This is an unexpected blessing.Hindi ko inaakalang mabubuntis ako this year.And after all,sa mga pagkahilo at pagsusuka ko,hindi man lang pumasok sa isipan ko na baka buntis ako.
As in,wala kasi kaming time ni Jack to...hmmm(alam niyo na)
We're both busy sa work at kapag nakauwi na kami sa bahay,hindi na kami nagpapansinan at matutulog nalang.
That's why na-shookt talaga kaming dalawa kahapon sa sinabi ng doktor.
Pero hindi na ako magdadalawang-isip,
kita ko na yung result at nag-PT narin ako kanina and it is positive nga.Wala akong kahit anong lungkot na naramdaman,I'm so blessed,happy and thankful sa mga blessings na natatanggap ko.
Kagaya nga ng sinabi ni babe,iniwan man kami ni Pola at nawalan kami ng baby,may dumating naman na bagong baby sa buhay namin.
At timing pa ah,sa panahon pa kung saan malungkot ako kasi wala na si Pola.
Dumating siya sa panahon kung saan nangangailangan ako ng dahilan para maging masaya.
And now,I just can't express how happy I am for having this baby in my tummy.
Oo maliit pa naman siya at hindi pa lumalaki ang tiyan ko but knowing that there's an angel inside my tummy,makes me cry because I'm so happy.
Babe,kailangan mo ba ng tulong?tanong ko nang makitang hindi pa siya tapos sa pag-iimpake.
Okay na ako babe,pahinga ka lang dyan baka ma-stress yung baby.for the first time,naging matured narin.
Siguro kung alam ko lang na buntis ako nung mga nakaraan buwan,sana hindi nalang ako pumasok.
As in stress na stress ako nun sa shop,ang daming tao tas napasukan pa kami ng magnanakaw but good thing wise yung guard namin kaya hindi nakatakas ang magnanakaw.
Pabalik-balik ako sa shop nun,naiiyak na nga ako sa sakit ng ulo ko at si babe naman nag-ppresenta narin na siya nalang daw ang papalit sakin kasi hindi niya kayang naiiyak ako sa hirap pero wala eh,gusto ko man kasi pagod na ako nung mga araw na yun pero ako yung may-ari and I'm responsible na masolusyunan ang mga problema.
Nadagdagan pa ito the past days,sa pagkamatay ni Pola at kahit isa samin,di matanggap ang nangyari.
At that young age kasi,sayang ng buhay niya.
Iyak ako nang iyak,naiisip ko nalang na paano na kami ni Miggy?
Lumaki kasi ang bata na kami ang nag-alaga,pupunta lang ako ng mansyon para bisitahin at kamustahin siya.Ganon din si Jack,para laruin ang bata.
Lalo na si Paulo,siya yung laging kasama ni Pola tiyak mas masakit pa sa nararamdaman ko ang nararamdaman niya ngayon.
Pero wala na kaming magagawa,it's her choice,it's her own decision.
Happy din naman kami kasi alam naming okay na siya ngayon,hindi na siya pinahihirapan ng sakit niya,mamimiss lang talaga namin siya.
Kasi ramdam kong may kulang talaga sa puso ko,parang may butas.
Nag-impake lang naman kami ng konting damit para dalhin duon sa Paradise.
Matagal nang walang tumitira duon kaya ininvite kami ni Paulo na mag-stay daw muna kami duon for how many days.
Gusto niya ring makarelax kami after all kaya sumang-ayon narin ako.
Yun din kasi ang advice ng doktor sakin,na mag-break muna sa trabaho at unahin ang sarili kasi nagdadalang tao ako.
