same feeling nung sinalo kita sa party. The unexplainable feeling !" }

"Lukong Artemis na yon! Kung nagkataon pa baka siya yung naging first kiss ko! (inis na sabi niya ) Naku! Nanggigil ako sa iyo! (kuha niya sa salamin at tinignan ang labi) Sorry! (hawak niya sa labi) muntik ka nang ma hunting dahil sa kagagahan ko. Buti nalang talaga mabilis tung mga kamay ko! Nakakainis ka Artemis, ang bilis mo! Hindi ko akalaing gagawin mo yun! ( nakangiti na parang kinikilig) Ahh! ( napansin ang sariling ngumingiti) Ano ba ito! Bakit ako ngumingiti! Jasmine? Jasmine? Hindi ka kinikilig. Hindi! Okay? "
"Inhale! Exhale! Inhale! Exhale!  " hinga niya ng malalim
"Ayan! Sana wag ako bangungutin sa dalawang asungot na iyon! Goodnight self! "

To be continued...

Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon