As time goes by,mas nagiging okay narin ako.Ramdam ko na yung saya at ngiti ko,yung totoo.Yung totoong ako.
I'm not sure but I can say now that I'm okay,wala na akong sakit na nararamdaman.
This is the best way to move-on that's why I'm very grateful that I'm here.
Fighting and finding myself.
Sino nga ba talaga ako?ano nga ba ang mangyayari sa buhay ko?
Actually.....I don't know.But one thing is for sure,I will live without somebody,I will live with myself for rest of my live.Yes,I'm alone but not lonely.
Alam kong nakasara na yung puso ko.Manhid na ako.Pagod nang masaktan.Pagod nang magmahal,mainlove at iwan.
Kaya ang nangyari,mismong puso ko yung napagod,puso ko na ang nahirapan,puso ko na ang sumuko,kaya puso ko ngayo'y nawalan na nang pinto.
Masaya ako kung ano ang meron ako ngayon.Sa mga career ko,sa trabaho.
Specially,there are people who will give you love,enough love.
Kaya masaya ako sa mga kaibigan kong lagi akong dinadamayan.
Nasa malayo man ako,pero hanggang dito dama ko parin yung higpit ng yakap nila sakin.
Lagi nila akong kinakamusta at binibigyan ng unlimited na payo,psh!
Now,I will just focus on myself and my future.Yun na ang mahalaga para sakin.
Lalo na ngayon na nakahinga na talaga ako,and I know to myself na nakamove-on na ako at tanggap ko nang isang leksyon lang lahat ng yun.
I'm done preparing for my breakfast.Maaga akong nagising kaya may gana akong magluto,wala kasing hinahabol na oras.
Lately,nagiging mas responsible narin ako kagaya ni singkit.
Mukhang na-inspire at nainggit ako sa mga routine niya at plano niya sa kaniyang buhay.
Ang aga kaya nun gumising para magtrabaho.Nagdidiskarte na yun,baka nga mas una pa siyang yumaman kaysa sakin.
Knock...
knock...
Pasok pulubi.as usual,nakasanayan niya nang kada umaga na pumunta dito.Hindi lang pala umaga,ilang beses sa isang araw at mag-oovernight pa dito minsan.
Hihingi po ng ulam ang pulubi.natatawa niya pang sabi at umupo sa harap ko.
Alam mo,hahanga na sana ako sa pagiging responsable mo,kaya lang naalala kong hindi ka pa pala marunong magluto.Hindi ka papasa sa mga responsableng tao.sambit ko.
Psh!yun lang pala?eh kayang-kaya ko kayang pag-aralan yang pagluluto.Sarap ko kayang magluto,baka mag-aakala ka ngang chef ako.mayabang niyang sabi.Chef?may chef bang takot magbukas ng kalan at laging sunog ang niluluto?aba!hindi pala basta-bastang chef tong kakilala ko,psh!
Mukhang masarap ata tong niluto mo ngayon Thea ah.kanina ko pa nga napapansin ang paglalaway niya.
Masarap naman talaga yung mga niluluto ko.Kaya ikaw,lagi kang swerte sakin.sabi ko habang tinuturo siya.
Swerte ka rin sakin.at may kindat pa,tss.
Mmmmm!sarap nga!matatawa ka nalang talaga sa mukha niya,hahahaha!
Favorite korean food ko rin ito.kaya pinag-aralan ko talagang lutuin.
Ilang months akong nag-stay dito pero ayaw na ayaw ko talaga sa mga korean foods,siguro ito lang yung kinain ko na nagustuhan ko talaga at paniguradong mauubos ko to.I smiled.Kaya nga sa isang chicken restaurant siya nag-ttrabaho kasi hindi ito korean chicken,parang Pinoy dish lang din ang lasa nito.
