Chapter 48

95 8 1
                                    

Walang ibang naisip si Jasmine para makalusot sa pangyayari. Aksidenteng nagpropose siya sa taong kinasusuklaman niya. Ngunit bantay sarado siya sa buong araw at kinaumagahan na nakabalita kay Joshua.

"(Ring! Ring!) (tawag ni Joshua sa kanya) Ahh! Kaibigan ko, tumatawag." paliwanag ni Jasmine

"Kaibigan? (tanong ni Mr Chang) Sagutin mo. "

"Ahh, excuse me lang ha? " ngiti niya na kinuha ang phone

"Dito mo nalang sagutin. " pigil ng lalaki

"Di-dito? (walang magawa si Jasmine kaya sumunod nalang siya para hindi magduda ang lalaki) Hello? Oo mabuti lang naman ako dito. "

"Jasmine? Nakuha ko na ang result. Positive! Tama ka. " sabi ni Joshua

"Positive? (napasigaw si Jasmine) "

"Anong positive?" napatanong si Mr Chang

"Ahh! (napaisip) Yung kaibigan ko, positive ano-- mag kakaanak na siya. Hehe! Ang saya noh? "

"Jasmine? Anong nangyayari. Nandiyan ba siya sa tabi mo? Okay ka lang?"

"Oo friend, okay ako (tawa niya) Ahh yung pusa? Oo nandito sa tabi ko. Oo nga pala tawagan nalang kita mamaya ha? May importante akong sasabihin sa iyo. Bye! " baba ni Jasmine

"Ahh! (titig ni Joshua sa phone) Anong pinagsasabi niya? " taka niya

Mayamaya ay may tumawag kay Mr Chang at lumabas sa kwarto ni Jasmine.

"(Ring! Ring!) (tawag ni Jasmine) Joshua? "

"Oh, anong nangyari sa iyo kanina? "

"Si Griffin, may plano sila! Puntahan mo sa hospital. "

"Ano? Kailan? "

"Ngayon na! Papunta na ang mga tauhan niya! "

"Ano? Sige! Sige! " baba ni Joshua at agad pinuntahan sa Griffin

Sa hospital may bumabang dalawang lalaki sakay ang puting van at tumungo sa kwarto ni Griffin.

"Nurse? Anong oras na ba? " tingin ni Griffin sa pumasok na nurse

"10:40. (malimit na sagot ng lalaking nurse) (at pinaupo si Griffin sa wheel chair) "

"Ah! What is this for? " taka ni Griffin na umupo

"I tatransfer ka po nang kabilang room. "

"Transfer? Why? "

"Bilin ng mom niyo Sir. (at itinurok ang pampatulog sa braso ni Griffin) "
"Nakuha ko na siya! " sabi ng nurse na gamit lang ang maliit na chip

Ngunit biglang dumating si Sebastian sa kwarto.

"Ahh! (gulat) anong ginagawa mo? Help! Help! " sigaw ng matanda

"Nandito yung matanda! (takbo niya habang itinutulak ang wheelchair) Hinahabol niya ako. "

"Tulong! Si Griffin! Help! " habol ng matanda sa nagpapanggap na nurse

"Anong nangyayari? " takbo ng isang nurse

"Tulungan niyo ang apo ko! Kinuha siya! Ayon! " turo niya

"Hmm! (ngiti ng nurse) Don't worry, makakasama mo siya! " sabay kuha ng panyo at itinakip sa bibig ng matanda

"Ah----! " ni hindi na makapagsalita ang matanda at nawalan ng malay

"Abangan kami sa labas! Karga ko na ang matanda! " bulong niya sa chip

Pumasok si Joshua sa kwarto at wala na si Griffin.

"Griffin? Griffin? " hanap niya sa silid

"Joshua? " pasok ng ina ni Griffin

Accidentally say I DO (Complete Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon