Accidentally Say I do- Chapter 35
Nabawian nga ng buhay ang ama ni Jasmine. Labis naman ang pagdadalumhati ng pamilyang naiwanan.
(Cemetery)
"Nak? Hindi ka pa ba uuwi?" tingin ng inay sa mga taong umaalis pagkatapos mailibing ang asawa
"Dito na muna ako. (upo niya at lumuluha) Bakit ganoon nay? Bakit, ang bilis naman niyang kinuha sa atin? "
"Jasmine, may mga tanong talaga na hindi natin alam ang sagot. (yakap nito sa anak na nalulungkot) Baka---- kailangan na niyang makapiling ang amang maylikha."
"Jasmine? (tawag ng isang matandang lalaki, si Mr Chang) Condolence! "
"Ahh! (gulat nang dalaga) Mr Chang? "
"Dumaan lang ako."
Biglang may tumawag sa ina niya.
"Teka lang. Maiwan ko muna kayo ha? " alis nito
"Mabuti naman at umalis muna ang ina mo! (tingin nito sa babaeng lumalakad) Anyways..."
"Kung naparito ka dahil maningil, wag kang mag aalala hindi ako tatakbo. Magbabayad ako! " diritsang sagot ni Jasmine
"HAHA! (patawang sagot niya) Mana ka talaga sa ama - amahan mo. May paninindigan! "
"Ano? (gulat sa narinig) Anong sinasabi mo? "
"Wala! Oo nga pala. Malaking Pera yung utang mo. Kung pera ang ibabayad mo mabuti. Pero, madali naman akong kausap kung iba ang ipangbabayad mo..." tingin nito sa tainga ng babae
"Ahh! (takip nito sa tainga) Babayaran kita ng pera! " tayo nito
"Anak? (palapit ng ina) May problema ba? " napatingin sa lalaki
"Paano, mauna na ako. Ikinalulungkot ko ang nangyari! " alis ni Mr Chang
"Nak? Okay ka lang? "
"Oo nay. Tara - uwi na tayo. "
(Lagrande's House)
Bumisita si Sebastian sa bahay.
"Balitang hindi niyo daw nakuha ang project?" tingin nito sa mga apo
"Sorry grandpa. It was my mistake, naging kampante ako." sagot ni Griffin
"Whatever is the reason. Natalo lang kayo ng isang bagohan. " inum nito sa alak
"May ibang project pa namang darating grandpa. " sagot ni Artemis
"At ano itong nababalitaan kung -- pinupuntahan ninyo itong babae na nakatalo sa inyo? Is she's Jasmine? Yung pinakilala ni Joshua? Oh common boys! (titig niya sa kanila) pinapaikot lang kayo ng babaeng yan! Ginagamit siya ni Joshua! Di niyo ba naiisip? O nagbubulagan lang kayo? "
"Grandpa, hindi pa nakauwi si Joshua -- kilala napo namin si Jasmine. "
"At proud ka diyan sa sagot mo Artemis? (taas ng boses niya) Sino ba sa inyo ang may gusto sa kanya? " inisa isa niyang tinitignan si Griffin at Artemis
"Bakit di kayo sumagot? Wag niyong sabihin na pareho kayong may gusto? " tayo niya
"What's going on here! Kung kailan mamamatay na ako ngayon pa kayo pasaway!(sigaw niya at biglang natumba) Aho! aho! (malalim na ubo nito)"
"Grandpa? Grandpa?" lapit ni Griffin
"Tulong!" sigaw ni Artemis
Minadali nilang dinala si Sebastian sa hospital.
(Hospital)
"Doc? Kumusta si Grandpa? "
"He's okay now. Medyo na stress lang pero I recommend na mag stay muna siya sa hospital nang isang linggo."
"Ganoon po ba?" tingin ni Artemis kay Griffin
"Wag kayong mag aalala. Pero, suggestion-- wag niyo na dagdagan ang stress niya. Alam niyo naman na matanda na ang lolo niyo. "
"Okay Doc. Thank you! " sagot ni Griffin
Nagsitinginan nalang si Griffin at Artemis na nakaupo sa tabi ni Sebastian.
Samantalang pinapawisan naman si Jasmine na natutulog.
(Jasmine's Dream)
"Mana ka talaga sa ama-amahan mo! " (titig ni Mr Chang sa dibdib niya)
"Jasmine? (tawag ng ama niya) Jasmine? Anak? Nasaan na ang kwentas? "
"Itay? Itay? Nasaan ka? " tawag niya sa ama
"Jasmine, anak ?"
"Itay? Tay? " sigaw niya at nagising
"Itay? Tay? " sigaw ni Jasmine na umiiyak at gumusing
"Nananaginip ako? " punas niya sa luha at pawis
"Jasmine? Anak? " lapit ng ina
"Nay? Narinig ko si Itay... May hinahanap siya!"
"Hinahanap? Anong hinahanap niya? "
"Yung kwentas! Noong bata pa ako parati niyang sinasabi na ingatan ko raw iyon. Nay? Baka alam niyo? Bakit importante ang kwentas sa kanya? " napaluhang tanong niya
"Jasmine?" napaluha na rin ang ina di na mapigilan ang sarili
"Nay? May nalalaman ba kayo? " iyak nito
"Ang totoo -- hindi ka galing sa akin. " yukong iyak nito
"Ano? Anong pinagsasabi mo nay? "
"Hindi kita tunay na anak! " iyak niya
"Ampon ako? " iyak niya
"Jasmine? Patawarin mo kami!" iyak niya
"Isang driver noon ang itay mo. May nangyaring gulo noon sa pamilya ng pinapasukan niya. Mayaman at napakakilala ng pamilya na iyon. Kaya, marami din ang gustong angkinin ang yaman nila. Isang araw, pinasok ang palasyo at pinagpapatay lahat ng tao kabilang na ang may ari ng bahay. Si Maam Jessa at Sir Mark. Naka takas lang ang itay mo. Siya ang kaisa isang tao sa bahay na nakaligtas." iyak niya na inaalala ang kahapon
"Ako? Sino ako? "
"Sabi ng itay mo, kargang karga kana sana nang isang lalaki na gustong pumatay sa iyo. Sanggol kapa lang noon. Agad na kinuha ka ng itay mo at nagmakaawa sa lalaki na wag kanang patayin. Ayun, naawa ang lalaki at di kana pinatay. Kaya iniuwi ka ng itay mo dito." napatingin sa may tainga ni Jasmine
"Ahh! ( napaiyak at napahawak sa tainga)"
"Bago ka ibinigay sa itay mo, ginawan ka ng hugis star na peklat sa lalaki para madali kang makilala niya sa paglaki."
"Ahh! Ano? " di makapaniwala si Jasmine at napaiyak nalang
"Bakit niyo tinago nay? Bakit? "
"Ayaw nang itay mo na mapahamak ka! Alam niya na pinaghahanap ka parin ng mga pumatay sa magulang mo! Patawad anak? " yakap sa anak na umiiyak
"Hindi ito totoo! Hindi! " sigaw niya na umiiyak at umalis
"Jasmine? Jasmine? " tawag niya sa anak na umiiyak
"Nalilito ako! (hawak niya sa ulo) Ang gulo! Ang gulo ng buhay ko! " takbo nang takbo niya palabas hanggang napagod
"Hooh! (malalim na hinga niya at umiyak) Sino ba ako? (napaupo) Hindi ako si Jasmine! Hindi ako si Jasmine Lachez! Hindi ako ito! (napahawak sa buhok) Itay? Bakit kailangan mo pang mamatay para lang malaman ko ang katotohanan? Tay! (iyak at sigaw niya) Bakit ganito? Bakit? "
Nag iisip siya sa mga sinasabi ni Mr Chang.
"Sino ka? Sino ka ba? Bakit nasabi mong ama amahan ko si itay! Sino ka? May nalalaman ka ba sa pagkatao ko? Sino ka! Mr Chang! (iyak niya) Ahhhhhhh! Huhuhu! (iyak niya) Itay? (napahawak sa leeg) ang kwentas ko, (napaisip) ang tagal ng nawala ng kwentas ko eh! Saan ko ba hahanapin iyon? Ang gulo!" napahawak sa ulo
"Itay? Itay ! " hagulhol na iyak nito
To be continued...
BINABASA MO ANG
Accidentally say I DO (Complete Story)
RomanceAccidentally say I DO - Description Why lovers decided to settle? Would you risk your heart in a change of revenge? Is saying I DO is just for lovers or even for a strangers?
