Chapter 11 #DrunkenConfession

478 16 2
                                    

Nagmamadaling ipinasok ni Bryan si tatay Lando sa kwarto atsaka niya binalikan si Yani.

"Are you okay?masama ba ang pakiramdam mo?"sunod-sunod ang tanong niya kasabay ng pagsalat sa noo at mukha ng dalaga.

Naiiritang iwinaksi ni Yani ang kamay niya na nakahawak sa mukha nito.

Mariing napapikit ang binata at napayuko.

"Hindi ka ba marunong magtext?Kanina ko pa kayo kinokontak ni papa ah?"pagigil at nanginginig pa ang boses na sabi ng dalaga.

Agad na dinukot ni Bryan ang cell phone sa bulsa at nakita niya ang ilang misscall ng dalaga,

"I'm sorry!malakas ang videoke kaya hindi ko narinig ang mga tawag mo".alanganing sagot niya

"Grabe ka!Alam mo ba kung anong oras na ha?Halos mahimatay na ako sa sobrang kaba,akala ko kung napano na kayo ni papa!"nangingilid pa ang luhang sabi niya.

Biglang natigilan si Bryan.Napatitig siya sa mga mata ng dalaga,bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala.

"Bakit ganyan ka makatingin?"kunot ang noong tanong ng dalaga na noo'y napaurong pa.

Hinawakan ni Bryan ang kaliwang kamay niya atsaka siya marahang hinila papalapit.

"kumusta ang sugat mo?hindi na ba masakit?"may paglalambing na ang tono ng boses nito.

Umiling lang si Yani na pilit umiiwas ng tingin sa binata.Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi atsaka ito tumitig sa kanya,Gumapang ang tila kuryente sa mukha niya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya at hindi na niya nagawa pang iwasan ang mga sumunod na nangyari.

"Sir?" tanging nausal niya nang dumampi ang labi ni Bryan sa mga labi niya.Tumigil ito saglit na tila nakikiramdam atsaka nito
muling inilapat ang labi sa mga labi niya.

Walang takot na ipinadama ni Bryan sa kanya ang matagal na nitong pinipigil na damdamin.

"I love you!"masuyong sabi nito nang bumitiw sa kanya.

Hindi nakakibo ang dalaga na noo'y nakaawang ang mga labi habang nakatingin sa binata.

"I said I love you!" ulit nito na hinawakan pa ang magkabila niyang pisngi.

"Lasing lang po kayo sir!" sagot ng dalaga.

Sunud-sunod na umiling si Bryan atsaka siya kinabig at niyakap ng mahigpit.

"Hindi ako lasing!Alam ko kung ano ang sinasabi ko!"

Nagpumiglas ang dalaga at kumawala mula sa pagkakayakap niya.

"Magpahinga na po kayo!" matabang na sabi nito atsaka naglakad pabalik sa kwarto.

Napahawak na lang sa ulo si Bryan at dismayadong nakatanaw sa dalaga.

Sa mahabang upuang kawayan siya nahiga at nagmuni-muni.Hindi siya dalawin ng antok kahit pa nga ang dami rin ng nainom niya.

Mag-uumaga na noon nang paulit-ulit niyang balikan ang eksena kung saan hinalikan niya ang dalaga.

"wala man lang ba talaga siya kahit konting nararamdaman para sa akin?Mali lang ba ako ng akala na nag-aalala rin siya sa akin?"parang tangang kinakausap niya ang sarili.

Mayamaya pa natanaw niyang papalabas ng kwarto si Yani kaya dali dali niyang ipinikit ang mga mata niya.

Lumapit ito sa kanya at marahang iniangat ang ulo niya atsaka inilagay ang unan at pagkatapos ay ibinalot sa kanya ang kumot.

Napangiti ang binata at pasimpleng binatak niya pasubsob sa kanya ang dalaga.

muling nagdikit ang mga labi nila sa pagkakasubsob sa kanya ng dalaga.

Since That Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon