Chapter 20:You're already mine

1 1 0
                                    


Isang linggo na siguro ako dito nakakulong.Isang linggo ko nang hindi nakikita si baby sis,yung pamilya at kaibigan ko.

Wala nang asaran,batukan pati narin suntukan galing sa mga tarantado kong kaibigan.

Akala ko hindi ko sila mamimiss,pero nagkakamali ako.

Sila lang ang laging umiikot sa isipan ko lalo na yung pamilya ko.

Alam kong hindi na sila makampante ngayon kasi matagal na akong hindi umuuwi at hindi sinasagot ang kanilang tawag.

Nasa mga hayop yung phone ko at kada oras may tatawag talaga sakin,napapaluha nalang ako sa tuwing maririnig ko yung ring tone ko,ang sakit lang isipin na hindi ko man lang sila masagot at masabi kung nasaan ako ngayon.

Pero alam kong mas masakit kapag nalaman nila kung gaano kahirap ang kalagayan ko ngayon.

Dami namang nagmamahal sayo brave boy.sabi ng hayop.

Hindi na yung mga tanga niyang tauhan ang nagbabantay sakin,siya na mismo ang leader ng katangahan ang nagbabantay sakin.

Naaalala mo na naman ba si mama,si papa---

Ikaw,naaalala mo ba yung pamilya mo?ay oo nga pala,ikaw lang yung nag-iisip sakanila habang sila walang pakialam sayo kasi hindi ka naman nila mahal,hindi ka nila pamilya.napatulala nalang siya sa sinabi ko.

Tama ka nga,alam ko naman yun.

Bakit hindi ka nalang mag-focus sa pamilya mo,bumawi sa mga pagkukulang mo wag yung ganito,mas dinadagdagan mo lang ang dahilan para hindi ka nila balikan.kung dati nagagalit siya sakin sa tuwing pamilya niya na yung sinasambit ko,ngayon hindi na at natutulala nalang siya,siguro naiisip niya na tama ako.

Para sa anak ko to,siya ang dahilan kung bakit ko to ginagawa.

Para ano?para ipamukha sa anak mo kung gaano ka kasama?nakangisi kong sabi at nakita ko nalang na kumuyom na yung kamao nito.

Hindi mo ako kilala at kung ano ang nangyari sa aking nakaraan,wala kang karapatan na husgahan ako.Wala akong pagkukulang sa mga anak ko at nag-buwis buhay pa ako para lang bigyan sila ng magandang buhay.daming pwedeng gawin para mabigyan ng magandang buhay ang anak mo,hindi yung papatay ka ng tao.

Nagkibit-balikat nalang ako.pero sa mata ng tao at sa batas,malaking kasalanan ang ginawa mo.dinamay niya lang ako sa kasalanang ginawa niya,ganyan siya kasama.

Isa ka rin.

Bakit?tatanungin kita kung bakit ako nagkasala,ako ba ang pumatay?ako nga ang may hawak ng ebidensya.

Hindi ka nagsumbong kaya may kasalanan ka parin,hindi nga lang sa batas kundi sa kaibigan mo.ayaw kong ipakita sakanya na naapektuhan ako sa sinabi niya kaya tumawa nalang ako ng mahina.

Alam kong mapapatawad ako ng kaibigan ko pero ikaw,saan ka?saan ka pupunta?walang iba kundi sa kulungan lang.hindi dapat ako mangamba kasi alam kong inosente ako.

Tss,trying again to be brave huh?

I'm not trying,I'm really brave.maangas kong sabi at natatawa siyang umiling.

If you're really brave,matagal mo nang binigay sakin ang video clip kasi hindi ka matatakot na malaman ng kaibigan mo kung ano ang kasalanang ginawa mo.nag-iisip ba talaga to o wala talagang isip?

Brave ako,hindi tanga kagaya mo.ginagaya niya ba ako sakanya?

Talaga lang ha,kasi sisiguraduhin kong hindi ka na makakatakas dito.

His EyesWhere stories live. Discover now