Deceived by Entranced Emotions

52 16 122
                                    


'Kring . . . Kring . . .'

Napakunot ang noo ni Mr. Rivero nang tumunog ang cellphone ni Cindy.

Sinagot naman ito ni Cindy.
"Yaya?" She sounded very agitated on the phone.

Tinitingnan siya ni Mr. Rivero mula sa front mirror.

"Oh my god, really?" She covered her mouth with her hand and her eyes grew big.

Hindi maiwasan ni Mr. Rivero ang mapalingon kay Cindy. Hindi na niya napansin ang ngisi sa bibig nina Seth at Anwar.

"I'm going back home! Bye."

Itinigil muna ni Mr. Rivero ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Ramdam niyang may emergency na nangyari sa bahay ng mga Laurel.

"Ano'ng nangyari, Cindy?" The call made him nervous. Sa tingin niya ay importante ang tumawag kay Cindy.

"My mom was in the hospital. Nabunggo ang kotse niya." There wasn't a word of truth in what she said. The whole story had been faked up. Hindi talaga tawag ang nangyari kanina kundi alarm ng cellphone niya.

Nanlaki ang mga mata ni Mr. Rivero. "Kailangan nating bumalik. Sandali at tatawag ako sa administration." Bumaba ng sasakyan si Mr. Rivero at sumandal sa kotse nang maisara niya ito.

'Kailangan malaman ni Mr. Morales ito, kundi hindi matutuloy ang . . . argh!' he thought.

Cindy smiled at her friends, her gaze drifting from them to the car's door. Wala na silang sinayang na oras. Binuksan agad ni Anwar ang pintuan dala ang kaniyang backpack sa likuran. Sabay-sabay silang tumakbo palayo. Napatingin si Mr. Rivero sa kanila.

He was in a state of shock while holding the phone in his right ear. His mouth went dry with fear. Hindi na niya alam kung saan sila nagpunta dahil pumasok sila sa masukal na bahagi ng lugar na natatakpan ng mga puno.

"Bullshit!"

He cursed himself for his stupidity.

🤥

"Oh my god! That was fun!" Halos hindi na tumigil ang tawa ni Cindy. Tumatawa rin si Anwar habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Hindi naman tumatawa si Seth.

"O, Seth, what's the problem? You looked worried," tanong ni Cindy. Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan. Lumapit siya kay Seth at tiningnan ito nang diretso sa mata.

"I think we've gone too far." His Adam's apple bobbed in his throat. Hindi niya gusto ang nangyari.

Ipinatong ni Anwar ang kaniyang kamay sa balikat ni Seth. "'Wag kang ma-guilty, dude. 'Tsaka na tayo mag-isip ng solusyon kapag nakabalik na tayo, 'tsaka, ayaw kong mapahiya. Isa akong Flores tapos maglilinis lang ako sa isang barangay. They're crazy!" Inilibot ni Anwar ang kaniyang paningin sa paligid. "Mukhang maganda rito. Mamaya na muna tayo mag-abang ng bus."

"He's right. Kung nakokonsensiya ka ay bumalik ka na lang." She crossed her arms and gave him a level look. As much as possible ay ayaw niyang nagkakaroon ng sama ng loob kay Seth. Sa kanilang tatlo, si Seth ang laging may afterthought.

Si Seth ang killjoy.

Si Seth ang laging nakokonsensya.

"Tara na," sabi ni Anwar. Tumalikod na si Cindy at sumunod kay Anwar. Walang nagawa si Seth kundi ang sundan sila. Hindi nila alintana ang kakaibang lugar.

The stunning blue-white sky and earthy-brown forest floor provide a sense of warmth and peace.

Napanganga silang tatlo sa ganda ng lugar.
Kailanman ay hindi nakakita ng ganitong lugar ang tatlo dahil nakatira sila sa siyudad.

The River of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon