"Iho, nand'yan ka na pala. Halika at kumain ka na."The old lady greeted him with a smile. Si Nanay Luz ang mayordoma ng mga Flores. Siya na ang nag-alaga kay Anwar mula pagkabata. Kahit matanda na siya ay ayaw niyang umalis sa trabaho. Isa sa mga dahilan ay hindi niya kayang iwan ang alaga.
Umupo sa mahabang hapag-kainan si Anwar. There's a lot of food in the table, pero mag-isa lamang siyang kakain. Nasa ibang bansa ang kaniyang mga magulang dahil sa business matters. Madalas ay wala sila sa bahay kaya si Nanay Luz ang nakasaksi sa paglaki ni Anwar.
Hawak lamang ni Anwar ang mga kubyertos. Nalulungkot siya, ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit.
"May tumawag mula sa eskuwelahan mo kahapon, iho."
The spoon slipped out of his hand. "What? Ano'ng sabi, Nanay?"
Nawala ang ngiti sa mukha ni Nanay Luz. "Palagi ka raw nagka-cutting class kasama sina Cindy at Seth."
'Damn!' he cursed under his breath.
"Sasabihin n'yo ba kina Daddy at Mommy?" He could see the disappointment in her eyes.
"Oo, iho."
Tumayo si Anwar na parang batang may hinihingi kay Nanay Luz. Humawak siya sa kamay ng matanda at pinapaamo niya ang kaniyang mukha.
She sighed heavily. Palagi na lang niyang pinagtatakpan si Anwar mula noong pagkabata. Hindi niya nakita noon ang maling epekto ng pangungunsinte sa katigasan ng ulo ni Anwar.
"Nanay, 'wag na please. Baka hindi na niya ako bigyan ng allowance," pagmamakaawa ni Anwar.
She closed her eyes. Napapalambot pa rin talaga siya ng kaniyang alaga. Alam niyang mali, ngunit nangingibabaw ang awa niya kay Anwar.
"Mangako kang mag-aaral ka nang mabuti, Anwar."
Kahit papaano ay naaawa si Nanay Luz kay Anwar. Si Anwar kasi ang inaasahan ng kaniyang ama na mamumuno sa kanilang kumpanya pagdating ng panahon, ngunit walang interes ang binata sa business. Palaging ang kaniyang mga magulang ang nagdedesisyon para sa kanilang anak, wala itong boses at wala silang pakialam sa mga gusto niya.
"Promise, Nanay."
🤥
"Sabay ba tayong kakain ng lunch?"
Cindy looked at Tanya with disdain. Hindi naman nagpatinag si Tanya sa kaniya.
"Kumain ka mag-isa."
Bumalik ang atensyon ni Cindy sa kaniyang cellphone. Nag-upload siya ng picture sa kaniyang instamass account at wala pang thirty minutes ay umabot na sa higit isang libo ang likes. She smiled. Sumasaya siya sa atensyong naibibigay sa kaniya.
"Kamakailan lang, parang humingi ka ng pabor a. 'Di ba, sabi mo, p'wede tayong maging magkaibigan?" Gumalaw pataas ang kanyang mga kilay.
Cindy rolled her eyes. She was getting more and more irritated.
"Basta sasabay ako sa 'yo ngayong lunch," Tanya happily said. Gusto niyang maging kaibigan si Cindy. Pumupunit siya sa magazine ng picture ni Cindy noon at ikinakabit sa dingding ng kanilang bahay. Mula pa noon ay iniidolo na niya ito.
"Hindi kami kumakain sa canteen. My friends and I have our own room kung saan kami kumakain."
Nanlaki ang mga mata ni Tanya.
"Ano kayo, VIP? Wow!" She was wide-eyed in amazement.
Naiinis si Cindy sa pagiging madikit ni Tanya. She looked at her. Hindi niya masabi kung bakit, ngunit naiirita siya sa pagiging positibo ng babaeng naging seatmate na niya sa klase. She hate the bright smile on Tanya's face.
![](https://img.wattpad.com/cover/258747232-288-k723802.jpg)
BINABASA MO ANG
The River of Truth
Teen Fiction"The most dangerous liars are those who think they are telling the truth." Lying is frequently characterized as selfish behavior. However, it became a habit for three youngsters. They believe lying is necessary, and they are unconcerned about the fe...