Wag kang mag-alala,hindi ka mahihirapan sa pag-suyo kay Paula bibigay agad yan,pare-pareho lang yan sila ni Paulo.nahalata niya sigurong kanina pa ako nag-aalala.Oo nga dad,pero gusto ko lang naman kasi ipaintindi sakanya na importante naman yung bibilhin namin.he nodded.
Umupo ito sa harap ko.alam niyo,kakakasal niyo lang at maliit pa yang pag-subok,marami pang mas malaki dyan.Kaya nga napakaimportante sa isang mag-asawa ang pagkakaintindihan at pag-uunawaan.tama naman si dad.
Ginagawa ko naman yung makakaya ko dad para lang intindihin siya,lagi kasing mainit ang ulo nito.nakakapanibago nga eh.
Huh?kunot-noo niyang sabi.baka buntis.
Psh!stress lang siguro sa trabaho dad.badtrip naman tong si dad,pinakaba pa naman ako.
Hayaan mo,hindi din magtatagal yang pagtatampuhan niyo,lambingin mo lang.lambing lang naman talaga ang lagi kong ginagawa.....dati,ewan ko lang kung madadala pa ba ng lambing ngayon si babe.
Nag-away kasi kami kahapon,nasira yung kotse niya at gusto kong bumili ng bago pero tumanggi ito kasi daw magastos.
Eh para lang naman yun sakanya eh,minsan nalang kaming nagkakasabay sa pag-uwi kasi pareho kaming busy.
Paano kung may importante akong gagawin tas kailangan niya nang umuwi,sino ang maghahatid sakanya?
Oo,alam kong kuripot naman talaga ang babaeng yun pero sana naman isipin niyang importante naman yung bibilhin namin.
Lagi niya na akong pinag-iinitan ng ulo,hindi naman siya ganon dati.
Na kahit gaano siya ka-stress at pagod sa trabaho,hindi niya yun kayang gawin sakin.
Totoo ngang ang daming magbabago kapag naging mag-asawa na kayo.
Ang daming di pagkakaintindihan,pero kung mahal mo talaga ang tao,gagawin mo naman ang lahat para magkaayos kayo.
Dad,may ipapagawa pa po ba kayo?tanong ko sakanya nang madaan ito.
Suyuin mo lang si Paula.Ako na bahala dito,dami mo nang nagawa.
Sigurado ka dad?nag-aalala kong tanong.
Tinapik niya yung balikat ko.wag ka nang mag-alala,okay lang at andito naman si Paulo para tulungan ako.I nodded.
Mabuti nalang at nabanggit niya yung pangalan ni Cap,nakalimutan ko kasing andito pala yun ngayon,psh!
Knock...
knock...
Bakit?as usual,kasungitan na naman ang ibubungad niya sakin,may bago pa ba?
Wala,nangangamusta lang.siguro sinasayang ko lang yung oras ko para hindi muna makauwi sa bahay,kailangan ko pang mag-isip ng paraan para magkaayos kami ni babe.
Makakauwi ka na.tingnan niyo,ang sama talaga ng gago.
Why are you like that?reklamo ni Vennes na nasa tabi niya.
Sus!pareho lang kayo noh.reklamo ko rin,nagmamalinis na naman si Vennes.
Epal mo!ayusin niyo muna ang problema niyo ni Paula.oo na,nagkabawi na siya.
Tss,hilig kasing makialam sa buhay ng iba.dagdag pa ni Cap.
Aalis na nga oh,aalis na.at sinara ko ng malakas yung pinto at natawa nalang sila.
