Chapter 33

183 14 3
                                    

Nagmamadaling naghanap si Jasmine ng pera pang opera sa kanyang ama. May mga pinuntahan siyang mga kakilala niya noon.

"Ito lang talaga ang maibibigay ko sa ngayon. " bigay ng babae sa pera

"Maraming salamat. Hayaan mo babayaran kita. " pilit na ngiti ni Jasmine

"Naku... Kahit wag na, subukan mo si George baka matutulungan ka niya."

"Si George? "

"Oo yung kaklase natin. Mayaman yun tsaka matagal nang naghahanap sa iyo yun. "

"Si George --- ( napaisip siya)"

"Ay ito yung card niya... Subukan mo lang. " abot ng babae

"Si... Sige salamat! " tanggap niya rito at umalis

Mayamaya ay napapunta siya sa kinaroroonan ng nasabing lalaki.

" Hinahanap mo raw ako? " malaking ngiti ng lalaki na medyo lasing

"Ako si Jasmine, kaklase tayo noon. Hmm hihingi sana ako ng tulong. Nasa hospital kasi ang ama ko." malungkot nitong tuno

"Tulong? ( tawa niya) hihingi ka ng tulong? Akalain mo! ( malakas na tawa niya) Nakailang beses mo ba akong na busted noon Jasmine? "

"So-sorry. " yuko niya at napalunok nalang sa pride

"O sige. "

"Tutulungan mo ako? "

"Pero may gagawin ka. Alam mo naman walang libre ngayon. Saang hospital ba siya? " ngiti niya

"Gagawin ko lahat, mapagaling ko lang ang itay ko George. "

"Sandali! (may tinawagan) Mr. Chang! ( lumakad ng palayo) Sandali lang Jasmine. ( lasing na ngumiti) "

" Hello George. " sagot ng lalaki sa phone

" May regalo ako sa iyo. Mahal ito. " tawa niya

"Ano naman yan? Puting powder? Marami na ako niyan! " tawa niya

"Hindi. Iba to mas masarap pa sa binabanggit mo. "

"Siguraduhin mo lang na mas masarap iyan! Basta, babayaran talaga kita! "

"Oo naman! Never pa kita na disappoint di ba? " tawa niya

"Oo sige! Magkano bang kailangan mo? "

"Maliit na halaga lang! "

"Okay! Ipapaayos ko lang ang pera. "

"That's good! " ngiti niya

At bumalik sa upuan ni Jasmine.

"Problem solved! " titig niya kay Jasmine

"Talaga? Maraming salamat George. Paano ko ba mababayaran? "

"May kaibigan ako... Siya na lang ang tanungin mo." madali niyang tayo

"Ahh! Ano? Teka lang! "

"Tawagan nalang kita. Bye Jasmine! " agad nitong alis

Hindi maintindihan ni Jasmine ang kaba ng kanyang dibdib.

"Parang may mali! " isip niya at umalis din

Tumungo siya sa hospital at naibsan ng tinik ang problema sa pera.

"Ahh! ( tila na surpresa sa daming prutas ang nasa kwarto ng ama) Nay? Ang rami naman nito? Saan ka nang pambili? "

"Binigay lang iyan. May dalawang lalaki ang dumaan dito. " napangiti

"Lalaki? Sino daw? "

"Si Clifford at tsaka Ricky daw yon. Kilala ko na si Clifford siya yung tumulong sa itay mo noon kasama yung boss niya si Griffin ba iyon? "

Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon