Chapter 11

344 20 3
                                        

Accidentally say I do - Chapter 11

Gumagawa ng paraan si Lux at Sophia kung paano magiging successful ang Fashion Show Event. Isa na doon ang paghahanap ng panibagong judges.

"Nandiyan na raw ang mga models! " sigaw ng tiyahin ni Sophia

"Ahh! Tita, cge po may make up artist na ba? " daling tingin ni Sophia

"Oo nasa likod na sila lahat. "

"Sandali lang po Tita! ( nilapitan niya si Lux) Ano?  Nag message naba si Sir? "

"Naghihintay nga ako! ( hawak niya sa phone) Sophia, kung wala talaga. Tayo nalang! "

"Ta -- tayo? " turo nito sa sarili

"Oo! Kaya naman natin, nag aral kaya ako sa Paris bilang designer yun nga lang isang buwan lang. Eh - nalugi yung business namin kaya huminto ako. "

"Woah! Really? Bakit di mo sinabi agad na may forte ka pala sa ganito. "

"Hindi mo naman kasi ako tinanong! "

"Wait! Nandiyan na yung emcee natin ." lakad niya at bigay niya ng instructions dito

"Lux? Lux? " tawag naman sa di malayong babae

"Jasmine? Hi! " lakad nito palapit

"Hindi ba ako late? " ngiti nito

"Hindi!  Nasa likod na sila naghahanda. Samahan na kita."

Hinatid na muna ni Lux si Jasmine sa dressing room.

(Dressing Room)

"Miss , kunin lang natin yung salamin mo ha? " sabay alis nito sa mukha ng dalaga

"Ahh! Hindi ba pwede gamitin ko yan? " turo ni Jasmine sa glasses

"Lalagyan po kita ng lenses! " ngiti ng make up artist

"Ahh! Ano kasi! ( interrupt ni Lux) baka mahulog yan. Alam mo na baka hindi makakakita ang kaibigan ko. "

"Ay hindi po, ( may kinuha siya) Lalagyan ko lang nito tapos, dilat ka miss (lagay niya sa mga mata) Ayan . Hindi na yan matatangal kung di mo sasadyain." ngiti niya

"Talaga? ( napatingin kay Lux) Yung glasses ko paki hawak nalang ahh para kung may mangyari madali ko mahanap. " bigay ni Jasmine sa kaibigan

"Ahh, isa kasi ako sa mga judges kami ni Sophia. Pero nandito naman siya. " tingin niya sa makeup artist

"No problem! " ngiti nito
"Yung buhok mo, i curl natin yung dulo tapos lalagyan kita ng bulaklak sa right ear mo ha!" sabay ayos niya

"Ladies and gentlemen, this night we will be going to witness the passion of Ms Erathel Zabane on designing her very elegant garments." announce ng emcee

"Jasmine! Good luck! " alis ni Lux

"Let's all welcome our judges for tonight, Miss Sophia and Miss Lux!"
"Two of Ms Erathel' friends are our guests. So? Can we give them applause? " palakpak ng mga tao

"And now! Let's all welcome the three beautiful models! " labas nila Jasmine sa stage

(Clap! Clap!)

"Let's have call the presence of the three creative designers, Ms. Ano, Ms Zandra and our very own Ms Erathel! "

"Of course, our models starting from the left, Louisa, Jasmine and Mitch! "

Nagpalakpakan ang mga tao sa mga magagandang models sa show nang biglang...

"Already started? " lapit ng isang gwapong lalaki sa mga judges

"Ahh! Si - sir? " napalaki ang mga mata nila Lux at Sophia sa papalapit

Tila natutuwa ang mga tao sa pagdating ng magandang lalaki.

"Sino yan? "
"Ang gwapo naman? "
" Isa ba siya sa mga judges? "

"Ahh! ( announce nang Emcee) May bisita tayo! ( tuwa niya) Let's welcome the vice president of Universe Company, Mr. Artemis Lagrande! " palakpak ng mga tao

"Thank you! (ngiti ni Artemis na yumuko) Thank you for having me here. It's my honor! "

"Artemis?" hiyaw ng mga babae sa event

"What? "
"Si Vice? Why is he here? " nagulat naman si Jasmine at tinitigan si Lux

"Mabuti naman nakarating siya! Parang nabuhayan ang mga audience sa event! " tuwa ni Lux na tinitignan ang mga tao

"Ah ' Lux? (bulong nito sa babae) Parang ang sama ng tingin ni Jasmine sa atin!" pilit na ngiti ni Sophia

"Asan? (tingin niya kay Jasmine ) Ahh! Hehe! Sophia? Dali ngitian mo rin siya! " ningitian na lang nila si Jasmine

"We love you! " sigaw nila kay Jasmine sabay sign sa kamay dahil malayo kasi ito

"But - wait! There's more! ( napasigaw ang emcee na tinitignan ang isa pang bisitang paparating ) Is that the CEO? " nag sisitinginan sila lahat sa lalaking papalabas ng sasakyan

"Griffin? " sigaw at hiyaw ng mga babae

"Si Sir, Sophia! " tingin ni Lux

"Sir Griffin? " pa luhang tawag ng secretary nito

"Sophia? (tingin ni Griffin) Hinatid ko pa si Jasmine pauwi. Why Artemis is here? "

"Ah - akala ko kasi di mo ako mapagbibigyan. Sorry sir! "

"Let's give an applause to the CEO of Universe Company, Mr Griffin Lagrande! "

(Clap! Clap! )

"Nandiyan din siya ? Ang magpinsan na makakalimutin! " inis na sabi ni Jasmine sa sarili

Panay naman ang tingin ni Lux at Sophia kay Jasmine alam kasi nilang matindi ang galit nito sa magpinsan.

"Lux? (ngiti ni Sophia) Maghanda ka na nang irarason mo sa kanya pagkatapos nito. Kung hindi good reasoning ay baka di yan kikibo sa iyo." tawa ni Sophia

"Ako lang ba? Sa pagkaka alam ko pumayag din siyang maging model dahil event ng family mo ito!" kabang ngiti niya

"Lagot kayong dalawa sa akin pagkatapos nito! (masamang tingin ni Jasmine kay Lux at Sophia) Pati rin kayong dalawa! (mas masamang tingin niya sa magpinsan) Pwes! Mas maganda nga itong pagkakataon para maka ganti. Hindi ko pa limot ang sinabi mo sa akin Griffin ,Nerd? Not good looking? Ha! Tignan lang natin kung hindi ka makakatitig kay Jasmine Lachez! Sa tingin mo palalampasin ko yung bruha mong girlfriend?Kung maka asta parang linta na nakakapit sa popularity mo! Alam mo kung hindi lang sa coffee shop nangyari yun baka mas malala pa yung ginawa ko kaysa sa ginawa niya kay Lindy! (napatingin naman kay Artemis) Ilang beses naba tayo nagkaharap? Pero, ang labo! Para yatang mas malabo pa yang mga mata mo kaysa sa akin! Sa bawat kita natin parang simula lahat! Ordinary waitress? Nothing special? Ha! Ako pa yung nakainom sa maanghang na kapeng para sana sa yabang mo! Kung iisipin pinanganak kayo para sa akin eh? Pinanganak kayong maging mortal enemy ko! Kumukulo lagi ang dugo ko sa mga pagmumukha niyo! Nakakainis! "

"Hmm! Sophia? ( ngiting pilit ni Lux) Parang! Nagliliyab ang mga mata ni Jasmine! Hindi ko yata gusto to! "

"Lux! Hindi ba eskandalusa ang kaibigan mo? Yari tayo dito! "

Panay pa rin ang tingin ni Jasmine kay Griffin at Artemis na parang pumapatay sa matulis nitong tingin.

To be continued...

Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon