Chapter 24:It's time

5 1 0
                                        


Parang totoo nga talaga ang sinabi nila,habang buhay na ako dito.

Willing silang i-adapt ako eh,psh!matagal na akong nakatira dito,nagkaroon narin ako ng mga hayop na pamilya,hahayss.

Lagi akong gutom kasi limitado lang ang pagkaing binibigay nila at dapat,may bugbog muna bago nila ibibigay ang pagkain.

Matagal ko nang hindi nakikita ang sarili ko sa salamin,di ko na alam kung ano na ang nangyari sa itsura ko,kung gwapo pa ba ako o hindi na.

At sa tuwing may sinasabi sila at aktong lalabag ako,wala suntok na naman ang aabutin ko.

Pagod na ako sa buhay ko rito,puro sakit lang ang inaabot ko.

Minsan,natatanong ko nalang kung bakit ako ang nagkakaganito,diba dapat sila kasi sila ang pumatay sa tao?

Wala naman talaga akong kasalanan,alam ko lang at hawak ko lang ang ebidensya,ebidensya kung saan makikitang sila ang pumatay sa tao.

Pero bakit parang ako pa ang nagdudurusa ngayon?

Sila dapat ang nasa posisyon ko ngayon,sila dapat ang nasasaktan at kinukulong,hindi ako.

Nadamay pa ang buong pamilya ko dahil dito.

May mga pagkakataon din palang ikaw na yung naging mabait,ikaw na yung tumulong sa tao pero ikaw pa yung mapaparusahan ng ganito.

Nag-countdown pa ako para sa kaarawan ng baby sis ko,akala ko makakasama pa ako at makikita ko pa siyang sinusuot yung red gown niya pero...parang malabo na.

Ngayon na yung kaarawan niya pero andito parin ako,nakakulong parin.

Patuloy parin tinitiis ang sakit,sakit na galing sa mga kamay nila at sakit na galing sa mga salitang sinasabi nila.

Patuloy ko paring tinataya ang buhay ko para sa kapakanan ng pamilya at kaibigan ko.

Kasi kung susuko ako,madadamay sila.Kung susuko ako,sila ang masasaktan ng ganito.Kung susuko ako,mas masakit pa sa nararamdaman ko ngayon ang mararamdaman ko kapag nakita ko silang nasasaktan at nagdudurusa kagaya ko.

Kaya mas mabuti kung magtitiis nalang ako at sasaluin lahat ng sakit kaysa sakanila mapupunta.

Hindi ko din naman masasabi na kasalanan ko to,kasi wala talaga akong kasalanan.

Nadamay lang ako at nadamay lang din ang pamilya ko dahil sakin,sakin na pinagtripan ng mga hayop na to.

Miss ko na silang lahat.Yung mga asaran,pikunan at suntukan naming mga magkakaibigan.

Alam kong miss narin nila ako,miss na nila ang baby nila,tss.

Hayysss,kamusta na kaya silang lahat ngayon?nag-aalala ba sila sakin o nagagalit?

Si ate Pau,ilang araw nang masama ang pakiramdam nun,gumaling na kaya siya?

Si Cap af Thea,kamusta na ang dalawang love bird na yun o sabihin nalang nating,kamusta na ang dalawang paniki na yun,hahahaha!

Masaya ako para sakanila,yun ang totoo.Alam ko namang mahal pa nila ang isa't isa kahit nung nagkalayo sila nang pumunta sa korea si Thea.

Kitang-kita ko sa mukha ni Thea na mahal niya parin si Cap nun at hindi niya nga ako masagot kapag tatanungin ko siya kung mahal niya pa ba si Cap patatahimikin niya lang ako,psh!

Si mama,papa kamusta na kaya sila?lalo na ang baby sis ko.

Si baby sis lang naman talaga ang laging nasa isip ko,wala na akong pake sa iba kahit na sa buhay ko.

Siguro tatanda nalang ako siya parin ang babaeng nasa puso ko.

Mahal na mahal ko yung microphone na yun kahit lagi akong inaasar at inaaway teka.....parang baliktad,tss.

His EyesWhere stories live. Discover now