Nak,I'm so sorry.sabay luhod sa harapan ko.
Hindi man lang ako makatingin sakanya.Ang sakit,sobra.
Apo,hindi naman namin to sinasadya ng mama mo,hindi lang talaga kami handa na ipaalam sayo.paliwanag niya.
L-la?kumunot yung noo ko habang nakatingin sakanya.bakit la?anong hindi kaya?karapatan ko pong malaman na...na may...k-kakambal ako.masama ba yun?ano bang meron kung ipapaalam nila sakin ang totoo?
Nak,gusto kong ako mismo ang magsasabi sayo para maintindihan mo.nakakalito lang,sana nung bata pa ako sinabihan na ako ni lola,kailangan ba yun itago?
Ma,sawa na po akong maging bulag sa katotohanan,tama na po.sabay pahid ng luha ko.saan siya ngayon?
Nakita ko yung pagtinginan nila sa isa't isa.Walang kahit isang sumagot sakin.
Ma....
A-ahh...
Ma naman,pati ba kung saan ngayon nakatira yung kakambal ko hindi niyo kayang isabi?ma ba---
Wala na siya anak.parang binagsakan na naman yung puso ko.
H-hindi...
Bago lang siya namatay anak,may sakit siya.yumuko siya dahil nagsisimula na namang tumulo ang kaniyang luha.
Nakita kong pumunta si lola sa harap ko.Inalalayan niya akong makatayo at inupo sa sofa.
Apo,may sasabihin si lola.inayos niya yung buhok ko.sana hindi ka magagalit sakin.tama na!ayaw kong nang marinig ang masasakit na salita mula sakanila!
Si Thally yung kakambal mo.
Tulala lang ako,parang gumuho yung mundo ko sa sinabi niya.
Para akong nasa impyerno ngayon, pinaparusahan at sinasaktan.
So si Thally nga,siya nga yung kakambal ko.
Siya yung dahilan kung ba't ako nagkakaganito?hindi ko naman sinisisi sakanya na naghiwalay kami ni Paulo pero...ba't ang sakit?
Alam kong wala siyang kasalanan dahil mahal talaga siya ni Paulo.
Pero putek!patay na siya,hindi niya nalang bang kayang manahimik para sa kapakanan ng iba?
Patay na nga,lumalandi pa!
Ayaw kong tong mangyari,ayaw kong tong isipin pero nasasaktan talaga ako.
Hindi na ako nagulat nang malaman na siya ang kakambal ko dahil naisip ko na yan dati pa,ilang beses na.
Hindi niya nalang ba kayang maging masaya para samin ni Paulo?ba't kailangan niya pa talagang sumawsaw?
Ang sakit lang isipin na mismong kakambal mo,karibal mo.
La.umiiling akong umiyak.ang sama niya pong kapatid sakin.walang ibang nagawa si lola kundi sabayan nalang ako sa pag-iyak.la nagdusa po ako,nagdusa sa sakit na binigay ni Paulo dahil sakanya.Siya ang pinaglaban ni Paulo at hindi ako.Pinaglaban niya kahit patay na ang tao!di ko na napigilang sumigaw.kakambal ba talaga ang tawag dun?!punyeta!bakit ganyan siya sakin?may ginawa ba akong masama?napabuntong-hininga nalang ako.
Sinandal ko yung ulo ko at pilit na pakalmahin ang ulo kong kanina pa umiinit.
Hindi ko kinaya ang mga pangyayari,ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Na kahit ilang beses na akong sinaktan,nagkaroon ng problema at sa depresyon na hinarap ko,hindi ko naramdaman at naisip na susuko,ngayon lang.
Nakakapagod na,ayaw ko na!
