Accidentally Say I DO - Chapter 30
Nagmamadali namang napauwi si Griffin dahil may problema sa bahay. Nagkasakit si Nanny ang napaka close nilang tagapag alaga sa kanilang magpinsan.
"Grandpa, I have to go. " baba niya sa phone
"Oh? Uuwi kana? " pabalik ni Joshua sa mesa kasama si Jasmine
"May nangyari lang, I need to go. "
"Wait, sabay na tayo. " tayo ni Sebastian
"Okay lang ba Joshua? ""Yeah, Anyways thank you! "
"Will see you next time? " yakap ni Sebastian
"Sure! "
"Aalis na tayo ?" palapit naman ni Artemis
"Maysakit si Nanny. Sasabay ka ba? "
"Oo naman Griffin! "
"Ahh! " nakatitig lang si Jasmine kay Artemis
"So let's go? "
"Joshua, Jasmine? " paalam ni Sebastian"Sige po. Good night. " ngiti ni Jasmine
Agad na umalis sila at umuwi sa bahay. Inihatid naman ni Joshua si Jasmine.
"Nandito na tayo. " baba ni Joshua at biglang bumuhos ang ulan nang papabukas na sa sana siya sa sasakyan
"Ay! Umuulan! Balik ka muna sa loob? " sigaw ni Jasmine
"Ang lakas! " pasok ulit ng binata sa sasakyan
"Nabasa ka ba? " kuha ng dalaga sa panyo at pinunasan ang mukha ni Joshua
"Ahh! " biglang tumitig si Joshua sa malapitang mukha ng dalaga
"So - sorry! ( napalunok) " agad niyang layo
"Jasmine, okay lang. ( napangiti) Hindi lang kasi ako sanay na may gagawa sa akin niyan." paliwanag niya
"Yung girlfriend mo? "
"Girlfriend? ( napalingon ) Wala. Wala akong naging GF. "
"Wala? Are you serious? "
"Hmm. Lumaki kasi ako na competitive kaya wala akong time sa mga ganyan. "
"I see! Yung mother mo?"
"I never saw her. Bata palang ako namatay na siya. Sabi nila namatay daw sa panganganak sa akin. "
"Sorry to hear that. "
"It's okay. "
"Ahh! Joshua? Paano mo ba naging pinsan ang mga Lagrande? " palunok na tanong nito
"Magkapatid ang lolo ko at si lolo Sebastian. Nagkaanak si Lolo ng babae yun ang mommy ko pero nawala siya kaya iniwan ako ni dad sa grandfather ko. Yun, si Lolo nalang ang naging sandalan ko. Yung kapatid naman niya si Lolo Sebastian, nagkaanak ng dalawang lalaki yun ang mga ama ni Griffin at Artemis. "
"Ahh ganoon pala. "
"Bakit ka napatanong? Kilala mo ba ang mga pinsan ko? "
"Hindi masyado. ( tingin sa labas) Ayan, nawala na ang ulan. "
"Mabuti naman! "
"Sige ha mauna na ako. Thank you! " alis niya
"Bye !" kaway ng binata
Habang papalakad palayo si Jasmine ay tumitig lang si Joshua.
(Lagrande's House)
"Nanny, are you okay? "
"May masakit pa ba sa inyo?"
"Okay na ako Griffin, Artemis... Nahilo lang ako kanina. "
"She's fine. ( paliwanag ng doctor) Medyo tumatanda na siya kaya kailangan niyang magpahinga. Bawal mapagod. "
"Nanny naman, ( napahawak sa kamay si Artemis) Marami namang katulong. Magpahinga nalang kayo. "
"He's right... ( sagot din ni Griffin ) Thank you doc. "
"You're welcome! Sige aalis na ako. Nanny? Magpalakas kayo ulit. "
"Salamat doc !"
Paglabas ng doctor ay lumabas din si Griffin. Kumuha ng wine at naglalakad sa balcony.
"Oh? May iniisip ka? Sinabihan mo sana ako para naman may kahati ka sa wine. " sunod ni Artemis at uminom sa alak
"Pabayaan mo muna ako!"
"Ay! Ang sungit . May problema ka nga! ( naglalakad at tinitignan ang ulap) Okay naman si Nanny. Don't worry that much! "
"Hindi ko kailangan ng kausap! "
"Or is it all about Jasmine? "
"Artemis naman? " pikon na sabi niya
"Chill! Kung na proproblema ka, ehh! Ako din. Biruin mo, dalawa lang tayo noon na kahati sa kanya ngayon tatlo na tayo."
"Hindi yan! "
"Ehh ano? "
"May binabalak si Joshua . Ginagamit niya lang si Jasmine. Pinagtagpo lang niya tayo sa dinner. Ang kinababahala ko baka mapano si Jasmine. Halata namang gusto siya ni Jasmine. "
"Ano ba? Kay Joshua ba o kay Jasmine? "
"Whatever Artemis!" pasok niya sa room
"Hey? Griffin? ( tawag ni Artemis) Napano siya? Halatang nagseselos,( ngiti niya na umiinom ng alak) Basta ako, masaya ako. Masaya ang gabi ko. Hindi niyo lang alam ang nangyari kanina. " ngiti niya na inaalala ang nangyaring halikan nila ni Jasmine sa dinner
(Joshua's House)
"Sir ? Nabasa ba kayo? "
"I'm fine! " pasok nito sa loob
" So? Susunod na ba natin ang next plan? "
"Wag na muna! " upo nito sa couch
"Diba, pag sinagot kayo ni Jasmine... Ipapasok mo siya sa company. Pag nakapasok na siya ay gagamitin mo para pabagsakin ang Universe Company. "
"Nagdadalawang isip pa ako. Oo matindi ang galit ko kay Lalo Sebastian at sa mga pinsan ko. Namatay si Lolo ng mag isa sa States, namatay ang ina ko. Iniwan ako ni daddy. Pero sa akin lang lahat yun. Umiyak ako mag isa samantalang masaya sila at kompleto. "
"Oo nga. Di ba maghihiganti kayo? "
"Naguguluhan ako. Ayaw ko nang gamitin si Jasmine. ( napatayo) You know what, mabait at totoo siya. "
"So -- na giguilty kayo sir? " tawa ng body guard
"Tumahimik ka nga! "
"Di ko naisip na isang babae lang pala ang makakasira sa mga plano niyo! " alis niya
"What did you say? " inis sa sambit niya
"Wala sir! Pahinga na kayo para bukas makapag isip kayo ng maayos. Mauna na po ako!"
"Ahh, Ricky bumalik ka nga, Hey ? " tawag nito sa bodyguard na papalayo
(Jasmine's House)
"Magpinsan sila!" higa ni Jasmine
"Noong una nayayabangan ako kay Artemis, nagwagwapohan ako kay Griffin at namamangha ako sa personality ni Joshua.
Bakit ganito? Akala ko wala na akong stress sa mga Lagrande pero bumalik yun kanina sa dinner. Mag pinsan pa silang tatlo. Pero, lintik na Artemis yun ahh -- naisahan ako! Hay! ( napakuha ng salamin ) Naku! Sorry talaga, ( hawak nito sa labi) Nag promise pa naman ako na sa lalaking mahal ko lang ang makakahalik sa akin. Haayyy! Humanda ka talaga sa akin Artemis! Nakakainis ka! Maghihiganti talaga ako! Makikita mo!"To be continued...
BINABASA MO ANG
Accidentally say I DO (Complete Story)
RomanceAccidentally say I DO - Description Why lovers decided to settle? Would you risk your heart in a change of revenge? Is saying I DO is just for lovers or even for a strangers?