Chapter 31

193 17 3
                                        

Parang nagkakalapit na talaga si Jasmine at Joshua sa isat-isa. Di naman inasahan ni Griffin at Artemis na may isa pa palang pumapaligid sa babaeng pinag aagawan nila.

(Soft-Tech Company)

"She's here! " tawag ng secretary kay Joshua

"Jasmine? (tayo niya) Have a seat! "

"Thank you! Ahh may kailangan ka ba? " diretsang tanong niya kay Joshua

"Pinasundo kita. I want to offer something, (may ibinigay na folder) my company is looking for a head marketing agent."

"So--- i ha hire mo ako? " gulat na reaksyon niya

"Kung tatanggapin mo! " ngiti niya

"Are you sure? Pero, baka hindi ko kaya?"

"Don't worry, we will test you kung makapasa ka, pasok ka na. "

"Talaga? Ay! ( napalundag sa tuwa) Alam mo Joshua pinangarap ko talaga ito. Yung makapag trabaho sa malaking company. "

"So? Goodluck! " at pinapunta siya sa kabilang office

"Thank you! " sabay pasok niya

Masaya ang mga labi ng dalaga sa mga salitang kanyang narinig.

"Sir? " lapit ng personal guard

"Oh! Bakit? "

"May test pa siya? " sabay lingon kay Jasmine

"Oo naman. Walang special treatment dito. " ngiti niya

"Makapasa kaya siya? " pagdadalawang isip niya

"I checked her educational history. So far, she had a good record. Kaya niya yan!"

"Paano kung makapasa siya? "

"Gagamitin ko siya pang laban sa Universe Company. No need to court her. It's her job. "

"Hmm! Oo nga! ( napangiti sa boss ) Pero, wala ba kayong feelings sa kanya? Well, may hitsura naman! "

"I don't know what love is. Wala akong oras sa ganyang bagay! " lakad niya pabalik sa upuan

"Okay! " napatawa

(Universe Company)

"Sophia, mag set ka nang meeting. " tawag ni Griffin

"Kailan po? "

"Later. Paki tawagan ang head marketing."

"Okay po. Is it about the Global Project? "

"Oo kailangan nating paghandaan yun. Malaki ang perang papasok sa atin kung mapapasaatin ang project. "

"Okay sir! "

Mayamaya ay nagtitipon na lahat ng mga importanteng kasali sa meeting.

"I need your help to get the Global Project. Kung kailangan mag puyat, gawin natin. Malaki ang project nato."

"Griffin? ( tanong ni Artemis) Gaano ba kalaki yan? I mean, we all know that our company is the number one."

"Yes! We are the first but, kung mapupunta sa ibang company to--I'm pretty sure it would make us second! "

"What? "

"Ano? "

"Naku! "

"Malaki nga! ( napaisip si Artemis habang napatingin sa mga reaksyon ng mga kasamahan sa meeting ) Pero kaya naman natin. Papayag ba kayo na may mas hihigit sa atin? "

"Hindi. Kaya natin! " sigaw ng mga marketing team

"We are the first! " sigaw din ni Artemis

Napangiti nalang si Griffin na tinitignan ang mga kasamahan sa lakas ng loob na makukuha nila ang malaking proyekto.

Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon