Accidentally say I Do - Chapter 4
Naghahanap nga ng bride si Griffin. Hindi naman alam ni Artemis paano niya mahahanap ang kanyang bride. Habang si Jasmine naman ay naghahanap ng trabaho.
"Hay! " tingin niya sa coffee shop
"Hiring staff?" agad siya pumasok
"Yes ma'am? " tanong ng staff
" Naghahanap po ba kayo ng staff? Pwede po ako! " bigay niya sa vitae
"Ah - teka lang po! Maupo muna kayo! "
Umupo si Jasmine at naghihintay.
"Bahala na, wala na talaga akong choice. Kung di pa ako makahanap ng trabaho baka pauwiin ako ni mama sa amin. " tingin niya sa mga wall painting
"Jasmine? Pasok ka sa office! "
"Sige po! "
"You're Jasmine? ( ngiti ng may ari) Bakit mo ba naisipan magtrabaho sa isang -- coffee shop? You're record is good, I mean hindi mo ba gusto sa opisina at malaking company ka magtratrabaho? "
"Ahh gusto po. Pero -- parang wala po talaga akong swerte sa mga ganyang pagkakataon."
"Ganoon ba? Well, kailan kaba pwede magsimula? "
"Po? "
" Kailan ka ba pwede mag trabaho? "
"Kung ganoon, tanggap na po ako? "
"Of course! Welcome sa TastyCofee! " bati ng may ari
"Talaga po? " iyak na tuwa niya
"Can you start tomorrow? "
"Yes po ma'am! Bukas po! Ayyyyyy! " napalundag sa tuwa si Jasmine
"Sige. Agahan mo bukas ha? "
"Sige po! Maraming salamat! "
Masayang umalis si Jasmine sa coffee shop.
"Yeees! " kuha niya sa phone
"Lux? May trabaho na ako! "
"Huh? Talaga ba? "
"Oo! Celebrate tayo mamaya! " baba at lagay niya sa phone sa bag
" May trabaho na ako! " tuwang sigaw niya
Mayamaya ay tumungo siya sa restaurant at naghihintay kay Lux.
"Jasmine ?" tawag ni Lux na papalapit
"Ang tagal mo ata? "
"Sorry! May binili pa kasi ako! " lagay ng mga paper bag sa mesa
" Sa iyo ba lahat to? (napatingin sa gamit) "
"Sa iyo yang iba. ( tawa niya) "
"Huh? ( kain ni Jasmine ) Kumain kana, libre ko yan. " tawa niya
"Ang galing naman! May palibre kana ah! Ang sarap naman! " kain ni Lux
"Teka! ( inom niya ng tubig) Para saan ba iyan ?"
"Sa party, gusto mo mag celebrate diba? Lubos lubosin nalang natin. At dahil diyan, pupunta tayo sa party! "
"Teka! Anong party ba iyan? "
"Birthday ni Sir Sebastian! "
"Sebastian? Sino naman yan? "
"Owner of Universe Company! " masayang tuno ni Lux
"Talaga? Gwapo ba siya? " bulong na tawa niya
"Ahh! Gwapo naman siya kahit matanda na! " tawa ni Lux
"Matanda pala! Ikaw naman di mo sinabi kaagad ! " napatawa nalang si Jasmine
"Ano? Tara na? Bihis na tayo! "
BINABASA MO ANG
Accidentally say I DO (Complete Story)
RomansaAccidentally say I DO - Description Why lovers decided to settle? Would you risk your heart in a change of revenge? Is saying I DO is just for lovers or even for a strangers?
