"Mas nakalilito na ang sitwasyon."Rafael emtied a bottle of white rum into his glass. Umiinom sila ni Earl sa bahay ni Rafael.
"Hindi ko na alam. Ayoko nang mag-isip," sagot ni Earl.
"You're giving up?"
Earl sighed. Pinaikot niya ang ice sa kaniyang baso. "Nope. Hindi sa gano'n. Naiinis ako sa sarili ko."
"'Wag kang mainis sa sarili mo."
Earl looked at Rafael, giving him 'are you serious' gaze.
"I can't help it." Bumuntong-hininga siya. "Maiba tayo. Tingin mo ba, nawala na ang bisa ng kasinungalingan nila? Kasi hindi tumalab ang sinabi ni Cindy?"
"I don't know. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganito."
"Kailangan na nating magmadali," wika ni Earl.
Napabuntong-hininga si Rafael. "You're right. Hindi natin alam kung sino'ng kalaban natin, so we must double our efforts. Kung 'di natin kayang makita sa harapan natin ang kasagutan, kailangang . . ." he looked at the clear glass sa harap niya.
". . . kailangang tumingin tayo sa likod ng katotohanan."
***
"Paano kaya nangyari 'yon? Paanong hindi na tumalab ang kasinungalingan mo?" tanong ni Anwar kay Cindy.
"I don't know, umasa pa naman ako."
Nag-uusap sina Anwar at Cindy sa bleachers ng open field sa loob ng kanilang school. Katabi nila si Seth na malalim ang iniisip.
"Pero sino kaya talaga ang tatay mo, ano? Maaaring isa kina Tito Vince at Sir Earl."
"Sana nga si Sir Earl na lang," malungkot na sinabi ni Cindy.
"Ngayon ko lang naisip kung gaano kaimportante ang katotohanan." Napatingin sila kay Seth dahil sa sinabi niya. He was staring at the athletes who were practicing in the track and field.
"It's easy to lie. It's very easy to deceive someone para makuha natin ang mga gusto natin, but the truth will always remain the truth. Bihisan mo man ito ng kasinungalingan, lalabas pa rin ito. Pero ang mabuhay na hindi mo alam ang katotohanan ay parang buhay na niloloko." He looked at Anwar and Cindy. "Ganito pala ang pakiramdam ng mapaglaruan. Hindi natin alam kung sino'ng totoo mong tatay. Hindi natin alam kung ano'ng nangyayari sa atin. Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong pinapaikot natin noon."
"You're right. It's frustrating as fuck." She cleared her throat and looked down. "Mahirap pala ang mapaikot. Hindi ko expected na malalagay ako sa situation na hindi ko alam kung sino ba ang tunay kong father. Sa mga taong nasaktan ko naman, I can't even look in their eyes."
Napatingin naman si Anwar sa open field. "Ako naman, ganito pala kasakit ang ginagawa ko sa mga babae noon. Para akong nakakulong at binubugbog sa sarili kong puso. Hindi ko makuha ang taong mahal ko. Hindi ko siya gusto pero mahal ko siya. Ang mga parents ko naman, ipinakita ko kasi kung gaano ako kawalang kuwenta kaya pilit silang gumagawa ng paraan para diktahan ako dahil akala nila ay ganito lang ako."
The three teenagers became silent. Tears wanted to escape from their eyes.
Sabay-sabay silang nagsalita habang nakaharap sa kawalan.
"Sorry."
***
"Ang River of Truth ay dumadaloy sa kanilang mga puso. Kung ano'ng ipinaramdam nila sa ibang tao, ang siyang umagos pabalik sa kinailaliman ng kanilang mga diwa."
"Ngayon ay mas naintindihan ko na, Sir kung bakit naparusahan sila gamit ang River of Truth."
Napatitig ang dalawang taong nag-uusap sa crystal na may lamang tubig sa loob. Ilang minuto nilang pinagmasdan ang tatlong kabataang nakararamdam ng pagdaloy ng River of Truth sa kanilang mga puso.
"Ang katotohanan ay may mukha . . . sa harapan man o sa likuran."
***
"Honey, malapit na ang eighteenth birthday mo. Ano'ng gusto mong theme ng party mo?"
Napatigil sa kaniyang pagkain si Cindy. Isang linggo na lang at kaarawan na niya.
"Just a simple one, Mom. A simple dinner kasama po sina Tanya, Seth at Anwar. Tapos sina Lola, Sir Earl at Sir Rafael, pati na rin po ang family ni Tanya"
Sera was speechless. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Cindy. Taun-taon ay naghahanda ng magarbong birthday party si Sera dahil iyon ang laging hinihiling ng anak.
"But, it's your eighteenth birthday, honey. We should celebrate a party for you."
"Mom, mas gusto ko ang simple na lang ngayon."
"A simple birthday party. Please, honey?"
Cindy smiled warmly. "Okay, Mom."
"Thank you, honey. I promise, magiging masaya ka sa iyong debut."
***
"I like you."
Cindy was in a state of shock. "What?"
Anwar became clueless. Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi niya maintindihan ang biglang pagkirot ng kaniyang puso.
"Holy shit! Bakit gusto kita?" He hit his forehead with the palm of his head.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit mo sinabi 'yon Baka magkatotoo!" Her rage simmered.
"Gusto kitang pakasalan." Napatakip na sa kaniyang bibig si Anwar.
"Son of a bitch! Stop! Ano ba, Anwar!" Kumuyom ang kaniyang kamao. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniyang kaibigan. Huminga siya nang malalim, na parang gusto niyang sapakin si Anwar.
Nasa swimming pool area sila ng bahay nina Cindy. Hinihintay nila si Seth.
"P'wede ba, hindi na ako natutuwa!"
Tears welled up in his eyes. "Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon! Please . . . I'm confused."
"Confused? Ang laki na nga ng problema natin!"
"Ano'ng nangyayari dito?" Dala-dala ni Seth ang isang tray ng pagkain. Nilapag niya ito sa lamesa at lumapit sa dalawang kaibigan.
"I love Cindy."
Nanlaki ang mga mata ni Cindy dahil sa sinabi ni Anwar, samantalang nagsalubong naman ang mga kilay ni Seth.
Napaatras ang mga paa ni Anwar. Hindi niya akalaing lumabas iyon sa kaniyang bibig.
"Ano'ng nangyayari sa 'yo? Hindi ba sinabi ko sa 'yo na mag-iingat ka sa mga sinasabi mo?" Dahan-dahang lumapit si Seth kay Anwar at hinila ito sa kaniyang T-shirt.
"Please stop! Ano'ng nangyayari?" Tears welled up in her eyes.
"Hindi ko alam. Basta sinabi kong mahal ko siya, hindi ko siya mahal, mahal ko siya." Nanginginig ang mga kamay ni Anwar.
Nagkaroon ng matinding pag-apoy sa puso ni Seth at isang malakas na suntok ang kaniyang pinakawalan na tumama sa mukha ni Anwar. Napatakip ng bibig si Cindy at agad na hinila si Seth sa braso pero nagulat silang tatlo nang galit na nagsalita si Seth.
"You're the problem, bastard!"
^•^
BINABASA MO ANG
The River of Truth
Jugendliteratur"The most dangerous liars are those who think they are telling the truth." Lying is frequently characterized as selfish behavior. However, it became a habit for three youngsters. They believe lying is necessary, and they are unconcerned about the fe...