Emotion in Mental Pain

49 13 99
                                    


"Ano'ng gagawin mo ngayon?"

"I don't know. Bigla tuloy akong nailang kay Anwar." Cindy heaved a deep sigh.

Sabay silang kumakain ng meryenda ni Tanya sa canteen. Napapatingin ang lahat ng estudyante kay Cindy dahil hindi nila ito masyadong nakikita sa canteen noon. Komportable na si Cindy na kasama si Tanya.

"Grabe 'no? Uso pa pala ang arranged marriage ngayon, pero sabagay, gano'n daw kasi sa mga mayayaman para mapanatili ang kayamanan within the family or 'yong mas mapapalago ang pera. Ginagawang investment ang mga anak," komento ni Tanya.

Cindy remained silent. Nakatitig lang siya sa kaniyang vegetable salad. Naaawa si Tanya sa hitsura ni Cindy. Kahit masama ang ugali nito ay nararamdaman na niya ang pagbabago ng kaibigan.

"May pinabibigay pala si Nanay para sa 'yo." Inilabas ni Tanya ang kakanin mula sa kaniyang bag.

Cindy cringed when her eyes fell on the food.

"Suman ito, isang uri ng kakanin."

Tiningnan niya ang pagkain na nabalot sa berdeng dahon ng saging.

"Malinis ba 'yan?" Cindy asked awkwardly. Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. Bigla siyang nainis sa kaniyang sarili dahil 'di niya napigilan ang kaniyang matabil na dila.

'Damn mouth', she thought.

Tanya laughed softly. "Ikaw talaga, oo naman."

Cindy smiled politely and grabbed the food. Dahan-dahan niyang tinanggal ang dahon na nakabalot sa suman.

'Sticky,' she thought.

Tinikman niya ito at nasarapan siya sa lasa.

"It tastes good. Sabihin mo kay Tita Yana, salamat."

Napatitig si Tanya kay Cindy. Hindi niya akalaing lumabas iyon sa bibig niya.

"Sabi na nga ba, mabait ka."

Cindy kept silent. It was the first time that someone compliment her, not by her looks, but about her character. Tila walang epekto sa kaniya kapag ang hitsura niya ang pinupuri. Nakalalambot ng puso kapag ugali ang napapansin ng tao.

"Uy, ano'ng nangyari sa 'yo, natulala ka?"

Cindy smiled. "Thank you."

Napangiti rin si Tanya dahil sa tuwa.

"Alam mo, Cindy, a good heart keeps you beautiful forever."

***

"Mom, ayaw ko pong maikasal kay Anwar."

"Yes, honey. Gagawin ko ang lahat para hindi ka maikasal. Nagtataka lang ako dahil legal na ang custody ni Vince sa 'yo."

Cindy suddenly felt nervous. "What do you mean, Mom?"

Sera's eyebrows drew together with worry. "Hindi ka na isang Laurel. Tiangco na ang nakalagay sa papers mo!"

Cindy stared at her mom, too shocked to speak.

"Sinabi ko na ito kay Earl. Hindi naman ako nagpabaya pero bigla na lang nangyari. I'm talking to my lawyer para maayos ito, honey."

"Thank you, Mom."

May ibang nararamdaman si Cindy. Takot at pangamba ang mga unang kumatok sa puso niya. Sera smiled at her daughter. Sa kabila ng problema ay masaya siyang maayos na ang samahan nilang mag-ina.

Sera hugged her and whispered to her ear.

"You are my beautiful daughter."

***

"Mas komplikado na ang buhay ko ngayon."

"Ano ba kasing nakain ng papa mo?" Cindy sighed.

"Ewan ko. Maglayas na lang kaya ako."

"As if naman kaya mong mabuhay mag-isa."

Habang abala sina Anwar at Cindy na nag-uusap ay tinitingnan naman ni Seth ang graduation picture ni Rafael na nakalagay sa sala.

"Ang guwapo ko ba, Seth?" Rafael's voice startled him.

"Opo. Ang ganda ng ngiti ninyo."

Rafael's lips twisted into a lopsided smile. He can feel something about the boy in front of him. "Alam mo bang hindi Education ang gusto ng Papa ko para sa 'kin."

Nakatingin si Rafael sa graduation picture niya.

"A-ano pong gusto ng papa niyo?" A sense of familiarity hit him.

"Gusto niya akong kumuha ng Business Administration dahil mayroon kaming restaurant."

Seth fell silent. Nakasukbit ang kaniyang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon.

"Nagrebelde ako dahil Education ang gusto ko, pero dinidikta ang course ko. But my father never gave up on me. Naglayas ako at nakitira sa mga barkada ko. I thought nakuha ko na 'yong freedom. Nag-sideline ako para mapag-aral ang sarili ko. I thought he was a manipulator. Hanggang sa sinabihan ako ni Earl na walang hinahangad ang parents natin kundi ang mapabuti tayo. Minsan may mali rin sila, pero kadalasan, gusto lang nila tayong mapabuti. 'Tsaka hindi ko rin napag-aral ang sarili ko dahil ang yabang ko, feeling ko kaya ko na. I went home para humingi ng tawad but it was too late." He looked at Seth. His throat tightened in unshed tears of sorrow. Time never came to heal him.

"Naabutan ko siya sa kaniyang death bed. Kaya pala gusto niyang ako ang mamahala sa restaurant ay dahil may cancer siya. Handa na ako noon na mag-aral ng Business but it was too late. Ibinenta na niya ang restaurant namin para may pang-aral ako ng Education. Sa kabila ng ginawa ko sa kaniya ay ang kapakanan ko pa rin ang iniisip niya. Pinatawad niya ako kahit na hindi pa ako humihingi ng tawad."

Seth found the answer to his never ending question to his self.

"Sinabi ko kay Papa na mag-aaral pa rin ako ng Business, pero humingi siya sa akin ng pangako—a promise to fulfill my dream and my happiness. Dahil para sa kaniya, ang kaligayahan ko ay kaligayahan din niya."

Seth realized something from Rafael's experience.

"Alam ko na hindi kayo malapit ng daddy mo. I am not saying this for you to give up what you want. Let your father enter your heart. Kung may iba kang gustong pangarap, tell him. Show him that you are capable of attaining your dreams. Masakit man sa kaniya, at least hindi ka mapapalayo, hindi mo siya masasaktan nang todo. Tingnan mo rin kung ano'ng rason niya. Basta ang alam ko, gusto ka lang niyang mapabuti. Kung wala ka pang pangarap, find your self first. Forgive your father and be a good son."

Seth nodded. Gumaan ang loob niya na pabigat nang pabigat mula nang maging teenager siya.

"Thank you sir. I will."

Rafael smiled at him. Nakikita niya ang kaniyang sarili noon kay Seth.

"About the marriage." Bumuntong-hininga si Rafael.

Natulala naman si Seth sa sinambit ni Rafael.

"Alam ko ang nararamdaman mo. Mahirap nga naman kalimutan ang pagmamahal na iningatan mo na mula pagkabata."

Napayuko si Rafael. "Sana makagawa tayo ng paraan. Bata pa si Cindy at kailangan niyang maging malaya. Bukod sa sobrang sakit sa kaniya at kay Anwar, alam kong nasasaktan ka rin."

Seth remained silent. Iniisip niyang tunay ngang magaling si Rafael.

"Yes sir. Hindi rin po ako handang manligaw, pero kaibigan ko pa lang siya ay ganito na kasakit."

Napangiti si Rafael, ngunit hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.

"If there's no pain, there's no love."

^•^

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon