The Truth will set them free

39 13 162
                                    


Dahan-dahang iminulat nina Cindy, Seth at Anwar ang kanilang mga mata. Nasa opisina sila ni Mr. Morales.

"B-bakit nandito t-tayo?" sambit ni Anwar.

Agad na tiningnan ni Seth si Cindy. "You're alive, Cindy!" He hugged Cindy tightly.

Sinuri nila ang kanilang mga sarili. Wala silang mga galos at maayos ang kanilang pakiramdam.

They hugged each other as tears came out from their eyes.

"We're alive! Fucking shit! Buhay ako!" Cindy exclaimed.

Inilibot ni Seth ang kaniyang mga mata. "B-bakit tayo nandito sa office ng principal?"

Someone opened the door.

"Kumusta ang paglalakbay ninyo?" A triumphant smile appeared on Mr. Morales' face.

"S-Sir?" Sabay-sabay nilang pagkasabi. Sumunod na pumasok si Mr. Rivero.

Their mouths fell open.

"Alam n'yo po ba ang tungkol sa nangyari sa 'min? Nasaan po sina Sir Earl?" Si Seth na ang naglakas loob na nagsalita.

"Oo. Maupo muna kayo at makinig kayo sa akin." He spoke in an authoritative tone.

They all sat down. Nalilito man ay sinunod nila si Mr. Morales. Mr. Rivero stood beside Mr. Morales.

"Ang tunay kong pangalan ay Moral, ang tagapangalaga ng kapangyarihan ng River of Truth o maaari ring tawaging 'The Truth Keeper'. Isa akong tagapangalaga ng katotohanan sa mga kabataan."

Nagkatinginan ang tatlong teenagers. Their hands trembled, unable to comprehend the old man's statement.

"Matagal na kaming nabubuhay ni Rivero para gabayan ang ugali ng mga taong nawawala sa landas, ibig sabihin ay imortal kami."

Hindi makapaniwala ang tatlo sa kanilang naririnig. Natulala na lang sina Cindy at Seth, samantalang hindi na sumara ang bibig ni Anwar.

Mr. Morales opened a small wooden box. There's a clear crystal ball inside the box.

"Ito ang River of Truth. Hindi ito nakalagay sa gubat kung saan kayo nagpunta. Ito ay nagpapakita sa mga taong napipili namin ni Rivero para makita ang sarili ninyong mga kamalian—a reflection of your wrongdoings. Naligo kayo sa sarili ninyong mga kasinungalingan. Binabati ko kayong tatlo dahil kayo ay nagbago."

Wala pa ring nagsalita sa kanila. Natuyo na ang mga luha mula sa mga mata nina Seth at Anwar, pero tuloy-tuloy lang ang tahimik na pagluha ni Cindy.
Halos hindi sila makapaniwala sa kanilang mga naririnig.

"Nais kong malaman n'yo na ang pagsisinungaling ay hindi na matatanggal sa mga tao dahil parte ito ng kakayahan ng tao na mag-isip. Ngunit, kung nagsisinungaling kayo para sa ikapapahamak ng iba at para mapakain ang inyong ganid na puso ay sinisira ninyo, hindi lang ang buhay ng iba, kundi ang mismong buhay ninyo. Dahil ang taong naniniwalang tama ang lahat ng kaniyang iniisip sa kabila ng kaniyang mga kasinungalingan ay mananatiling malungkot at patuloy na kakainin ng poot. Minsan lang kayo mabubuhay, bata pa kayo at maliliit pa lamang ang inyong mga kasalanan, ngunit paano na lang kapag tumanda na kayo? Ang kasalanang hindi nababawasan ay patuloy na madadagdagan hanggang sa mawala kayo sa landas. Kaya masaya kami ni Rivero na mas pinili ninyong hanapin ang kabutihan sa inyong mga puso."

Hindi napansin ng tatlong teenagers ang kanilang mga luha—mga luhang nakapagpatunaw ng kanilang mga masasamang ugali.

"Hindi na rin maaalala ng mga taong nakasama n'yo ang tungkol sa mga nangyari pagkatapos ninyong maligo sa River of Truth dahil ang lahat ng ito ay ilusyon lamang."

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon