The Awareness of Pain

13 6 0
                                    


"Dad,"

"Come in."

Pumasok si Cindy sa opisina ng kaniyang ama. Hindi tumitira si Vince sa bahay ni Sera dahil sa dami ng kaniyang trabaho. Dalawang araw mula nang bumalik si Vince ay ramdam ni Cindy na hindi talaga siya mahal ng kaniyang ama. Inilibot niya ang kaniyang paningin. Isang pahabang lamesa at mga upuan ang makikita sa maluwang na opisina. May malaking vase sa tabi ng pintuan at may isang painting ang nakasabit sa dingding. Walang masyadong disenyo na makikita, pero ramdam ang bigat ng atmospera sa loob.

"What brings you here?" Bukas pa sana ako dadalaw," walang ganang pagkasabi ni Vince.

"Dad."

"Yes?" Vince stared at her impatiently.

"I love you."

Tatlong salita na gusto niyang sabihin sa kaniyang ama mula pa noon.

Vince laughed without humor. "Ang drama mo pala, Cindy."

Pain shot through her. She was wrong all along.

She moistened her lips.

Vince on the other hand doesn't feel anything special. Family was on his least priority. Hindi niya alam kung bakit, ngunit bigla na lang siyang bumalik sa buhay ng mga Laurel.

"Why did you leave me?"

His mouth twisted in a satirical smile.

"Ano 'to, Cindy? Alam mong wala akong oras sa mga ganyan. You shoudn't bring up the past. Stop thinking about the past. You should be thankful na buo na tayo."

Cindy nodded her head. Hindi na niya alam kung matutuwa ba siya o hindi.

"Umalis ka na. Marami pa akong gagawin. Dadalaw na lang ako bukas."

"Okay, Dad."

Tumayo na si Cindy at mabilis na lumabas ng opisina ng kaniyang ama.

Napahinto siya at napatitig sa kawalan. Nang makita niyang may paparating na ibang tao ay patakbo siyang bumaba ng hagdanan palabas ng gusali. Hindi na siya gumamit ng elevator. She was unable to control the sobs that ravaged her body. She was deeply hurt.

NANG makalabas siya ng gusali ay agad siyang tumawid ng kalsada. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang tanging gusto niya ay makahinga.

Napatigil siya sa pagtakbo nang may humawak sa kaniyang braso.

"S-Seth?"

"Why are you crying?"

Sinundan niya ang kaibigan nang magpaalam itong may pupuntahan.

Her mouth felt dry and her knees weak. "He doesn't love me, Seth."

She covered her face with her hands as she cried in despair. Seth stepped forward and removed Cindy's hands from her face. He slowly laid her head on his chest and hugged her in a warm embrace.

"Let's go home. Doon tayo mag-usap."

***

"Here."

Inabot ni Seth kay Cindy ang isang baso ng iced tea.

"Thanks."

Seth sat beside her. Gabi na, ngunit hindi pa rin umuuwi si Cindy sa kanilang bahay. Inuwi muna siya ni Seth sa kanila.

"Inumin mo na 'yan. Ihahatid kita mamaya. Call Tita Sera para hindi siya mag-alala."

"I already texted her." Dahan-dahang ininom ni Cindy ang iced tea.

"Hindi ko alam ang nararamdaman ko. I can't compose myself."

Napabuntong-hininga si Seth. "Kung minahal ka niya, noon pa sana siya bumalik. Ang masama pa ngayon, Tita Sera and Sir Earl's relationship vanished like a bubble. Your mom is suffering right now. Litong-lito na rin siguro siya."

Kinagat-kagat ni Cindy ang dulo ng straw. Sa buong buhay niya ay ngayon siya nakaramdam ng matinding bigat ng damdamin, isang emosyong ayaw sana niyang maramdaman.

"I'm a monster."

Napatingin siya kay Cindy. Naubos na ni Cindy ang iced tea.

Kinuha niya ang baso mula sa kamay ni Cindy. "Don't say that. Magkakasama na tayo since childhood. Hindi ka—"

"Stop Seth!"

Cindy looked at him. Her eyes full of different emotions. "Don't . . ." She closed her eyes. "Please don't feed me with beautiful words. Hindi 'yan ang kailangan ko ngayon."

He took her hand and squeezed it softly. He smiled. A painful smile but he must be strong for Cindy.

"Okay. We will conquer the pain together."

***

"Mom, are you okay?"

Nang dumating si Cindy ay sinabi ng kanilang katulong na hindi kumain ng hapunan si Sera. Agad siyang nagtungo sa silid-tulugan ni Sera.

Nadatnan niyang nakahiga si Sera sa kaniyang kama. Agad siyang umupo nang dumating ang anak.

"Honey, you're here." She tried to smile. Namamaga ang mga mata ng kanyang ina. It was obvious that she was crying.

Cindy sat in the bed across her mother. "Mom, I didn't know that you and Sir Earl were in a relationship."

Sera looked down and sighed. Silence ruled over them.

"I'm sorry, honey kung itinago namin sa 'yo."

Cindy stared at her mother. Ngayon lang sila nakapag-usap na hindi naiinis ang puso ni Cindy.

"What happened, Mom?"

"Nang bumalik si Vince, naisip kong isantabi muna ang pagmamahal ko kay Earl. Nabasa ko noon ang diary mo, anak. Isa sa mga hiling mo ay magkaroon ng ama at hihintayin mo ang pagbabalik ni Vince."

"What? You did that for me?" Tears spilled down her cheeks.

Sera smiled through her tears. Both of them are crying. "I love you, anak."

"But, you don't love, Dad, right? You love Sir Earl?"

"It doesn't matter, honey. The important thing to me is your happiness."

Cindy hugged her mother. Hindi na niya mapigilan ang pagkaguho ng mga semento sa kaniyang puso. Alam niyang dahil sa kaniya ay nagkabalikan ang kaniyang ama at ina, ngunit ngayon ay naunawaan niya ang isang bagay na hindi niya kailanman pinapasok sa puso niya. Ang pagmamahal ng kaniyang ina sa kaniya ang isang bagay na hindi niya gustong maramdaman dahil natatakot siyang muling maiwan at hindi mahalin. Ngayon ay bumalik na ang sakit ng lahat-lahat ng ginawa niyang pag-iwas sa pagmamahal ng kanyang ina noon.

"I'm so sorry, Mom."

"I'm so sorry."

^•^

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon