Chapter 32

143 12 1
                                        

May tumawag sa phone ni Jasmine Lachez. Ang tito niya, kapatid ng kanyang itay. 

"Tito?  Napatawag kayo? " mabilisang sagot niya rito

"Jasmine? ( malungkot na boses) Pamangkin, ang itay mo... Sinugod sa hospital! "

"Po? " napuno ng kaba ang dibdib

"Oo kakasugod lang kanina. Eh! papunta nga rin ako doon. Ang balita bigla daw nawalan ng malay pagkatapos ng subrang ubo. "

"Naku! Panginoon ko. " biglang baba niya sa phone at napaupo

"Jasmine? Jasmine? " tawag ni Lux
"Tapos na akong maligo, ikaw? Baka malelate ka niyan. ( napatingin sa kaibigan) Jasmine? Anong nangyayari? " daling lapit niya rito

"Si itay... Lux, si itay! " luhaang yakap niya sa kaibigan

"Anong nangyari? Jasmine? "

"Sinugod siya... Nasa hospital siya! " iyak niya

"Halika! Puntahan natin! " daling pinatayo ni Lux ang kaibigan at pumunta sila sa hospital

(Paradise Hospital)

"Jasmine? " daling yakap ng inay

"Nay, si Itay? Ano nasaan siya? " sugod niya

"Nasa emergency room pa siya! "

"E.R.? Bakit? Kanina pa napatawag si Tito. Di paba nila natignan si itay? Nasaan bang mga doctor? "

"Anak?  ( napaluha ang ina) Napakadelikado ng nang buhay niya. May TB siya... Ang napakalala ay may problema sa kanyang puso, may heart cancer din siya. "

"Ano? Paano--paano? " napa hinga siya ng malalim at napaiyak

"Jasmine! Tatagan mo ang loob mo. " yakap ni Lux

"Jasmine? " tawag ng kanyang Tito

"Tito? "

"Kailangan natin ng heart transplant sa lalong madaling panahon. "

"Heart transplant? " iyak niya

Lumabas ang doctor at dali nila itong tinawag.

"Doc... Doc? Yung itay ko. Kumusta siya? "

"Yung pasyente... Critical ang lagay niya. He has a heart and lungs problem. I suggest uunahin natin ang kanyang puso. We are requesting a help for other organisation ng hospital baka may maitutulong sila. Sa ngayon, kailangan niyong makahanap ng artificial heart for the transplant. "

"Eh doc? Magkano kaya? " napatanong si Lux

"Mahal talaga... About millions of dollars ang kinakailangan niyo para diyan. But, we are doing also our part para makahanap kaagad ng sulosyon. "

"Milyon? Dollars?  ( napaupo ang ina at napahagolhol) saan tayo hahanap ng ganyang kalaki! "

"Inay? Tahan na! Gagawa ako ng paraan! " paluhang sabi niya

"Gagawa tayo ng paraan. Mabubuhay ang kapatid ko! Mabubuhay ang asawa mo! Mabubuhay ang ama mo Jasmine! " iyak naman ng Tito

"Tutulong din ako Tito. " sambit naman ni Lux

"Salamat Lux! " hawak ni Jasmine sa kamay nito

(Soft Tech Company)

"Is Jasmine ready for the project? " tanong ni Joshua sa secretary

"She's not here sir. "

"Wala siya? Anong wala? Di siya pumasok? " titig niya rito

"I received a message from her. Sinugod daw po sa hospital ang itay niya. "

"Ah. Okay! " at nagpatuloy sa pag perma ng papers

"Sige sir labas mo na ako. "

"Okay! "

Dali namang pumasok si Ricky.

"Okay! " upo niya

"Anong okay? May kausap ka? "  tanong ni Joshua

"Ikaw... Okay. ( napangiti) Hindi ka ba nag aalala? Mukang critical yata ang lagay ng itay niya. "

"So what? "

"So what nga! " napangiti
"Oo nga pala... Change plan na tayo. Wala ng Jasmine sa life mo. Purely work nalang. "

"Sira ka talaga, puntahan mo! "

"Pupuntahan ko sir? "

"Tingnan mo kung may maitutulong tayo. "

"Kaya nga! Sabi ko na nga ba! Okay! " tawa niya na lumabas

(Universe Company)

"Sophia? Naipasa mo na ba ang papers kay Artemis? "

"Sir Griffin, papadating palang po si Lux nasa kanya ko po kasi naipasa. Sorry po! "

"Papadating? ( napatingin sa relo) It's already afternoon. Wala pa siya? "

"Opo! "

"Hindi ba niyo alam na ngayun ang deadline nang iyon para sa project? " inis na tanong niya

"Alam po. Kaya lang may emergency daw. Pasensya na po. "

"Get out! "

"Sir? "

"Sabi ko alis! " sigaw niya

"Oo nga po. Aalis na! " daling labas ni Sophia

Agad namang nagtungo si Griffin kay Artemis.

"What the hell is your secretary doing?" bungad niya sa office ni Artemis

"She accidentally brought it to her house . Hayaan mo na paparating din naman siya. "

"Artemis, namimihasa na yang mga tauhan mo! "

"Gusto mo nang ice cream? " pabatang tanong ni Artemis sa pinsan

"Makakatulong ba sa project yang ice cream mo? " inis na tuno nito

"Hindi! But, I am sure makakatulong yan sa init ng ulo mo! "

Nagmamadali namang pumasok sa company si Lux.

"Lux? Asan na ang folder?" salubong ni Sophia

"Nasa akin. Asan si sir? " kabadong lakad niya papasok

"Nasa office ni Sir Artemis. Mukhang nagtatalo na naman ang dalawa!"

"Patay ako nito! " daling katok niya sa pinto ng opisina
"Sir Artemis? " pasok niya

Sa pagpasok niya ay sumalubong ang
nag aantay na mga mata ni Griffin at Artemis.

"Sir? ( bigay niya sa folder) nan--nandito na po yung document na hinahanap niyo. " mayuko yukong sabi nito

"Anong oras na ba? ( sigaw ni Griffin)  Alam mo bang kanina ko pa itong hinihintay Lux? "

"So--sorry po! Ano po kasi, si - sinamahan ko si Jasmine sa ho-hospital. "

"Nasa hospital si Jasmine?" gulat na tanong ni Griffin

"Anong ginagawa niya doon? May nangyari ba Lux? ( napatayo si Artemis) Ikaw naman kasi Griffin. Dinadaan mo lahat sa init nang ulo. Itanong mo muna si Lux kung bakit nalate!"

"So-sorry! " tingin ni Griffin kay Lux

"Eh, may kasalanan din naman po ako Sir. Pasensya na po talaga! Kung hindi ko lang nadala yan eh di sana walang problema. "

"It's okay! " sagot ni Artemis

"Ano bang nangyari? " titig ni Griffin kay Lux

"Sinugod po ang ama niya. Critical po ang condition. "

"Ganoon ba?" napatingin si Artemis sa pinsan

"Oh? Napatingin ka? May meeting pa tayo!"

"Kaya nga! " palabas ni Artemis sa office

"Lux, papuntahin mo si Clifford sa hospital . May meeting pa kami."

"Griffin? (tawag ni Artemis sa labas) Nagmamadali ka diba? May meeting pa tayo! "

"Oo na! " labas ng pinsan

To be continued...



Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon