"Ano ba'ng gusto n'yong mangyari sa buhay n'yo? Ang mapariwara? Ang sakit na ng ulo ko sa inyong tatlo!"Nangingibabaw ang maawtoridad na boses ni Mr. Morales sa loob ng kaniyang opisina. He raged angrily, his eyes scowling beneath his glasses.
Hindi alinta ng tatlong magkakaibigan ang galit na ibinubuga ni Mr. Morales. Nasanay na sila at nais lang nilang makaalis sa harapan ng kanilang school principal.
Si Cindy ay nakaupo sa kaliwang upuan sa harapan ng desk ni Mr. Morales, samantalang magkatabi naman na nakaupo sa kanan sina Seth at Anwar.
Inilapit ni Cindy ang kaniyang sarili sa lamesa at nagkunwaring naiiyak ang mga mata. Her usual scheme is to pretend she's sick. Wala siyang pakialam kahit galit na galit na si Mr. Morales.
"Sir, nag-cutting class kami kasi nagkaro'n ako ng headache." Ginamit niya ang pinakamatamis niyang boses. She stared at Mr. Morales with pitiful eyes. Her piteous cry looks convincing.
Pinipigilan ng kaniyang dalawang kaibigan ang pagtawa dahil sa hitsura ni Cindy. Hindi naman sumakit ang ulo ni Cindy, kundi namasyal sila sa mall at nawili sa paglalaro ng arcade.
Napailing-iling na lang ang ulo ni Mr. Morales. Maririnig ang pagngitngit ng kaniyang lumang office chair.
"Ano naman ang dahilan ng dalawang 'to? Lahat na lang ng stomachache, toothache lahat na lang ng ache idinadahilan n'yo sa akin!" Sinamaan niya ng tingin sina Seth at Anwar. He was absolutely furious. Hindi sumagot ang dalawang binata.
"Makararating ito sa parents n'yo!" madiing pagkasabi ni Mr. Morales.
Napangiti naman si Cindy na hindi tinablan ng kaba sa sinabi ni Mr. Morales. She rolled her eyes. "Sige, support kita, sir."
A muscle in his jaw pulsed angrily. "Ano'ng sinabi mo?"
She covered her mouth with her hand. "A—wala po. Ang sabi ko ay hindi na po mauulit, sir."
Bumuga ng hangin si Mr. Morales.
'Mga walang respeto!' sabi ng kanyang utak.
"Siguraduhin n'yo lang," babala niya 'tsaka tiningnan ang tatlo, ". . . dahil expulsion ang aabutin ninyo!"
🤥
"Natatawa talaga ako sa pagmumukha ni Morales!" natatawang sabi ni Cindy habang naglalakad sila sa mahabang corridor ng eskuwelahan. Maririnig ang malakas na tunog ng takong ng sapatos niya.
Umakbay naman si Anwar kina Cindy at Seth. "Lie low muna tayo, mga dude, baka kasi putulin ni Dad 'yung allowance ko, mahirap na." Anwar grinned wickedly. Ayaw ni Anwar na mapagalitan dahil baka hindi siya bigyan ng pera tulad noong nakaraang taon. Isang linggo siyang walang baon dahil bumagsak ang mga grades niya.
LAHAT ng mga nakapaligid na estudyante ay gumigilid kapag dumaraan silang tatlo. Bukod sa nakakatakot ang kanilang mga hitsura ay mahilig din nilang pagtripan ang ibang mga estudyante. Nakataas palagi ang mga kilay ni Cindy at maangas namang tingnan sina Seth at Anwar. Walang sino man ang nais lumaban sa kanilang tatlo.
"Kaya pala tahimik ka kanina, bahag ang buntot mo." Cindy's voice was faintly mocking.
Her tone of voice made Seth chuckle.Napakamot na lang sa kaniyang ulo si Anwar. Malaki ang takot niya na baka hindi na siya bigyan ng kaniyang ama ng pera.
Patuloy silang naglakad at 'di na nagsalita. Siningkitan ng mata ni Cindy ang babaeng estudyante na nasa gilid ng hallway. Nanlaki ang mga mata ng babae at yumuko ang ulo.
Lahat ng nakakakita sa kanilang tatlo ay namamangha. Cindy is well-known as a model in commercials and magazines while Seth and Anwar look like gorgeous actors without even trying.
BINABASA MO ANG
The River of Truth
Teen Fiction"The most dangerous liars are those who think they are telling the truth." Lying is frequently characterized as selfish behavior. However, it became a habit for three youngsters. They believe lying is necessary, and they are unconcerned about the fe...