"Mom, I want you to meet my friend."Dinala ni Cindy si Tanya sa kanilang bahay na siya namang ikinagulat ni Sera.
"G-good afternoon po, tita. A-ako po si Tanya."
Sera smiled warmly. Natutuwa siya na may kaibigan na si Cindy bukod kina Seth at Anwar.
"Hello, Tanya. Nice to meet you," malambing niyang pagkasabi. Parang natutunaw na yelo ang bumabalot sa boses niya.
"N-nice to m-meet you rin po. N-napakaganda n'yo po pala sa personal."
Nagpalitan ng ngiti sina Sera at Cindy.
"Thank you, iha. Magmeryenda muna kayo."
"Thank you, Mommy. Doon muna kami sa room ko kasi gagawa po kami ng assignment."
Muling napangiti si Sera. Nakikita rin niya ang malaking pagbabago sa kaniyang anak. Nag-aaral na itong mabuti.
"Okay, honey. Dadalhan ko na lang kayo ng meryenda." Napatingin siya kay Tanya. "Join us for dinner later, Tanya."
"O-okay po, Tita. Thank you po."
NIYAYA ni Cindy si Tanya sa loob ng kaniyang kuwarto. Nanlaki ang mga mata ni Tanya nang makita ang malawak na kuwarto ni Cindy. Kulay rosegold ang buong dingding at mataas ang ceiling. May mga iba't ibang kulay ng scented flowers malapit sa kama ni Cindy. May nakahiwalay na walk-in closet at kasya pa ang isang set ng sofa malapit sa pintuan. Hindi niya maiwasang mapamangha. Para siyang nasa loob ng isang fairy tale. Tumabi siya sa upuan sa harap ng study table ni Cindy.
"Wow, ang laki ng kuwarto mo! Kasing laki ng bahay namin."
Cindy laughed softly. "Yeah, it looks big. Araw-araw akong umiiyak sa room na 'to no'ng bata ako."
Tanya's face became serious. She felt a sudden pity towards Cindy. "Dahil ba sa itinago ka ng mommy mo noon? Laman kayo ng balita nang ipakilala ka na niya sa public."
Cindy started to scribble on her notebook. "Yeah. Sobrang nasaktan ako noon. Parang fairy tale kasi ang buhay ko, para akong princess dahil nasa akin na ang lahat . . . but I'm alone. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako masasaktan." She looked at Tanya. "Napagod na kasi ako."
Hinawakan ni Tanya ang kamay ni Cindy.
"Sina Anwar at Seth ang nakasama kong harapin ang lahat. Maybe, we're friends because we're kids with issues. Lahat kami patapon. We're always thinking na tama kami palagi. Isinisi namin 'yong actions namin sa parents namin. But one day, bigla na lang nagbago. Kami talaga ang mali." She blinked back a tear, but it escaped and slid down her cheek. "We're assholes with lying h-habits." Her voice broke.
Niyakap siya ni Tanya at hinaplos nang marahan ang kaniyang likod. "Lahat ng tao ay puwedeng magbago, ang importante ay nakita niyo ang tamang daan."
Bumitiw si Cindy at ngumiti. "Na-realized ko kung gaano ko kamahal si mommy at masaya ako kahit na dadalawa lang kami."
Tanya smiled too. Masaya siya dahil masaya si Cindy.
"Keep moving, Cindy. Mahahanap mo rin ang kaligayahan."
Cindy smiled.. a smile that reached her eyes. "Thank you for listening to me."
Napangiti si Tanya at hinaplos niya ang malambot na buhok ni Cindy.
"You're welcome. I'm your friend."
***
"Sir, mukhang nagbabago na sila. Kailanman ay hindi talaga tayo binigo ng River of Truth. Tama lang na hindi parusa ang dapat para sa kanila kundi ang ilog na ito."
BINABASA MO ANG
The River of Truth
Roman pour Adolescents"The most dangerous liars are those who think they are telling the truth." Lying is frequently characterized as selfish behavior. However, it became a habit for three youngsters. They believe lying is necessary, and they are unconcerned about the fe...