Manipulative Behavior

25 6 0
                                    


"Hi. What can I get for you?"

Kaunti lang ang mga tao sa coffee shop. Gumagalaw nang kaunti si Cindy. Sumasayaw siya sa mellow music ng speakers.

"Can I get Doppio Espresso," Seth asked. He looked at Cindy and Anwar.

"I'd like a Strawberry creme frappuccino," Cindy happily said.

"Iced coffee lang sa 'kin. Make it two," ani Anwar.

"It will be ready in a moment. What are your names?" The barista asked. Bago pa lang sa trabaho ang barista kaya hindi niya pa niya sila kilala na madalas tumatambay sa coffee shop.

"Seth, Anwar and—" Seth said, but Cindy interrupted him.

"Write 'Queen Cindy'."

Natawa sina Seth at Anwar dahil sa nabiglang hitsura ng barista.

UMUPO na sila sa pinakagilid, malapit sa glass wall. Hindi na naman sila pumasok sa kanilang mga klase.

"What happened to you, Anwar? Nagpapakapait ka ba?" Cindy laughed.

Natawa rin si Seth, samantalang tipid na ngumiti si Anwar.

"Gusto ko lang lumaklak ng kape."

"Why? You looked problematic," Cindy asked.

Napabuntong-hininga si Anwar. "Puro bagsak ang results ng quizzes ko. Malapit na ang exams at hindi ko alam kung maisasalba pa nito ang grades ko. Siguradong magagalit si Daddy."

"What's new? 'Di pa ba sanay ang daddy mo?" tanong ni Cindy habang sinusuri niya ang bagong kulay ng kanyang mga kuko.

"Try mo mag-aral, baka makahabol ka pa," Seth said sarcastically.

"Allergic si Anwar sa pag-aaral. Mabuti sana kung babae ang aaralin niya, siguradong siya ang may pinakamataas na grade," saad ni Cindy.

Napailing-iling na lang si Anwar.

Natawa na lang silang tatlo. Hindi naman kinakabahan sina Seth at Cindy kahit mababa rin ang grades nila.

Dumating na ang kanilang mga orders. Sabay-sabay sana silang iinom nang biglang tumunog ang cellphone ni Seth.

"Sir Earl," Seth looked at Cindy. Cindy just rolled her eyes.
"Nasa'n kayo?"
"Nasa bahay, sir. Late na po akong nagising. Papasok pa lang po ako."
"Oh really? Siguro ay hindi rin nagising nang maaga sina Anwar at Cindy. Anuman ang dahilan n'yo, better come here now, kung ayaw ninyong ma-suspend!"

Hindi na nakasagot si Seth dahil binabaan na siya agad ni Earl ng cellphone.

"I think, kailangan na nating pumasok," seryosong pagkasabi ni Seth.

"'Wag muna, mamayang hapon na lang," sagot ni Cindy.

"Oo nga. Nakakatamad kaya," dagdag ni Anwar. He winked at Cindy.

"Akala ko ba, gusto mong maisalba ang mga grades mo?" Seth asked Anwar.

"Yeah, unfortunately." Muling nalungkot ang mukha ni Anwar.

Seth looked at Cindy.

"Ubusin lang natin 'to, then pasok na tayo."

"Whatever."

🤥

"Gagawin mo ang mga assignments ko o malalaman ng family mo ang sikreto mo."

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon