Chapter 52
Pinagplanuhan na nga ni Jasmine paano makakaganti kay Mr Chang at ang pagtulong sa Lagrande family ay isang napakagandang susi para matapos ito.
"Joshua! " agad na bigay niya sa invitation card
"Wait, what's this? "
"Wedding Invitation Card."
"Wedding? (napabasa) wait, ikakasal ka? Sino naman ito? "
"Sino pa ba? "
"Naloloka ka na Jasmine! Dont do it." napailing ang binata
Di nila alam na nagmamasid pala si Artemis sa loob ng sasakyan sa park kung saan kita niya ang dalawang masinsinan ang pag uusap.
"Di kaya, (napag isip si Artemis) Di kaya sila na? Napapansin ko palagi nalang silang nag uusap na parang may sarili silang mundo. Impossible naman at dahil sa work yan. Parati sila magkasama eh!" nagseselos na tuno niya
"Minahal mo ba talaga ako? O pinaglalaruan mo lang ako? " paandar niya sa sasakyanHabang patuloy naman ang pag uusap ng mag pinsan na si Jasmine at Joshua.
"Are you sure? " titig ni Joshua
"Malaking pabor na ito sa atin. Yung venue ng kasal ay ang lugar kung saan nila tinago sila Griffin. "
"So, anong plano? "
"Mababaling ang atensyon ng mga tao sa kasal. Gagawin kung lahat para makadalo ang mga kasama ni Mr Chang. May fireworks pagtapos ng kasal... Gusto ko samantalahin niyo yung pagkakataon na itakas sila... "
"Hmm. Paano ka? "
"Kung di niya alam na may kinalaman ako, ako ang pinakasafe... Ang alam niya ay isa akong babaeng handa siyang pakasalan at samahan. Don't worry about me. "
"Paano si... ."
"Sino? " napatingin siya sa binata
"Alam ko may something kayo ni Artemis. Kitang kita ko sa mga ikinilos niyong dalawa nung napunta kayo sa gubat."
"Walang kami! " talikod niya
"Pero ikakasal ka sa taong di mo mahal! Jasmine, sa taong pumatay ng pamilya natin? Are you not thinking? "
"Nag iisip ako kaya nga ako mag papakasal! " tayo niya at lumakad sa inis
"Jasmine? Jasmine? " sunod niya
"Tutulungan mo ba ako? O Gagawin ko na lang mag isa? "
"Jasmine, (napahinga ng malalim) kung sigurado ka diyan. Sige , tutulungan na kita. Basta, kung anong tulong mabibigay ko. "
"Salamat! "
At nag usap pa ang dalawa kung ano nga ang gagawin nila. Nakauwi naman si Artemis na puno ng selos.
"Sir , saan kayo nang galing? " tanong ni Clifford
Ngunit di siya sinagot ni Artemis at tuluyang pumasok sa bahay
"Mr Lagrande, hindi ka pwede lumabas nang hindi nagpapaalam sa amin. " sunod ng pulis na nagbabantay sa kanila
"Iho, mas mabuti pang dito ka nalang muna sa bahay baka may nag aabang sa atin sa labas." inom ng tubig sa tiyahin
"So ano, kailan ba natin ililigtas yung anak ko at si Papa? ""Maam, sa ngayon po may pabor si Sir Joshua sa atin... Mamaya pupunta siya para i discuss yung plan. " sagot ng pulis
"Bakit tayo maghihintay sa wala dito? Di niyo alam baka busy yun sa pakikipag usap sa girlfriend niya! " init ng ulo ni Artemis
BINABASA MO ANG
Accidentally say I DO (Complete Story)
RomanceAccidentally say I DO - Description Why lovers decided to settle? Would you risk your heart in a change of revenge? Is saying I DO is just for lovers or even for a strangers?