Chapter 25:Revelation

9 1 0
                                        


Sabi nga nila,may mga panahon talaga kung saan kailangan mo nang ipaalam ang dapat na ipaalam.Ilabas ang kailangang ilabas at isabi ang katotohanan.

Karapatan ni Cap na malaman ang lahat kasi may kinalaman din siya dito.

Ilang taon niya na itong pinapahanap at hindi niya alam na nasa mga kamay ko lang pala ito.

Oo,duwag na kung duwag pero mas inuuna at iniisip ko lang ang posibleng mangyayari kapag pinalabas ko kaagad ito.

Wala akong ideya kung ano ang magiging reaksyon niya,kung magagalit ba siya o maiintindihan niya ako.

Bahala na si batman,ang mahalaga nasa kaniya na yung ebidensyang kailangan niyang makita.

Nasa loob kami ng kotse niya,may laptop na dala si Vennes at duon namin papanuorin ang video.

Matagal din bago pinasok ni Cap ang usb.

Nasa likod ako kasi nasa harap nakaupo si Vennes.

Seryoso lang sila sa panunuod habang ako hindi ko man lang matingnan ng matagal ang laptop.

Natatakot parin ako hanggang ngayon,yung tipong parang na-trauma ako na parang wala.

Na-trauma ako sa mga nakita ko at natakot pero parang hindi kasi sinasabi ko sa sarili ko na wala akong dapat na ipag-alala kasi alam kong inosente akong tao at wala akong kasalanan sa mga nangyari.

Pinause niya ito at lumingon sakin.yung tattoo,yun ang sinasabing tattoo ni Thea sakin.

Siya nga,siya ang leader,siya ang nagpakana ng lahat ng ito,siya ang tumakot kay Thea sa jeep at siya ang pumatay kay...

Cut it,masyado kang excited.reklamo ng isa sa harap.

Di ko pa kasi sinasabi sakanila kung sino ang papatayin,wala silang ideya.

Ayaw din ni Cap na sabihin ko,gusto niyang tingnan every detail sa video.

Nasa part na kami kung saan pumasok na ang hayop sa kwarto niya.

Tumingin-tingin pa siya sa taas,naghahanap ng cctv pero hindi man lang siya tumingin sa labas kung saan kinukuhanan ko siya ng video.

Simula dati pa,ang tanga niya na nga talaga di man lang sinara ang pinto,tss.

Tinanggal niya yung oxygen at hiniwa yung tiyan nito para makuha ang kidney niya.

Di na kinaya ni Cap kaya pinatay niya na yung laptop sabay sandal sa upuan.

Siya pala.mahina niyang sabi.

Napakaamo ng mukha,may tinatago pala.Galing magmalinis!naiinis kong sabi.

Hayop siya,sa lahat ng tao sa SU siya ang pinagkatiwalaan ko ng sobra tas ngayon---the hell!mura niya.

Anong gagawin natin Cap?

Matagal na ba tong nasa iyo?akala ko makakalusot na ako sa pag-iiba ko sa usapan.

A-ahh,oo ako talaga ang kumuha ng video Cap saakin talaga yan.Di niya nasara ang pinto niyan kaya nakuhanan ko ng video.Actually,di ko pa alam dyan na girlfriend mo siya,nagulat nalang ako nang makita kitang pumasok pero hindi mo ako napansin nun kasi tumago kaagad ako.Hanggang sa ayon,sinabihan kami ni ate Pau na may naging girlfriend ka at duon ko pa naisip na yung girlfriend mong namatay ay si Thally,yung nakuhanan ko ng video.paliwanag ko.

Umayos siya ng upo para makita ako ng maayos.bakit hindi mo kaagad sinabi sakin?

Eh...k-kasi...

His EyesStories to obsess over. Discover now