Acceptance and Transformation

45 14 144
                                    


"Saan ba nagsimula ang lahat?"

Seth and Cindy stared at Anwar. Wala sa kanilang tatlo ang nakaaalam kung saan nag-umpisa ang pagbaliktad ng kasinungalingan nila.

"I think nagsimula ang lahat nang sinabi mo na naaksidente si Tita Sera," sabi ni Seth kay Cindy.

"Ano na ba'ng ginawa natin bago 'yon?" Anwar asked.

"Naligo tayo sa ilog at dumating si Sir Earl," Cindy answered in a dry tone.

They were watching a movie in Seth's home theater. Dalawang buwan na ang nakalipas mula nang maligo sila ay unti-unti na nilang napagtatanto na may maling nangyayari sa tuwing nagsisinungaling sila.

"What if bumalik tayo do'n," Anwar suggested.

"Baka mamaya ay may mangyari pa sa 'tin," Seth stated.

"Pero hindi natin alam ang gagawin kung 'di tayo pupunta. Kapag hindi tayo nagsisinungaling ay napapahamak tayo. Kung magsisinungaling naman tayo ay nagkakatotoo ang mga sinasabi natin," napalakas na ang boses ni Anwar. Naiinis na siya dahil pati emosyon niya ay naaapektuhan. Hindi na niya magawang tumingin sa ibang babae. Tanging kay Tanya lang tumitibok ang kaniyang puso.

"Siguro parusa na sa 'tin 'to," sambit ni Seth.

"Wow. So sinasabi mong tayo lang ang nagsisinungaling? Gano'n na ba kabigat ang mga kasalanan natin at tayo ang piniling maparusahan? It's not fair!" Cindy said in dismay.

Naiinis na si Cindy lalo at nakikita niyang umiiyak ang kaniyang ina gabi-gabi. Tuluyan nang lumambot ang kaniyang puso para kay Sera, kaya ngayong gusto niyang maging masaya ang ina ay alam niyang siya ang nagkait ng bagay na iyon.

Seth leaned over her. His close proximity sent her heart racing. Ito rin ang isa sa mapait na katotohanan. 

Ang pagmamahal niya kay Seth ang siyang magtutuldok sa pagkakaibigan nila.

"I'm sorry. I'm just stating a fact."

She nodded, unable to open her mouth.

"Alam ko na!" Anwar exclaimed in wonder. "Humingi tayo ng tulong kay Sir Earl."

Seth looked at him. "May dinaramdam siya ngayon."

Anwar smiled bitterly and looked straight at them.

"Kailangan nating pagaanin ang loob niya," wika ni Anwar.

"Para matulungan tayo?" Cindy asked in a sarcastic tone.

"Nope."

Anwar made a serious face.

"Because, we love him."

***

"May kailangan ba kayo sa 'kin at kailangan n'yo 'kong bigyan ng cake?"

May bilog na cake sa lamesa na in-order nila sa isang mahal na bakery. Pinasadya pa nila ang 'be happy' na nakasulat sa ibabaw ng cake. Gawa ito sa gold edible beads. Nakaupo siya sa harap ng table habang nakatayo ang tatlo sa harapan niya.

"Opo, sir. Sana ay 'wag na kayong maging malungkot," Anwar smiled.

"Hindi n'yo kailangang gawin 'to, but thank you. Na-appreciate ko ito." Earl smiled. Inaamin niya sa sarili niyang bigla siyang sumaya dahil sa tatlong teenagers na kaharap niya. His heart was full of comfort.

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon