Di talaga kayang mabuhay nitong baby sis ko kung wala ako.Kwento ni bakla sakin kanina,iyak daw ito nang iyak nung birthday niya at hindi niya pa pinatuloy yung party kasi wala ako.
Hahayss,sikat na sikat siguro yung pangalan ko nung gabing yun,psh!
Hoy!halika at mag-usap nga tayo.sambit ko nang makita ko siyang bumaba.
Bakit?may utang ka ba?
Bakit,maniningil ka na ba?sagot ko rin pero sumandal lang ito sa upuan at nanuod ng tv.ano ba,kakausapin nga kita.naiinis kong sabi sabay patay sa tv.
Tagal mo kasi.eh siya yung nanguna sa pang-aasar eh,bumawi lang kaya ako.ano?
Bakit hindi mo pinasayaw ang 18 roses mo?gusto ko lang naman marinig yun mula sakanya.
Kasi hindi naman sumasayaw ang mga rose,diba?aish!namimilosopo na naman.
Yung totoo.seryoso kong sabi para sumeryoso narin siya.
Kasi wala ka,malamang.Naintindihan naman ng mga bisita at hindi naman sila umuwi na walang laman ang tiyan nila.paliwanag niya.
Ako ba talaga ang dahilan?
Sinamaan niya ako ng tingin.sa tingin mo hindi?sino pa ba ang dahilan ah?nasira nga yung party ko nang dahil sayo tas pagdududahan mo pa ako ngayon.nagtatampo niyang sabi.
Naninigurado lang naman,gusto ko lang yun marinig mula sayo.sambit ko sabay yakap sa braso niya.I love you.
Tse!umalis ka nga.
Kung papaalisin mo ako hindi na talaga ako babalik kagaya ng dati.pananakot ko pa.
Sabi ko umalis ka sa tabi ko,hindi ko sinabi na umalis ka ng bahay.sabay walk-out.
Hahahahahaha!tawa ko.Marupok ka?
Kanina,nagpagdesisyunan nina mama at papa na ipagpatuloy ang birthday ni baby sis.
Sayang daw kasi,hindi daw naicelebrate ang birthday niya ng maayos kasi lutang siya,lubha daw ang pag-aalala sakin.
Mabuti nalang at hindi siya iniwan ni bakla sa tabi niya,parang wala na daw kasi ito sa sarili.
Mas lalo pang sumama ang nararamdaman niya nang malaman na kinuha si Thea at tita Divine.
Pero dahil magkasama na kami nun,parang gumaan na ang loob niya.
Dito lang kami mag-pparty.Inimbita namin sina Cap pero busy daw sila pati narin si Thea.
Aba!busy pareho ang dalawa,ayaw magpastorbo,baka may nangyayari nang sakuna ah,hmmm.
Papunta na daw si bakla,di yun papayag na ako lang ang makakasayaw ni Ella.
Dismayado kaya yun kasi hindi niya naisayaw ang magiging asawa niya,isama mo pa ang suot niyang damit.
Gusto niyang masayaw si baby sis para ipagmayabang ang suot niya,ito lang daw kasi ang damit na nabili niya na umabot ng 1,000 pataas ang halaga,hahahaha!
Akala ko talaga habang buhay na akong makukulong duon sa bodega,ilang buwan kaya ako nanduon,ang nasa isip ko nalang nun ay totohanin talaga nila ang sinabi nila sakin.
Buong akala ko duon na ako mamamatay,mamamatay sa gutom kasi isang beses lang ako kakain sa isang araw at sa konti ng pagkaing kanilang binibigay,parang isang bigas nalang ito.
Marami akong leksyon na natutunan base sa na-experience ko.
Na mas mabuti kung hindi ka nalang makialam sa mga nangyayari sa paligid mo para hindi ka na madamay.
