Pinaghahanap ni Jasmine ang kwentas at naghahanap rin si Artemis sa kanyang pusa. Nasa iisang lugar kaya sila?
"Mukhang pinaglaruan ng pusa, may pusa diyan kanina eh! " napasigaw din si Lux
"Hay -- bakit ko pa kasi tinanggal! Pinapairal mo naman ang kabubuhan mo Jasmine! " hanap niya at naglalakad
"Ayun, (nakita niya ang pusa sa malayo) Ang layo mo naman! " takbo niya
"Kitty? Kitty? (sigaw ni Artemis) Saan ba yun? Ah! (may binalikan siya) Kwentas ba ito? (pinulot niya) Ayos ah? Pendant na bato? Baka sa taga linis ng resort na ito. (kinuha niya) kitty? " hanap niya sa pusa
Hinahanap naman ng ina si Jasmine.
"Si Jasmine? Nakita niyo? "
"Tita, hinahanap ang kwentas."
"Eh ilang minuto na? Naku! Bawal siya mag isa, may pinagdadaanan yun! "
"Oo nga Pala! " madaling hanap nila kay Jasmine
"Jasmine? Jasmine? " palakad na hanap nila
"Ah! (Sa di kalayuan ay nakita ni Clifford si Lux) Lux? Lux! "
"Ah! (napatitig siya sa lalaking papalapit na tumatakbo) Cli --Clifford? "
"Lux? (yakap nito) Nandito ka rin? "
"Oh, ba't andito ka? "
"Eh, sa Lagrande ang resort na ito eh ikaw?"
"Sa kanila pala ito! Naku! Kailangan ko na mahanap si Jasmine. "
"Hinahanap ko nga si Sir Artemis. "
"Nandito si Jasmine?"
"Nandito si Sir Artemis? "
"Kung ganoon ---ahh! " nagsisigaw ang dalawa at lumulundag sa tuwa
"Pusa? Halika, wag ka matakot. " tawag ni Jasmine
"Meow? "
"May pagkain ako. " ngiti niya
"Meow! " at agad tumakbo ang pusa palapit niya
"Meow? Meow? " inikot ikutan siya at lumundag sa kanya
"Meow, meow! " hinalikan siya ng pusa gamit ang dila nito na para bang kilala niya ang tao
"Ah! (di nakapagsalita si Jasmine) (kinarga niya ang pusa at tinignan ng maigi) Muntik na kitang di makilala. (napaluha ito at niyakap ang pusa) Armine? (tuwa niya) ang taba mo na ah! " yakap niya
"Meow? "
"Ah! (napatitig sa kwentas) Bakit suot mo ito? Ang tagal ng nawala ang kwentas na ito. (kinuha niya at isinuot) Naalala ko, baka nahulog ko ito nung pumunta ako sa birthday party ni Sir Sebastian, doon nagsimula lahat ng buhay ko sa Lagrande family. Sandali, kung nandito ka --- (napaisip) Sinong kasama mo? "
"May napulot akong kwentas, (bigkas ng lalaki sa likuran ni Jasmine) pero napaka cheap, bato lang pala. "
"Ah! (pamilyar sa kanya ang boses) "
"Ang akala ko, baka kwentas sa isa sa taga linis dito! Kaya pinulot ko nalang. Kung sa ganda mong iyan, at bato ang kwentas mo baka ma to turn off yung lalaki sa iyo."
"Hmm ! (di siya makapagsalita sa hambog na pagkakasalita ni Artemis) (at lumingon siya) "
"I can change this necklace, anong gusto mong pendant dito? Gold? Diamond? "
"Kahit kailan, di parin nawawala yang dugong Lagrande mo! Yung, makakalimutin? " inis niya
" Ah! (napatingin sa bato at parang may naalala noong nasa gubat sila)" Hmm (ngiti niya) Kung ganoon?
"You will not hug me? Isang taon na rin ang lumipas. " isang hakbang niya kay Jasmine
"Napaka cheap mo talaga, binalikan mo talaga itong bato na ito? "
BINABASA MO ANG
Accidentally say I DO (Complete Story)
RomanceAccidentally say I DO - Description Why lovers decided to settle? Would you risk your heart in a change of revenge? Is saying I DO is just for lovers or even for a strangers?
