Ako ang pinakamaagang nagising samin.Inumaga na daw sila kakainom maliban nalang kay ate Pau.Grabe yung sakit ng ulo at katawan ko kanina pagising,worst hangover yun.
Tas nawawalan pa ako ng lakas kanina,bumalik nalang ako sa kwarto at nagpahinga saglit.
Mabuti nalang at nabawasan yung sakit ng ulo ko ngayon at bumalik narin yung lakas ko kasi kung hindi,jusko di talaga ako makakauwi sa bahay.
Akala ko may maitutulong pa ako.natawa nalang siya sa sinabi ko.
Simple breakfast lang naman tong ginawa namin.
Namin?may kasama ka pa ba?sumilip ako sa kusina at nakita kong papunta na siya dito.
May dala itong malaking mangkok at bigla nalang nag-ingay yung tiyan ko nang makitang nag-uusok pa ito.
Tinulungan ako ni Miggy,inutusan talaga ako kagabi na gusto niyang magpagising ng maaga para malutuan ka.sarap ng ngisi niya eh.
Talaga?
Tikman mo love kung nakuha ko pa yung lasa ng lugaw mo.aish!hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa lalakeng to,tigas ng ulo!sabing ayaw kong tinatawag niya ako ng punyetang "love" na yan!
Mamaya nalang.pagtanggi ko at napatango nalang siya.
Pagkatalikod na pagkatalikod ko talaga,agad na uminit ang ulo ko sa dalawa.
Aga-aga,sakit na sa mata!naiinis kong sabi habang taas labi silang tinitingnan na naglalambingan.
Sisi---
Hayaan mo na,inggit lang yan.bulong ni kuya pero rinig na rinig ng dalawa kong tainga.
Tse!reklamo ko.
Pumasok ako sa isa pang guest room para gisingin ang mokong.
Kanina pa ako pabalik-balik dito,kanina niya pa din sinasabi na susunod na daw siya pero ilang minuto na ang nakalipas wala paring nag-bago sa posisyon niya.
Hoy!babangon ka o babangon ka?pilosopo kong tanong.
Kiss muna.malambing niyang sabi.
Bakit,hindi ka ba makakabangon kung wala ang halik ni love?ha?!inis niyang tanong.
Di ko pala nasara ang pinto kaya narinig niya yung sinabi ng mokong.
Oo,yun kasi ang energy ko.
Pwede namang ipasa ko rin ang energy ko sayo.pumasok siya at sinipaan sa pwet si singkit.
Ay putek!CAP!
Bangon na ulol!aga-aga nag-aaway na naman sila.Paano nalang kaya kung magigising na rin di Jack,Lord please guide us.
Lumabas siyang hawak-hawak parin ang pwet habang sirang-sira ang mukha.