A Hopeful Promise

49 12 155
                                    


"Ang sakit ng ulo ko."

Bumangon si Anwar at nakita niyang bumuka ang mga mata nina Seth at Cindy. Magkakatabi silang nakahiga sa isang mahabang kama.

"What happened?" Cindy asked. A throb of pain shot through her head." Bumangon na rin si Seth.

Walang nang nakapagsalita sa kanilang tatlo.

ILANG sandali ay bumukas ang pinto at pumasok sina Earl at Rafael na may dalang mga pagkain mula sa isang fast food reastaurant.

"Kiddos! Okay na ba kayo? May masakit ba sa katawan n'yo?" Earl walked towards them and sat on the bed.

"Ano'ng nangyari, sir?" tanong ni Anwar kay Earl.

"Bigla na lang kayong natulala kanina no'ng nakita n'yo ang ilog," tugon ni Earl.

They stared at Earl with wide eyes. Cindy had panicky thoughts but she remained calm.

"This is very alarming," Rafael stated.

Natahimik silang lahat. Parang drum ng tambol ang bawat pagtibok ng puso ng tatlo.

"Kumain na muna kayong tatlo. Gabi na at iuuwi ko na kayo," Earl said.

Walang gumalaw sa tatlo.

"Ano'ng naramdaman ninyo no'ng pumunta tayo sa ilog?" tanong ni Rafael sa kanilang tatlo.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan.

"Conscience," parehong sagot nina Cindy at Anwar.

Rafael fell silent. Natulala naman si Earl.

Ilang sandali ay napahilamos sa kaniyang mukha si Earl. "Ipangako ninyong magbabago na kayo. Kailangang masolusyunan natin ito, okay?" 

The three answered in unison.

"Promise."

***

"Nanalo po kayo sa botohan. Congratulations po, sir. Kayo po ang nasa number one na nanalong Senador."

"Salamat, Victor." Isang matagumpay na ngisi ang gumuhit sa bibig ni Vince.

Iniisip niyang makapangyarihan na siya ngayon.

"Ang lahat ay nasa kamay ko na."

***

"Sorry nagsinungaling ako."

"'Di ba, may usapan na tayo, Anwar. We will never lie again! Pa'no kung buhay pala natin ang nakataya?" madiing pagkasabi ni Seth.

Cindy stood beside Seth. Kung noon ay lagi siyang kampi kay Anwar pagdating sa kalokohan, ngayon naman ay nakikita na niya ang tama at mali.

"Natakot kasi ako." Anwar pulled a wry face. "Natuwa sila sa grades ko, mga dude."

Napamura si Seth sa kaniyang sarili. Pinipigilan niya ang matinding inis na nararamdaman niya.

"Hindi na tayo dapat magsinungaling alam mo 'yan! Lying have consequences!" Seth said seriously.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, Anwar!" naiinis na pagkasabi ni Cindy.

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon