Chapter 45

82 7 0
                                    

Nagmadaling umuwi si Jasmine pagkatapos makipag usap kay Joshua.

"Jasmine! " malakas na sigaw ni Mr Chang

"Ah! (tarantang pasok niya) Ka-kanina ka pa bang nag aabang?"

"At saan ka galing?" lapit at nanlilisik ang mga mata na para bang gustong saktan si Jasmine

"Diyan lang. I mean, kay inay may ano kasi, problema. Oo may problema siya tapos pinuntahan ko siya." paliwanag na atras niya

"Where did you get that fucking reason? (hawak niya ng mahigpit sa mukha ng dalaga) Wag na wag mo akong gagaguhin! "

"Totoo! Aray! Na-nasasaktan ako! " hawak niya sa kamay ng lalaki

"Don't try me! " bitaw at alis niya palayo sa dalaga

"Hooh! (malalim na hinga ni Jasmine at umupo) Alam kaya niyang pinag gagawa ko? "
"Hindi maaari! Kailangan kong makuha ang loob niya. Kung hindi mauuwi lang sa wala ang lahat! " agad siya tumungo sa kwarto at tinawagan si Joshua

"(Ring! Ring) Hello? Jasmine? " sagot ng binata

"Nakita mo na ba ang pinasa kong litrato?"

"Pinasa? Litrato? Wait! (agad siyang umupo at tinignan ang laptop) What are these? "

"Joshua... Titigan mong mabuti. Hindi mo ba kilala ang nasa picture? "

"Hindi! Ano bang meron sa picture na ito? " titig niya pa din sa litrato

At biglang kumatok si Ricky.

"Sir Joshua? " pasok niya

"Ricky? Anong ginagawa mo dito? "

"May, ipinamimigay lang ang staff ng Universe Company. (upo niya sa harap ni Joshua) Nakaleave daw pansamantala si Sir Griffin. Baka daw di mo alam. "

"Matagal na siyang naka leave. Wait! Alam ko naman, ano bang nangyayari sa kabila Ricky? " naguguluhan

"Alam mo ba na nasa hospital na naman si Sir Griffin? Sa pagkakaalam ko nasundan siya sa resort nang nagbakasyon sila. Parang nanganganib na nga talaga ang buhay ni Sir Griffin. Biruin mo, parang tinatarget talaga eh! Hay! Kawawang Griffin. "

"So Jasmine is right? (napatulala) "

"Bakit? Ano bang pinunta ni Maam Jasmine dito sir? "

"Naguguluhan din ako sa kanya! Parang may nangyayari talagang di ko nalalaman. "

"So you are not happy? " tawa ni Ricky

"What is that fucking question? (napatayo si Joshua) "

"So-sorry sir. Sa pagkakaalam ko kasi gusto mong makaganti sa kanila di ba? "

"Well -- at the end of the day, they are still my family. "

"Oh! (napangiti si Ricky) Ayan! Bumalik ka na sa Joshua na kilala ko. (napayakap) "

"Ricky! What are you doing? Can you just step back and keep your body away! Baka akalain nilang may bakla sa atin! "

"Ako! Bakla ako! " ngiti niya

"Gago ka talaga! (kinuha niya ang bagong print na picture at ibinato kay Ricky) "

"Haha! (iwas niya) Biro lang naman!" kuha niya sa litrato
"Parang familiar! "

"Akin na nga iyan! " kuha niya

"Sir Joshua? (lapit niya at tumitig sa litrato) Ikaw ba yan?" turo niya sa lalaki

"Ahh! (napa hila na naman sa tainga ni Ricky) Sira ka talaga! Paano magiging ako iyan! Di ko nga kilala ang mga tao na iyan! "

"Titigan mo sir. Parang ikaw talaga! "

Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon