Epilogue

73 16 235
                                    


Two years later . . .

"May pinabibigay pala sa 'yo si Nanay."

Inilabas ni Tanya ang pagkain mula sa kaniyang bag.

"Wow, kakanin! Sabihin mo kay Tita, thank you."

Tanya smiled warmly. "Punta ka raw sa birthday ni Nanay."

"Oo naman. Bibilhan ko siya ng regalo."

Muling napangiti si Tanya. Kinikilig siya sa pagkakaibigan nilang dalawa.

"Salamat. Isama mo raw si Tita Sera at si Sir Earl. Ma-showbiz kasi si Nanay."

Sabay silang natawa. Lumabas sa balita ang bagong karelasyon ng kaniyang ina. Hati ang reaksyon ng mga tao, ngunit mas marami pa rin ang masaya dahil mas pinili ni Sera ang simpleng buhay kasama si Earl.

"Kailan mo balak sagutin si Anwar?"

Biglang napaubo si Tanya sa kaniyang iniinom na juice. Hindi niya inaasahan ang tanong ng kaibigan. "Hindi ko pa alam. Natatakot ako, baka ipagpalit ako."

Cindy held her hand. "Nagbago na si Anwar. Dalawang taon na siyang nanliligaw sa 'yo. I know that he was honest with his feelings."

Tanya smiled.

"Okay, bibigyan ko siya ng chance."

***

"Sir, kahit ano'ng gawin natin ay kumalat na talaga ang balita. Binayaran ko na ang media, pero marunong na ang mga tao. Hindi na sila naniniwala na wala kayong kasalanan."

Kinasuhan si Vince ng Department of Justice ng patong-patong na kaso ng bribery, extortion at embezzlement.

"Damn it!" Hinampas ni Vince ang kaniyang lamesa.

Maraming lumabas na ebidensya na inilabas ng mga kalaban niya sa pulitika. Nagtagumpay siya bilang isang Senador dalawang taon na ang nakararaan, ngunit ngayon pa lang ay nararamdaman na niya ang tawag ng malamig na selda.

"Ano'ng gagawin natin sir?"

"Tatakas ako."

***

"May party po akong isasagawa bago ang kasal n'yo ni mommy."

Earl gave a little chuckle. "Hindi ko akalaing sasabihin mo 'yan, Cindy. Pass ako d'yan. Ayoko ng bachelor party."

Cindy laughed and sat beside Earl. Hinawakan niya sa braso si Earl.

"Papa naman. Hindi naman bachelor party. Party na kainan lang. Tayo-tayo lang at mga close friends n'yo."

Napatango-tango si Earl. "Bakit gano'n, sa party ng mommy mo ay bawal ang boys at kayo-kayo lang?"

Cindy smiled with humor.

"Gano'n talaga, Papa. Masanay na kayo na hindi magiging fair ang buhay ng lalaki kapag nag-asawa."

Earl laughed softly. Masayang-masaya si Earl sa samahan nila ngayon.

"Palabiro ka pala, anak."

***

"Ito kaya, masarap kaya ito?"

"I don't know. Wala akong alam sa lasa ng mga wine," Seth answered.

"Bakit kasi wine ang gusto mong ibigay kay Tito Earl?" tanong ni Anwar kay Cindy.

"Mahilig kasi sa wine si Papa. Kapag stressed siya, umiinom siya para mawala ang sakit ng ulo niya."

"Doon tayo sa ban—"

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon