Emotional Response to Opposition

14 5 0
                                    


"Cindy, malapit nang lumabas ang mommy mo."

Cindy just stared at her grandmother. She managed to keep a poker face.

Alam na alam ni Lola Cristy, ang ina ni Sera, ang ugali ng apo. Hindi na rin niya ito masisisi dahil saksi siya sa mga pagkukulang ni Sera kay Cindy noon.

"Mabuti na lang at nagising ang mommy mo," she continued to speak. She walked towards Cindy and sat beside her in the bed.

Malapit ang loob ni Cindy noon sa kaniyang lola, pero nang kunin na siya ni Sera ay naging malayo na ang loob niya kay Lola Cristy. Madalang na rin kasing dumadalaw ang kaniyang lola dahil nakatira ito sa probinsiya.

Cindy swept her eyes across the window

"Hindi ka ba magsasalita, apo?"

Cindy breathed a heavy sigh. Until now, she was thinking about her mother. Last week, she lied about the accident. Most likely, it was just a random occurence, but it was the most startling coincidence that bothers her.

"Apo?"

Cindy was unable to speak. Her frigid heart keeps twisting from the excruciating anguish, which she wishes to forget.

"Alam kong masama pa rin ang loob mo sa mommy mo, pero subukan mong magpatawad, apo. Bata pa ang mommy mo noon. Walang taong perfect, kahit sino ay nagkakamali, pero ang importante ay pinagsisisihan na niya ang lahat at pilit niyang itinatama ang mga mali niya."

Cindy looked down at the floor. Tears were in her eyes but she tried to look brave.

"Bigyan mo ng chance ang mommy mo, Cindy."

"Okay, grandma." Her voice was unsteady.

"I will try."

🤥

"You should read the report about the the meeting of the board of directors."

Kararating lang ni Seth galing sa school, pero agad siyang sinundan ni Mr. Dan, ang personal adviser at ang pinagkakatiwalaang tao ni Elon.

Despite Seth's young age, Elon wants his son to undergo informal training in the company. He was always forced to join executive education programs and sit-in on shareholder meetings.

Seth doesn't understand anything dahil sarado palagi ang pag-iisip niya. Napatingin siya sa folder na hawak ni Mr. Dan.

"P'wede bang bukas na lang? May group project kami ng mga classmates ko. Pupunta sila rito after an hour."

Mr. Dan sighed. 'Here we go again' he thought.

"Okay, but I will not let it pass. You skipped all three of this month's leadership meetings. Your leadership skills wasn't that exemplary. Malapit ka nang mag-college, then later on, you will be your father's successor. You should take it seriously. This is not a game," madiing pagkasabi ni Mr. Dan.

Napaupo si Seth sa kaniyang kama at napasabunot siya sa kaniyang buhok.

"Alam kong aware ka na hindi ako magaling sa business. Even worse, I lack emotional and communication skills.. Why can't I just be a shareholder or a part of the board of directors? Baka malugi lang ang kumpanya kapag humalili ako."

Mr. Dan blew out air in frustration.

"There's no other candidate. Bata ka pa lang ay napagkasunduan na ng daddy mo, ang board, at shareholders na ikaw ang dapat na pumalit sa kaniya. Mahirap, pero ito ang kapalaran mo. Maraming tao ang nangangarap ng future mo. You should be grateful. We are preparing you para hindi ka mahirapan someday."

Seth closed his eyes. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya.

"Seth, I'm not talking as an adviser. I am a good friend of your father and I see you as my son. I am doing this for your own good, so please, return the favor."

Napaangat ang mukha ni Seth. Kinuha niya ang inaabot ni Mr. Dan na folder.

"It's a big responsibility," Seth mumbled.

"Yes it is, pero pagmamay-ari 'yan ng ama mo. You should treasure the company."

Hindi na hinintay ni Mr. Dan ang isasagot ni Seth. Lumabas na siya at isinara ang pinto. Ibinato naman ni Seth ang folder sa kaniyang kama 'tsaka siya humiga.

"Fuck this life." He groaned casting his eyes to the ceiling.

MINUTES passed at nanatili siya sa kaniyang posisyon. May kumatok sa pintuan kaya napilitan siyang tumayo at pagbuksan ito.

"Sir, may naghahanap po sa inyo," sabi ng kanilang katulong.

"Sino po?"

"Mga kaklase n'yo po."

"What?" Kumunot ang noo ni Seth.

MABILIS siyang bumaba ng hagdanan at nakita niya sina Jeremy, Lisa, Chichi at Anwar na nakaupo sa kanilang mahabang sofa sa sala. Napanganga siya dahil hindi niya inaasahan ang kanilang pagdating.

"Dude," bati ni Anwar.

"Anong meron?" 'Panaginip ba 'to?' he thought.

Anwar smiled mischievously.

"May group project tayo, dude."

🤥

"Iho, malapit nang umuwi ang mga magulang mo."

Anwar's mouth dropped open as he suddenly looked up in disbelief.

"Alam mo naman siguro, iho na kahit hindi ako magsalita ay malalaman nila ang tungkol sa mga mababa mong grades."

Napatigil si Anwar sa paglalaro sa kaniyang laptop. Dumating na ang kinatatakutan niya at mukhang wala na siyang magagawa.

"Nanay, ano'ng gagawin ko? Siguradong mawawalan ako ng baon."

"Ipagluluto naman kita ng baon mo," malambing na pagkasabi ni Nanay Luz.

"Pero . . ." Napayuko ang ulo niya. "Pa'no ang mga luho ko, Nanay. Tapos, nakakahiya sa girlfriend ko kapag wala kaming pangkain sa labas."

Naging seryoso ang mukha ni Nanay Luz. Hindi niya nagustuhan ang isinagot ng binata.

"Anwar, imbes kasi na maglaro ka, mag-aral ka muna. 'Wag puro babae ang iniisip mo dahil bata ka pa. Hangga't hindi mo pa kayang buhayin ang sarili mo, h'wag puro pag-ibig ang pinagkakaabalahan mo. Lahat ay binibigay sa 'yo ng mga magulang mo kaya dapat ay mag-aral ka nang mabuti."

Hindi na hinintay ni Nanay Luz ang isasagot ni Anwar. Nag-aalala siya sa kaniyang alaga, ngunit nakikita niyang hindi ito nagbabago. Lumabas na siya ng silid ni Anwar.

"Shit!" Anwar cursed.

Humiga siya sa kaniyang kama. "Ano'ng gagawin ko?"

Ilang sandali ay mabilis na tumayo si Anwar. Kinuha niya ang mga libro niya sa study table. Isa-isa niyang binasa ang mga pinag-aaralan nila.

"Wala akong maintindihan. Fuck!"

Kinuha ni Anwar ang kaniyang cellphone. Hinanap niya ang numero ng taong alam niyang makatutulong sa kanya. Agad niya itong tinawagan.

"Hello, Sir Earl."

^•^

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon