"Mom! Why did you agree on that stupid community service? Don't you care about me?" pasinghal na pagkasabi ni Cindy sa kaniyang ina.Napapikit muna si Sera at pinakalma ang kaniyang sarili bago nilingon ang anak.
"Can you calm down, honey?" she said in her sweetest voice.
Lumapit lalo si Cindy sa ina. "No!"
Isinara muna ni Sera ang kaniyang laptop.
"Imbes na ma-suspend kayo ay binigyan na lamang kayo ng three-day community service. You should be grateful dahil hindi na nagreklamo ang mga magulang ng mga kaklase n'yo and the teachers were very understanding." Her voice was surprisingly calm.
Cindy put her hands over her ears. Nagpadyak siya nang ilang beses sa sahig.
"And do you believe those idiots? Yes, masama kami, but we don't give a damn about them! 'Yung sinasabi nilang verbal bullying, they provoked us!"
Kung saan-saan na itinuturo ni Cindy ang kaniyang daliri. Lumaki rin ang kaniyang mga mata at nagmumura ang kaniyang paningin.
Sera was almost speechless with anger.
"I am not buying your story. Mula pa noon ay nagsisinungaling ka na sa akin!"
Pinagkrus ni Cindy ang kaniyang mga braso sa ibaba ng kaniyang dibdib.
"So, you don't trust me, Mom?" Siningkitan niya ng mata ang ina.
"It's for your own sake, honey. Maglilinis lang kayo." She tried to maintain her composure.
"Hindi nga ako naglilinis dito tapos paglilinisin n'yo ako sa ibang lugar!" A note of panic crept into her voice.
A frown creased Sera's forehead. Hindi niya lubos akalaing bumabalik na sa kaniya ang karma ng ginawa niya kay Cindy noon. At kahit na ibigay niya ang lahat ng luho para makabawi kay Cindy ay naging daan naman ito para mas lumala ang ugali ng anak.
"Hindi ako pupunta!"
Natulala si Cindy nang biglang naging seryoso ang mukha ng malambing na ina.
"You will."
🤥
"Hot damn!"
Napahagalpak sa pagtawa sina Cindy at Anwar nang umiiyak na lumabas ng classroom si Myrna. Basang-basa ang bag niya ng orange juice na inilagay nila sa kaniyang bag. Kaklase nila si Myrna, ang pinakasumbungera sa klase. They knew how she played the game. Number one na teacher's pet sa klase. Lumabas sina Cindy at Anwar at hinarangan nila ang daraanan ni Myrna.
Napakuyom ang kamao ni Myrna dahil alam niyang kagagawan ito nina Cindy at Anwar.
"Grabe, mga wala kayong puso! Basang-basa lahat ng notebooks at libro ko!" pasinghal niyang pagkasabi.
"'Yang bibig mo kasi," tumatawang pagkasabi ni Anwar.
"Totoo naman ang mga sinabi ko, 'tsaka hindi lang ako ang nagsumbong! Halos lahat ng estudyante ay ayaw sa inyo! Natatakot lang sila sa inyo kaya walang umaangal!"
Pinagkrus ni Cindy ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib. Nilapitan niya si Myrna at 'tsaka niya ito tiningnan mula ulo hanggang paa.
Hindi naman makapaniwala si Myrna sa pagkakaroon ng napakagandang mukha ni Cindy, ngunit may magaspang naman na pag-uugali.
"You, stupid bitch, don't mess with us! Kung gusto mong magpabango sa mga teachers, regaluhan mo na lang sila," babala ni Cindy 'tsaka niya nilakihan ang kaniyang mga mata, "H'wag kami ang inaatupag mo. Hindi lang 'yan ang kaya naming gawin sa 'yo, ugly bitch!"
BINABASA MO ANG
The River of Truth
Teen Fiction"The most dangerous liars are those who think they are telling the truth." Lying is frequently characterized as selfish behavior. However, it became a habit for three youngsters. They believe lying is necessary, and they are unconcerned about the fe...