Lies require commitment

77 16 161
                                    


"Honey, aalis ka na?"

Napalingon si Cindy sa kinatatayuan ng kaniyang ina.

"Yes, Mom."

Lalabas na sana siya nang biglang nagsalita si Sera.

"Hindi ka ba kakain ng breakfast?" She hummed sweetly.

Huminga nang malalim si Cindy. Hangga't maaari ay iniiwasan niya ang kaniyang ina.

"Sa school na lang. May group meeting kami para sa project namin," pagdadahilan ni Cindy. She lied, because she dislikes eating with her mom.

Malungkot na tumango ang kaniyang ina.
Hindi na alam ni Sera kung paano pa niya aamuhin ang anak. Sera is a famous socialite. Maaga siyang nabuntis at kailangan niyang itago ang tungkol sa kaniyang anak para pangalagaan ang pangalan na iniingatan. She has a brilliant reputation among her fellows, kaya wala na siyang nagawa kundi ang itago ang anak sa ibang bahay. Lumaki si Cindy na ang tanging kasama ay ang kaniyang lola at mga katulong.

Vince, the father of Cindy doesn't want to recognize her daughter. He is a highly ambitious politician na nakabuntis kay Sera in a one night stand.

When Sera realized the value of her daughter, it was too late. Tumigas na ang puso ni Cindy. Wala namang nagawa si Cindy nang kunin na siya ni Sera noong thirteen years old na siya at ipinakilala sa mga tao.

"What time are you coming home?"

She rolled her eyes in disbelief. She can't stand conversing with her mother.

"Early, Mom." She faked a smile.

Napangiti ang kaniyang ina. "I will cook dinner for you, honey."

Cindy nodded with her eyes closed.

"Sure."

💍

"Mababagsak na kayong tatlo sa subject ko at hindi lang sa akin kung ipagpapatuloy n'yo ang ganyang mindset," madiing pagkasabi ni Earl.

The three teenagers remained silent. Sa lahat ng naging teachers nila ay si Mr. Earl Blanko ang tanging takbuhan nila kapag sila ay nagkakaproblema.

It's funny how they regard him as a father figure.
May mga ama sila, pero sa ibang tao sila nakapaghanap ng kalinga. Pero hindi nila gustong aminin na magaan ang pakiramdam nila sa kaniya. Mula pa noong Elementary sila ay nakita na ni Earl kung paano sila lumaki at nag-aalala rin siya sa kinahinatnan ng kanilang mga pag-uugali.

"But you can help us, right?" Cindy said, raising her eyebrows.

Tiningnan lang siya ni Earl at napabuga ng hangin.

"No."

Napasandal si Anwar sa kaniyang upuan, samantalang tahimik lamang si Seth na nakikinig.

"Wala akong control sa ibang subjects n'yo! For heaven's sake mag-mature na kayong tatlo!"

Seventeen years old na silang tatlo, nasa senior high school under the strand of ABM dahil iyon ang kagustuhan ng mga magulang nila.

"I've had enough of your nonsense, sir," naiinis na pagkasabi ni Cindy. Sa kanilang tatlo ay si Cindy ang may pinakamasamang ugali. Hinampas niya ang desk ng kaniyang upuan.

Napahawak si Earl sa kaniyang sentido. He's forty-one years old, not yet married, pero pakiramdam niya ay nagpalaki siya ng tatlong batang matitigas ang ulo. Naging takbuhan nila siya mula pa noon. He have no other choice kundi ang tulungan sila palagi.
Isa pang dahilan kaya sila pumapasa ay dahil na rin sa kapangyarihan ng kanilang mga magulang.

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon