Cost of Lies

47 14 136
                                    


"Hindi ako makapaniwala sa mga grades mo, Seth! Isa kang kahihiyan! Tell me, how can you handle our company kung ngayon pa lang ay puro sablay na ang grades mo!"

Disappointment dripped from his father's voice. Hindi talaga gusto ni Seth ang strand na ABM at hindi rin niya gustong humalili sa kaniyang ama balang araw. Kung maaari lang siyang mamili ay gusto niya ng strand na STEM. Minsan na niya itong sinabi sa kaniyang ama, ngunit nasigawan lamang siya nito.

"Pagbubutihan ko na lang sa susunod, Dad. I-I'm sorry."

Elon dropped his arms in the table and gave a long sigh meeting his gaze.

"You should." Iniisip ni Elon na mas mabuti kung buhay pa sana ang ina ni Seth para hindi ganito katigas ang ulo ng anak nila.

Inadequate parenting made his son hard-headed. He was well aware of the problem, pero hindi niya alam ang gagawin. He has been very busy at hindi na niya alam kung kailan sila huling nagsabay kumain. Unti-unting nawawala ang inis niya dahil alam niya sa sarili niya na nagkukulang siya bilang ama.

"Do you want to have dinner?" Elon casually asked.

Natulala si Seth kaya hindi siya nakapagsalita agad. The surprise was mutual. Pareho silang napanganga.

"H-hindi na po."

Disappointment flashed across his father's face.

"Why?"

He swallowed hard and avoided his gaze.

"I got a terrible stomach ache."

🤥

"Nakalabas na ng hospital ang mommy mo, pero hindi man lang nakita 'yang anino mo!"

Cindy concluded from Earl's tone that he was vexed with her.

"Masyado na yata kayong concern sa akin at pati private life ko ay pinapakialaman n'yo na, sir." She gave emphasis on the last word.

Napanganga si Anwar sa sinabi ni Cindy. "Cindy, concern lang si Sir Earl."

She rolled her eyes. Nasa VIP room sila ngayon at katatapos nilang kumain ng tanghalian.

"You should respect me, Cindy. I'm still your teacher."

Kumunot ang noo ni Cindy. 'Yes, just my teacher,' she thought.

"Meaning, if you want respect then don't meddle with things you don't have business with."

Earl blew out air in frustration then looked around. For the past years, ang tatlong teenager ang naghahabol sa kaniya at nanggulo ng buhay niya. Hindi siya makapaniwala na sasabihin ito ni Cindy. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi niya. Sanay na siya sa ugali ng dalaga.

"Where's Seth?"

"Hindi siya nakapasok sir, may LBM daw," Anwar answered.

Earl nodded. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi.

"Hindi natuloy ang community service ninyo, but it doesn't mean na nakatakas na kayo sa parusa n'yo. Dito na lang kayo sa campus maglilinis for a week."

Nanlaki ang mga mata nina Cindy at Anwar.

"What?" Her voice sounded alarmed.

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon