"What happened, Anwar?"Hindi makatingin si Anwar sa mga mata ni Earl.
"I think parang may mali," sabi naman ni Rafael habang nakasandal sa dingding. Nakahawak siya sa kaniyang baba.
Cindy and Seth were sitting on the couch. Bakas pa rin ang inis sa mukha nilang dalawa dahil sa nangyari kahapon.
Napayuko si Anwar habang nakatitig sa kaniyang mga nanginginig na kamay. "Hindi ko po alam, Sir. 'Di ko naman po inisip na gano'n. N-naguguluhan na rin po ako."
"Alam mo bang delikado ang sinabi mo?" Earl asked through clenched teeth.
"Earl, relax. Sa tingin ko ay hindi ito gusto ni Anwar, sa tingin ko talaga ay may mali." Hinawakan ni Rafael si Earl sa balikat.
"At ikaw naman, Seth, hindi mo siya dapat sinuntok," Rafael said seriously.
"I'm sorry," ani Seth habang nakatingin kay Anwar. Hindi makatingin si Anwar sa kanila dahil sa hiya.
Napahilamos sa kaniyang mukha si Earl.
"This is getting worse."
***
"Excited na ako sa birthday mo."
Sinusuklay ni Tanya ang mahabang buhok ni Cindy.
"You don't have to do this," sabi ni Cindy sabay hawak sa kaniyang buhok. Nakaharap sila sa salamin sa kuwarto ni Cindy.
"Okay lang, gusto kong suklayin ang buhok mo."
Cindy smiled at her while staring at their reflection in the mirror. Ito ang kauna-unahang matutulog si Tanya sa bahay nina Cindy.
"'Di ba, may eighteen roses ka?"
"No. Simpleng party lang, iilan lang ang invited."
"Sayang naman. Akalain mo 'yon, bongga ang mga birthday parties mo since childhood tapos kung kailan ka naman magiging eighteen 'tsaka naman simpleng party lang."
Cindy smiled. Napabuga siya ng hangin. "Alam mo bang akala ko noon ay masayang mag-birthday na maraming handa at maraming bisita, pero mali ako." She stared at Tanya through the mirror. "Kahit simple lang na celebration, ang importante ay kasama ko ang mga taong malalapit sa akin."
Tanya smiled genuinely. "Hindi ko talaga akalaing magbabago ka. Hindi kita gustong ma-offend, masaya ako dahil nahanap mo ang pagmamahal sa puso mo."
Cindy's heart starts to flutter. "Tama ka. Dati akala ko ay masaya ako dahil mayroon sina Seth at Anwar pero mas masaya pala kapag bubuksan ko sa lahat ng tao ang puso ko."
Tanya sat down beside Cindy. "Kumusta naman ang puso mo?"
Napakunot ang noo ni Cindy. "What do you mean?"
Tanya giggled. "Si Seth. 'Di ba, crush mo siya? Sabihin mo, siya na lang ang escort mo. Kung wala kang eighteen roses, escort na lang."
Cindy shook her head. "I-I c-can't. Nahihiya ako."
"Bakit naman? Magkababata kayo, escort lang naman."
Bumuntong-hininga si Cindy. "I don't know. Mula nang maramdaman kong crush ko siya ay mas napalapit na lang ako kay Anwar."
Hinawakan ni Tanya ang mga kamay ni Cindy.
"If you never try, you'll never know."
***
"Can I talk to you?"
Tumango si Earl at pinapasok si Cindy sa kaniyang bahay. Umupo si Cindy sa sofa habang nakayuko ang ulo. Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay sa loob ng dibdib niya.

BINABASA MO ANG
The River of Truth
Novela Juvenil"The most dangerous liars are those who think they are telling the truth." Lying is frequently characterized as selfish behavior. However, it became a habit for three youngsters. They believe lying is necessary, and they are unconcerned about the fe...