Chapter 21:Blessing

5 2 0
                                        


Ilang araw na ang lumilipas pero ganon parin kasakit at habang lumilipas ang araw,mas lalong sumasakit at bumibigat.

Kung masakit ang pagkamatay ni Thally,mas masakit para sakin ang pagkamatay ni Pola.

Ang taong pinakaimportante sa buhay ko,taong nagsisilbing dahilan kung bakit pa ako lumalaban nung mga panahong wala na si Thally.

Simula pagkabata palang niya,ako na ang nakakasama at umaalaga sakanya.

Hindi ako mahiwalay sakanya kahit ngayon na lumaki na siya.

Siya yung naging pag-asa ko sa lahat ng bagay,siya ang lagi kong iniisip sa tuwing nawawalan na ako ng pag-asa,at lagi niyang pinapagaan ang pakiramdam ko.

Hindi ko parin matanggap,ang hirap!

Ilang beses na niyang sinabi sakin na kailangan ko na daw tanggapin na dadating talaga ang araw na iiwan niya ako.

Alam ko naman yun,akala ko okay lang sakin,akala ko hindi ganon kasakit kasi pero hindi eh,ang hirap tanggapin.

Ang hirap mabuhay nang wala siya,nakakapanibago na wala nang makulit na bata sa bahay.

Wala nang ingay,wala nang susuporta sa mga corny jokes ko,sa lovelife ko.

Sakanya ko lang yun nakukuha.The way she cares for me,damn!I will freaking miss it.

Even now,miss na miss na miss ko na yung baby ko.

Naiiyak nalang ako sa tuwing naaalala kong wala na siya,iniwan niya na talaga ako.

Pero...paano na nga ako ngayon?ano na ang gagawin ko?

Nakakasawa na,lagi nalang may nawawala sa buhay ko,at mga importante pang tao.

Pola,she's my angel.The kid that I don't want to grow,I want her to be my baby forever.

Everything happens for a reason.Kagaya nga ng sinabi niya,If I really care and love her,I will let her rest na.

Siguro pagod na talaga siya,nahihirapan na siya sa sakit niya kaya hindi na niya sinubukan pang lumaban.

Alam niya na siguro at tanggap na niya na may taning na ang buhay niya.

Oo,masakit na mawala siya pero mas masakit na makita ko siyang nahihirapan pa.

Kasi paulit-ulit yun eh,mas masakit na paulit-ulit ko siyang makitang nahihirapan and she chose to rest than to live.

Kung saan siya masaya at komportable,susuportahan ko siya kahit masakit.

Masakit kasi kuya niya ako,at ako narin ang tumayong nanay at tatay sakanya.

Pero kung nasaan ka man ngayon,baby I know you're happy.Please keep this in mind "I love you more than myself".

Ngayon ang libing niya pero hindi muna ako didiretso duon,kailangan ko pang sunduin si Thea.

Iyak din yun nang iyak.Napag-usapan kasi namin si Pola kagabi at pareho kaming napapahagulgol nalang sa tuwing naaalala ang mga masasayang bondings namin together.

Maraming napasaya si Pola kaya marami din ang taong nagmamahal sakanya,at marami rin ang naapektuhan sa pagkawala niya.

Hi tita!si Thea ho?tanong ko kay tita Ahlea.

Nasa taas pa,kakatapos lang nun kumain.Sige pasok ka.nginitian ko lang ito.kamusta ka na?nag-aalala niyang tanong habang nakahawak sa likod ko.

Ganon parin tita,masakit parin.at pilit ko siyang ngitian.

Hayaan mo,matatanggap mo rin yan.Pakatatag ka ah,andito lang kami nakasuporta sayo.ang sarap lang marinig ng sinabi niya.

His EyesStories to obsess over. Discover now