Chapter 10:Revelation

4 1 0
                                        


Alam kong tulog parin yun kahit sinabi niya sakin kagabi na siya na daw yung gigising sakin kasi maaga raw itong nagigising.

Pero parang babalikdan ngayon.Narinig ko pa kasing nanunuod yun ng kdrama kagabi este---kaninang umaga na.

Umupo ako at saglit munang tumulala.Hindi ako makapaniwalang aalis na kami,iiwan na namin tong lugar na to.

Masaya naman ako at wala akong pinag-
sayang sa pagpunta ko dito.

Ito ay dahil nakamit ko yung katahimikan at kasiyahang hinahanap ko.

Totoo nga ang sinabi ni Thea,kailangan mo lang talagang lumayo sa lugar kung saan binigyan ka ng sakit.

May sinerve na silang pagkain paglabas na paglabas ko.

Maaga talaga akong nagising kanina at nag-order ako ng breakfast namin.

Sinabihan ko silang i-serve ito ng 8am kasi gusto ko pang matulog ulit kaya ngayon,nakahanda na yung breakfast namin.

Tingnan niyo,tama ako at tulog pa yung isa.

Gusto ko mang hindi siya gisingin kasi naaawa ako,umaga na siyang nakatulog pero kailangan.

Marami pa kaming gagawin at maghahanda pa sa flight namin para mamaya.

Knock...

knock...

Thea!gising na.ilang beses ko pa itong inulit bago niya akong pinagbuksan ng pinto.

Ang gulo ng buhok niya at nakapikit parin ang mga mata habang sinasandal ang ulo sa gilid ng pinto.

Antok ka pa ba?kailangan na kasi nating maghanda.kawawa talaga.

Malungkot itong tumango.maliligo nalang muna ako para mawala na tong antok ko.I nodded.

No wonder kung bakit ang ingay at ang daming taong dumadarayo dito sa jungmun.

Ang ganda kasi ng lugar na to at first time din naming mag-outing ni Thea,lagi kasi kaming subsob sa trabaho.

At kwento pa ni Thea,simula daw nang pumunta siya dito sa korea,hindi daw talaga ito nakapag-outing,out of town at kahit ano pa dyan dahil sa trabaho niya.

Imposibleng mangyari yun sa dami ng sideline ng babaeng yun.

Laging busy at kailangan pang mag-aral para sa pagtuturo ng mga bata at mag-aral para sa lesson namin.

Siguro kung ako siya,putek mababaliw na ako.

Matutulog pa siya,sasaya pa buhay niya.

Wow!dami!parang kumikinang pa yung mga mata nito habang nakatingin sa mga pagkain.

Diet ka po.paalala ko.

Nge!sabay upo.rest day muna sa diet ko ngayon,ngayon lang.di ko alam na may rest day pala yung pag-didiet,tss.

Kala ko ba ayaw mo ng korean foods?tanong nito habang kumakain.

Ayaw nga pero alam kong mamimiss ko rin tong mga to kahit di ko gusto.Pagbibigyan ko nalang yung korea,aalis na tayo eh.natawa nalang ito.

Pinilit ka ba ng korea na kumain ng korean foo---wahahahaha!hindi niya na ito natuloy kakatawa.

Parang,ramdam ko eh.nilibot ko yung tingin ko.diba korea?

Hala ka,may sasagot nga.pananakot niya.

Mabuti nga at wala,ewan ko ba kung ba't ko yun sinabi.

His EyesWhere stories live. Discover now