Chapter 20#TheFinale

859 28 7
                                    

Gaya nang ipinangako ni Bryan,Bumalik sila sa probinsiya ni Yani,Tuwang-tuwa si Andrew nang makita sila Bryan at agad itong lumapit kay Bryan.

Napalabi naman si Yani na noo'y nilampasan lang ni Andrew.

"Ang daya naman!Bakit si Kuya Bryan na ang love mo ngayon?"aniya na lumapit na at yumakap sa kapatid na noo'y karga-karga na ni Bryan.Napangiti na lang si Bryan.

"Pa kumusta naman po kayo?" tanong ni Bryan nang maipasa na si Andrew kay Yani.

"okay naman anak!" nakangiting sagot ng matanda.

Kasalukuyan silang nag kukwentuhan ni tatay Lando nang bumili ang isang babaeng kapitbahay na kadarating lang din galing Japan.Nakasuot ito ng kapirasong telang pang itaas at maikling short.

"Abah!Ka Lando may gwapo pala kayong anak?" sabi nito habang nakatingin kay Bryan.

Napangiti lang si tatay Lando na napatingin din kay Bryan.Panay ang sulyap ng babae kay Bryan habang bumibili kaya naasiwa ang binata, nagpaalam na ito kay tatay Lando at pumasok na ito sa kwarto kung saan naglalaro ang magkapatid.

"Bhabe, may balikbayan pala kayong kapitbahay noh?"kwento ni Bryan nang mahiga sa kama malapit sa kinauupuan niya.

"Balikbayan?"kunot noong tanong niya.

"Hindi mo alam?'yung chicks na sexy?" nangingislap pa ang mga matang sabi niya.

"ah,baka si Eva!" aniya na patuloy lang sa pakikipaglaro sa kapatid.

"Saan siya galing?" tanong niya.

"Japan!" maikling sagot ng dalaga.

"Kaya pala sexy!" nangingiti pang sagot ni Bryan.

"Type mo?Gusto mo ipakilala kita sir?" ani Yani na nakangiting bumaling sa kanya.

"Anong tawag mo sa'kin?" kunot ang noong tanong niya na noo'y naupo na at hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga.

"Mukhang interesado ka sa kanya eh!" walang emosyong sagot niya.

Gumuhit ang pilyong ngiti sa mukha ni Bryan.Dumukwang ito at mabilis na humalik sa pisngi niya.

"love you!" nakangiting sabi pa nito.

"Taksil ka!" nakangusong sabi niya.

Natawa naman si Bryan.

"Bakit nagseselos ang baby ko?" aniya na agad nang hinila papalapit sa kanya ang dalaga atsaka niya ito niyakap.

Hindi umimik si Yani na noo'y nakasubsob lang sa dibdib niya.

"Hindi ako interesado sa kanya,gusto lang kitang inisin" nangingiting sabi nito.

Asar na nagtaas ng ulo si Yani atsaka siya kinurot sa tagiliran.Natatawa lang na muli siyang niyakap ni Bryan.

Habang kumakain sila ng tanghalian panay ang kantyaw ni tatay Lando kay Yani.

"Anak mukhang natipuhan ni Eva itong boyfriend mo ah" nangingiting sabi nito.

Tumulis ang nguso ni Yani at agad na tinapunan ng masamang tingin si Bryan pero sa halip na pansinin ay nilakihan lang siya nito ng mata.

"Bawal kang lumabas ah!" seryoso ang mukhang sabi ni Yani.

Muntik nang maibuga ni Bryan ang laman ng bibig."Bakit naman?" anito ng makabawi.

"Basta!" maikling sagot ng dalaga na hindi man lang tumingin sa kanya.

Nangingiting napailing na lang si tatay Lando.

Ngumiti na  lang  din si Bryan atsaka tumango.

Since That Day I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon